JIN
LUMIPAS ang ilang linggo at ako na nga ang bagong school president. Naging maayos naman ang pag-aaral ko, pero hindi ko pa ring maiwasan na mapaisip ako ng kakaiba tungkol kay Lex.
Kasalukuyan akong nasa silya ko sa classroom habang ginuguhit ko ang bahay namin. Hindi ito maliit may kalakihan ito may tatlong palapag, medyo moderno ang bahay namin, may balkonahe at maganda ang pagkakakulay, may sarili din kaming mga kwarto, pero ang hindi ko lang maintindihan ay saan naman kumuha si tita ng pera pambili ng ganoong bahay? Hindi naman sapat ang sweldo niya at ang mas naipagtataka ko ay bakit kami pinpa-aral ni tita sa paaralang 'to na sobrang mahal ng tuition fee na halos umabot ng kalahating milyon. Nang malaman naming tatlo na sa Claiford High kami mag-aaral ay hindi kami makapaniwala at hindi namin alam kong seryoso ba si tita sa sinasabi niya. Palagi namin siyang tinatanong kung saan siya kumukuha ng pera pero hindi siya sumasagot ng matino o di kaya'y umiiwas siya sa tanong. Lalong lalo na kapag ako ang magtatanong.
Hindi ko na natapos ang pag-iisip ko at pag guguhit ko dahil pumasok na ang lecturer naming si Mrs. Alonzo. Inilagay ko sa bag ko ang notebook at bagot na tumingin sa harapan. "Good morning, class" Dumapo sa akin ang paningin nito at tinaasan ako ng kilay bago umiwas ng tingin. Tsk. Naramdaman kong napansin iyon ni Kai at alam kong palihim siyang tumingin sa 'kin.
"Okay, so do you still remember our last topic 'bout the royal family?"
"Siguro...?"
"Yes,"
"Really? So, if you do remember our last topic, I'm gonna ask a question..." Tumigil siya sandali sa pagsasalita at tumutok sa akin. "...to you, Miss Berdera." Ngumiti ito at tinaasan ako ng kilay. Ang lahat ay nakatingin na sa akin at muling tumingin kay Mrs. Wala naman akong sinabing may natutunan ako. Tsk. Hindi ako sumagot at tumingin ng deretso sa mga mata niya. Inayos niya ang kwelyo niya at nagsimula ng magsalita habang ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa 'kin na para bang hinihintay nilang magkamali ako. "So, here's your question. What is the only quote of Princess Nathalia?"
Napakunot ako ng noo bago tumayo at sumagot, hindi ko 'to pinag-aralan dahil sa katamaran ko. "The only quote of Princess Nathalia is, 'Wearing a tiara and wearing a golden shoes does not describe you as a princess---"
Agad akong tumigil sa pagsasagot nang pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagpitik niya ng mga daliri niya. "No, wait, say that in Spanish!" Medyo galit at iritadong sabi niya at seryoso akong tinignan na para bang nanghihinala. Tumaas ang kilay ko at tumikhim, nakita kong napangiti siya ng pagkasarkastiko. "Hm, it's look like, hindi mo alam Ms. Berdera, Nathally?" She then crossed her arms, narinig ko ang mga bungisngisan ng mga kaklase ko at bulong bulongan. "Ayan kasi, puro kasi katamaran at kayabangan, madali lang naman matuto. Just sit on your stupid chair and listen!" Sabay hampas ng libro sa mesa niya. "Now, everyone! Who can answer?!" Sigaw niya sabay hawak sa kaniyang sentido. Tumahimik ang lahat at agad yumuko ang ilan pa ay umiwas ng tingin. "Walang sasagot?!" Galit niyang inilibot ang mga mata niya sa loob ng silid at maya maya'y dinuro niya ako. "Hindi ka uupo, dahil sa kabobohan mo, hindi ka uupo because you didn't answer my question, hindi mo alam ang sagot----!" Dahil sa irita ko at galit ko ay agad ko na siyang inunahan sa pagsasalita at pinutol ang kaniyang sinasabi.
"No, ma'am, I can sit because I stupidly know the freaking answer, you're wrong for thinking that I can't answer your basic question. And it doesn't mean I didn't answer the question immediately, I'm stupid, you're the one who's stupid because you're a teacher and you did not know how to educate a student."
Naging seryoso ang mukha ko habang sinasabi iyon ng deretso sa kaniya, bigla ay hindi siya makapagsalita at bigla itong namutla. Napakurap ito ng ilang beses at hindi alam kung paano ibubuka ang bibig. Naramdaman ko rin ang pagkagulat ng nga kaklase ko at may panlalaking mga mata akong tinignan. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya na ngayon ay pilit iniiwas ang paningin sa akin.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...