Epilogue

188 20 2
                                    

THIRD

7 years later....

NAGISING ako nang may marahan na tumapik sa pisngi ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at napangiti nang makita ko siya sa umaga ko. "Third, wake up." Aniya sa malambot na boses. Lumayo siya at unti unti nang nilinis ang kwarto at nameywang. "Your breakfast is ready, tara na sa baba." Humikab ako at napakamot ng buhok. Pumunta muna ako sa banyo upang maghilamos at sa paglabas ko ay naabutan ko siyang inaayos ang damit ko sa kama.

"Good morning," Sabi niya at lumabas.

Bumaba na din ako at narinig ko ang mga boses ng dalawang bata na nagtatalo sa kusina. "Duh, this is mine sabi, eh! Mommy, oh!" Rinig kong sigaw ni Soya. Napailing na lamang ako nang maabutan ko silang dalawa habang nag-aaway na naman dahil sa pagkain. "Magluluto na lag ako, Jairee, give it to ate na lang," Biglang tumingin ang dalawang bata sa akin kaya agad silang natahimik. "Nag-aaway na naman kayo, umagang umaga," Naiiling kong sabi.

"Hello? Yes, mamaya na kami," Saad niya habang nagluluto at maya maya ay inilahad na niya ang pagkain sa harapan namin. "Sino tumawag?" Tanong ko sa kaniya. "Hope," Tipid niyang saad at hinandaan ako ng pagkain sa pinggan. "Pinapunta na niya tayo samantalang hindi pa nga nakapunta ang groom niya," Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Soya, be nice okay? Huwag ka nga maging maldita!" Saway niya dito habang sinusuotan ito ng headband sa buhok, "Mommy kasi ano, eh!" Tumaas ang kilay niya at bumaling sa akin. "You want daddy para ipalo ka?" Pananakot niya, itinaas ko ang isang palad ko habang ang isang kamay ay nakahawak sa manobela dahil kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa venue kung saan gaganapin ang kasal nila Hope at Vance.

"N-no, s-sorry, po..." Ibinaba ko ang kamay at tumango. "Good, sit down now, baby." Hanggang sa marating namin ang beach ay medyo marami nang tao, agad kaming sinugat ni Jade at tinapik ang braso ko. "Uy, Vianca! Long time no see! Ang ganda mo parin, ah" Natatawang aniya at tinapik din ang balikat ni Vianca habang karga karga si Soya at sa akin naman ay si Jairee, halatang gustong matulog ng anak kong lalaki. Pumasok muna kami sa isang room kung saan may mga guest at inilapag sa sofa ang anak ko.

"Where's mommy Vianca, daddy?" Bigla siyang nagmulat ng mata at nagsalita gamit ang maliit na boses. Ngumiti ako at hinawi ang buhok niya. "May pinuntahan lang kasama ang ate mo," Kinarga ko siya siya at inilagay sa hita ko upang makatulog pa siya ng maayos. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Vianca. "Nasaan ka na? Hinahanap ka na ni Jairee," Saad ko. "Wait, nag-uusap pa kami ni Hope!" Sigaw niya dahil medyo maingay sa kabilang linya.

"I MAY pronounce you, husband and wife!" Napahiyaw silang lahat lalo na kaming magkakaibigan nang makita naming hinatak ni Vance si Hope sa bewang at hinalikan siya ng mariin. Halos hindi na maawat sila Kaivin at Jade dahil para silang batang nagsasapakan na para bang kinikilig din. Napangiti ako habang tinatanaw silang dalawa na ngayon ay nakaukit ang kasiyahan sa mata ng isa't isa.

Bigla ko siyang naalala at napaisip kong hindi niya ako iniwan, kami pa kaya hanggang ngayon? Magpapakasal pa kaya kami? Magkakaroon pa kaya kami ng maraming anak? Pero ayos na, okay na ako sa pamilya ko ngayon, ayos na ako kapag nandito si Vianca sa tabi ko habang inaalagaan ang anak namin.

"Kai!"

Biglang isinigaw ni Hope ang pangalan ni Kai at lumingon naman siya dito. Naiiyak niyang dinuro ang daliri niyang may singsing na ikinatango naman ni Kaivin at lumapit pa siya kay Hope upang yakapin ito. "Ano ba 'yan!" Agad kinalas ni Vance ang pagkakayakap nilang dalawa at pinalibot niya ang braso sa likod ng asawa. "Pano ba 'yan kasal na kami," Pagmamayabang niya.  "Bilisan niyo kasing maghanap!" Ulit ni Vance at humagalpak ng tawa.

"Nahiya naman ako sa 'yo,"

Sumingit si Eros sa tabi habang nakabusangot ang mukha. Sabay kaming natawa dahil sa kaniya.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon