Chapter 2

521 31 9
                                    

JIN

"WHAT is happening here?!" Napatingin ako sa likod kung sino ang nagsalita, isang babaeng may edad na, napangisi ako ng pagkasarkastiko. Ang ganda nga naman ng first day of school ko.

Lalo na nuong pinatawag niya kaming dalawa sa opisina nito. I bet she's the principal. Napabuntong hininga ako. Tamad kong inayos ang bag at sumunod. Bagot akong naglalakad sa hallway habang nakayuko.

Sinadya ko pang bagalan ang aking lakad upang hindi kami magkalapit. "Isusumbong kita kay mama."

Napatigil ako sa pag lakad nang biglang may nagsalita, tinignan ko kung sino ito. Si kianna, naka-cross ang mga kamay at naka taas ang kilay na para bang sinasabi niya na

'katapusan mo na at ilang segundo na lamang ang natitira mo sa mundong 'to.'

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag lakad, nakita nila, at kapag may nakita sila sa katangahan ko, isusumbong at isusumbong nila ako kay tita.

Kahit pa siguro naka-apak lang ako ng tae ng aso, bubuka na ang mga bibig nila.

"Sit down." Utos ni Ma'am principal nang makapasok na kami sa office niya. Sumunod ako at yung ulupong na rin. Naka-upo na siya sa silya niya at pinaghawak ang mga kamay niya sa desk niya.

Walang pakialam akong umupo sa harapan niya at bumukaka pa ng kaunti. "Sit properly, miss!"

Hindi ko siya pinansin at tumingin lamang kay Third na basa ko lamang sa I.D. niya. Nag tama ang paningin namin at batid kong gusto na niya akong upakan dahil sa paraan ng patingin niya sa 'kin.

"So, what do you two think you're doing?" Paninimula nito. "My god! I know you two are already seniors, Isang apak na lang at graduate na kayo and you're acting immature!"

Sabi niya at dinuroduro pa kami. "Throwing a ball to someone's head? seriously? Now, explain both of your side's."

Napilitan akong magpaliwanag, samantalang ito namang isa ay parang mamamatay na, habang malakas na sumisigaw at iniwais wais ang kamay, with actions pa.

Kung maka pagsabi siya'y parang gusto na niya akong makulong.  Lagi ng pinaglaban niya na wala namang kwenta. "Do not shout in from of me." Natigilan ito sandali at padabog na umupo.

"But you shouted in front of us." Inangatan niya ito ng kilay.

"That's your first warning, if ever na umabot ito ng third warning you two are expelled! Understood?"

Tumango lamang siya, at ako naman hindi sumagot. "Now get out! But for now I will not give you a punishment. My God!" Tumayo ako at tumingin sa kaniya.

Naka-una akong lumabas upang hanapin sana ang classroom ko nang may biglang humigit sa braso ko tinignan ko ito at tama nga ang hinala ko. Marahas niya akong hinigit, alam kong may mga tao ang nakakita sa'min ngayon.

Dinig ko pa ang ilang mga bulong bulongan. Hindi ako nag salita at nagpadala na lang. Nang maka abot na kami na sa paningin ko ay abandonadong building dahil walang ka tao tao at kita mo ang luma na ng mga kagamitan.

Malakas niya ako binitawan, napahawak pa ako sa braso ko nang sumakit ito Ngunit hindi ako nag patinag tinignan ko lamang siya ng walang emosyon.

"Ang lakas ng loob mo." Madiinan niyang sabi. Ang dilim dilim na ng paningin niya na para bang ilang minuto na lang at lilipad na ako kapag susuntukin na niya ako.

"Oh?" Walang ganang sagot ko."Sino ka ba sa tingin mo, huh?" Napakunot ako ng noo at hindi sumagot."Hindi mo ba ako kilala?" Malakas niyang sigaw. Tumingin lamang ako sa madilim niya'ng mga mata.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon