JINNAPABALIKWAS ako ng bangon napahawak ako sa ulo ko, napapikit ako at umiling "Panaginip lang pala" bulong ko, bumaba ako ng kama ko't tumingin sa salamin hindi pa pala ako nakabihis deretso pala akong nakatulog kagabi.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin bigla ko tuloy na miss si mama kamukhang kamukha ko si mama. May lahi siyang Espanyol kaya sa kaniya ko namana ang kulay abo kong mga mata, siya din ang dahilan kong bakit nakakapagsalita ako ng wika nila dahil nung bata pa ako ay tinuturuan niya ako hanggang sa dumating ang oras na pumanaw siya five years old pa ako nun halos gusto ko nang sumama sa kabong niya nung libing niya. Mabuti na lamang nandyan si tito asawa ni tita Luring, siya ang tumayong tatay ko, siya din ang unang nag turo sa'kin kung paano lumaban dati kasi siyang boksingero parang tinuturing niya nga ako na anak eh, kaya madalas akong ina-away ni Kai....yun nga lang din pumanaw din siya, iniwan din ako ni tito...at hindi ko maipaliwanag ang sakit.
**
Hinawakan ko ang laylayan ng saya ko, puking ina. Napapadyak na lamang ako sa inis eh pano ba kasi kita na yung tuhod ko and my legs....shit. "Humanda ka talaga sa'kin manang guard." Napailing na lamang ako sa binulong ko. Bumaba ako ng hagdan upang magluto, mabuti naman at wala si tita ano? Wala sisira sa umaga ko may trabaho kasi siya ngayon unang araw niya."Jusko my god!" Matapos kong inihain ang pagkain sa hapag ay napatingin ako sa harap nakatayo si Kia at tinitignan ang mga pagkain, nakapamaypay. Hindi ko alam pero parang gusto humiyaw dahil sa nakikita ko ngayon, tinignan niya ako na nakataas ang kilay. "What you looking for?" Pero hindi ko pinansin ang grammar niya, pano ba kasi ngayon ko ulit siya nakita na walang makapal na eyeliner at liptint, napakurap akong lumapit sa kaniya.
"Anong nakain mo at parang nasa matinong utak ka ngayon?" Natatawa kong sabi sinampal niya ang kamay ko na nakaturo sa mukha niya. Nilagpasan niya lamang ako at umupo sa silya sinundan ko siya nang tingin.
"Ganda mo ngayon ah" tukso ko sa kaniya inspired siguro. Tsk. Ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Hulaan ko may nagugustuhan ka" ngisi ko sakaniya, nakita kong pumula ang pisngi niya at napatigil sandali sa pag subo.Sinasabi ko na nga ba.
Iniba ko na lamang ang usapan.
"Si Kai sinong makakasama niya---" pinutol niya agad ang sasabihin ko "Pabayaan mo na yun matanda na siya" napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga.. "Ibinilin naman siya sa kapitbahay natin wag kang mag-alala" napaangat ako nang tingin at tinignan siya "Sino?" Tanong ko ngunit nginisihan niya lamang ako alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya nadala narin ako at hindi mapigilang mapangisi na rin.**
Habang nag ba bike ako ay napatigil ako sandali sa gilid ng tindahan ko saan ko ulit siya nakita anong ginagawa niya dito?Napabuntong hininga na lamang ako at pilit iyong kinalimutan.
Lutang lamang ako habang nag ba bike tinatamad akong magpabilis ngayon sa pagmaneho at dahil matigas ang ulo ko ay nag jogging pants pa din ako, sino ba naman kasi ang babaeng mag ba bike na naka saya na hindi aabot ng tuhod? Kahit may short ka pa mag mumukha ka pa ding timang.
"Berderaaa!" agad na sabi ni nanay guard pagkapasok ko agad sa gate habang tinuturo ang hita ko. "Hubarin mo yan" galit niyang sambit, tumingin ako sa paligid wala pang halos tao. "Sa C.R. na lang--" ngunit agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Ngayon na" at tinuro ang guard house habang ang isang kamay nito ay nasa bewang "Pero....."
"Ngayon na" napapadyak ako sa inis at walang pag aalinlangang pumasok sa gurad house, isinara niya ang pintuan ng malakas pati ang mga bintana "Puking ina" paulit-ulit kong sabi habang hinubad ang jogging pants at pinalitan na short.
"Tapos na" Inis kong sabi yumuko ako at tinignan ang mga tuhod ko puking ina talaga. Hinawakan ko ang laylayan nito nang binuksan ni nanay guard ang pinto "Labas!" Sigaw niya, Inis kong kinuha ang bag ko at inilagay sa balikat ko't nagmartsya papalabas nang makalabas ako ay sinampal pa niya ang pwet ko. Nakakainis na! "Ganyan dapat, umalis kana! Kay gandang babae hindi marunong manamit" rinig kong bulong niya. Dumeretso ako sa paglakad papuntang classroom ganon na lamang ang pag kunot ng noo ko nang merong sumitsit. "Shit! Look at those legs, damn" ngunit nag patuloy lamang ako sa paglakad.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...