KIA
BAGOT akong umupo sa upuan ko habang pinapaikot-ikot ko ang black pen sa mga daliri ko. Napahikab ako at tumingin sa silya na inuupuan ng honeybunchsweetypotatowithloveko Napangiti ako at kinagat ang labi ko upang mapigilan 'yun.
Why naman kasi fogie? Ahihi.
Char!
Nakita ako ng mga barkada niya na tumingin ako sa kaniya, kaya tinuro nila ako. Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko nang tumingin siya sa 'kin!
Ihhh, ene be, weg ke ngeng genyen.
Chos.
Ngumiti ako ng napakatamis para mainlove pa siya lalo sa 'kin. Pinorma ko ang bibig ko sa salitang. 'Hi' Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang hindi niya ako pinansin at itinuon lamang sa harapan ang paningin niya.
Ghe.
Ngumuso ako at ibinalik 'din sa black pen ang paningin ko. "At least tumingin siya sa 'kin." Bulong ko. "Kesa naman kina Christy at Lencey kahit anong papansin nila dito, hindi nga sila nilingon, eh." Umirap ako at tumingin kay Roy na ngayon ay nakikinig ng musika sa kaniyang headphones. Kailan kaya ako papansinin nito? 'yung tipong hindi sa negatibong paaran? "Chos" kumuha ako ng papel sa bag ko at gumawa ng isang letter para sa baby ko. Hirhir. Pang ilang beses na 'to, tapos hindi man lang niya tinugunan ang aking pagsinta. Bakit naman ayaw no'n sa 'kin, eh, ang pretty ko kaya. Like, duh? Seryoso ako. Maarte kong hinawi ang buhok ko at pinag cross ang mga paa.
Dear honeybunchsweetypotatowithloveko,
Hi, baby! Crush na crush na crush na crush na crush na crush at crush tapos crush kita. Hihi. Alam mo kanina no'ng tumingin ka sa 'kin? Tumalon ang aking puso, tila ako ay dinadala papalagpas sa langit. Kinilig ako, baby! Sa'yo lang ako at akin ka lang, ha.
At alam mo na ba? Na, the sky is blue the sound of a cow is moo, but always remember I only belong to you. Ayieee. Corni talaga ako sa mga letters ko pero sa personal, mahal talaga kita.
By the way, dilim ka ba? Kasi no'ng dumating ka, wala na akong makitang iba. Char!
Hihintayin kita kahit wala kang pakealam sa 'kin. Kahit ang sakit na hindi kita susukuan, promise. :>
From your pretty wife,
Kianna
Napakagat ako ng labi at muling tumingin sa kaniya. Inayos ko ang letter at maingat na inilagay sa bag ko. Sa palagay ko lagpas singkwenta na ako nagsusulat nang letters para sa kaniya ngunit hindi talaga niya binasa, eh. Pa hard to get naman 'tong baby ko.
Chos!
"Class, sit down." Mula sa pinto ay pumasok si Ms. Xiarra. Umayos ako ng upo nang magsimula na itong mag discuss. "Okay, listen, for this week ay kakanta kayo para sa first project niyo. Okay?" Naghiyawan ang mga kaklase ko at napatango. "Kaya may dala dala akong bowl, this is for girls" iniangat niya ang isang bowl na may mga maliliit na tinuping papel na batid ko ay ang mga pangalan ng babae. "And this is for the boys." Sabay angat ng isa pa. "Huhubot ako ng isang pangalan sa isang bowl upang doon malalaman kung sino ang magiging partner niyo, by pair 'to, class, okay?" Nakatutok ako sa harapan at pinagdadasal sa panginoon na sana si Roy ang magiging kapares ko, pero kahit hindi ko naman idadasal ay akin talaga siya. Duh? Ngunit dahil sa kati ng bibig ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumayo ako sabay taas ng kamay at sumigaw, naninigurado lang.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...