Before you read this, I just want to ask you to pray for Marawi City and its people. I know, many horrible updates have been circulating around and I hope those were all untrue. May we all be one in praying and hoping that we don't lose in this battle. If anyone from the readers of this story is from Marawi or anywhere in Mindanao, stay strong and we stand by you.
--
Ang akala ni Tristan ay matutulog na si Kristina pero nataranta siya nang kunin nito ang helmet at paglabas ay hawak na niya ang susi ng motor na sinakyan niyang pauwi kahapon.
"Fuck, Tin. What are you doing? Nakainom ka!" sinubukan niya itong pigilan.
"Hindi ako lasing," sabi nito.
"No, give me the key. Now, Tin. Bumalik na tayo sa loob," sigaw niya rito upang kumbinsihin.
"Bumalik ka kung gusto mo basta ako aalis muna, ayokong manatili rito hanggang nandito ka," dire-diretsong sabi ni Kristina walang bakas ng kalasingan o ano.
"Now, you're really avoiding me," hinigit niya ang braso nito at inagaw ang susi gamit ang isang kamay.
"Tristan!"
"Saan ka ba pupunta? Sabihin mo muna."
"Sa impyerno, sasama ka?" nakangising sagot nito.
"Anywhere you go, Tin, sasamahan kita," ginantihan niya rin ang pag-ngisi nito.
Kilalang kilala niya si Kristina. Ayaw nitong nahihigitan siya. Ayaw niyang natatalo siya kaya tama lang na sabayan niya ito ngayon.
"Bakit ka ba biglang aalis? Galit ka ba? Tin, gabing gabi na, pa'no kung madisgrasya ka sa daan?" Hindi na niya natiis na sabihin ang mga ito.
"Hindi ako tanga para lumayo ng ganitong oras. Diyan lang ako, magpapalipas ng oras, kaya akin na 'yan," bigla itong umamo.
"I know you too well. Alam kong 'pag hinayaan kitang umalis ngayon, hindi na kita makikita hanggang makaalis ako rito."
"Isa pa, it's freezing out there," dagdag niya.
"Tss," iyon lang ang naging reaksyon niya.
"What's with that?" tinutukoy niya ang reaksyong iyon ni Kristina.
"Fine. Hindi na ako magmomotor," napakawalan niya ang isang buntong hininga roon. "Hiramin ko na lang sasakyan ni Mike," agad niya iyong binawi.
"Kristina!" napatigil niya ito. "Ako na. Wait for me here, ako na hihiram."
Laking pasasalamat niya nang hindi na ito nakipagtalo pa. Bago niya iwan si Kristina ay hinalikan niya muna ito sa sentido, hindi na niya napigilan.
--
Sa isang kalapit na resto bar sila napadpad. Nagulat siya nang bigla na lang kumaway si Kristina sa bandang tumutugtog sa maliit na entablado nang bar pagkarating. Kinawayan din siya pabalik ng bokalista.
"Strings attached!" Baling niya sa kanya nang magsimulang tumugtog ang banda.
"What?" tanong niya rito, nagugulahan.
"Pangalan nila. Cool 'di ba? Paborito ko 'yang mga 'yan," tila may pagmamalaking pahayag nito na nagpangiti sa kanya.
Katulad noon, lagi siyang may nadidiskubreng bago kay Kristina.
--
Kasalukuyan silang nagsasalo sa isang lokal na alak na gawa sa strawberry sa bandang labas ng resto nang lumabas ang banda.
Isa isa silang yumakap sa kanya at bumati.
"Direk! Kumusta?" Sabi ng isang gitarista.
"Ngayon ka lang uli napadpad dito, Tin, ha," ika ng babae, 'yung bokalista.
BINABASA MO ANG
Deadend
General Fiction"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya...