Chapter 27

116 17 23
                                    

JIN

HINALIKAN niya ako sa labi habang pinaglalapit ang mga katawan namin sa pamamagitan ng paghawak niya sa likod ko.

Bigla akong nanigas at mulat na mulat ang mga mata. Naramdaman kong ginalaw niya ang labi niya sa labi ko, sinubukan kong tinulak siya papalayo ngunit nawalan ako ng lakas kaya napahawak na lamang ako sa dibdib niya.

Bigla siyang tumigil at kumawala na para bang natigilan. Nakita ko kung gaano ka pula ang mukha niya. Hinawakan ko ang labi ko at agad tumakbo papaalis sa mansiong 'yon. Tumibok ng malakas ang puso ko habang tumatakbo sa isang mahabang hagdanan ng mansion papaalis. Gusto ko nang umalis, gusto ko nang tumakas.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil may isang butil na lamang ng luha ang kumawala doon. Tumakbo ako papalayo habang sumunod naman ang isang butil ng luha na lumabas sa mga mata ko. Tumakbo ako ng mabilis sa gitna ng mabatong kalsada nang bigla na lamang may palad na humablot sa kamay ko at pinapaharap ako sa kaniya.

"S-sorry"

Pilit niyang hinuli ang paningin ko at sinubukang hawakan ang isa kong kamay nang malakas kong kinalas ang kamay niyang nakahawak sa akin at muling tumalikod.

Hindi ako umiyak dahil hinalikan niya ako, umiyak ako dahil bigla na lamang sumakit ang puso ko nang hinalikan niya ako.

"N-Nath, I'm s-sorry--" Malakas at mariin niyang hinawakan ang braso ko ngunit nanatali akong nakatalikod sa kaniya. Napapikit ako at hinarap siya habang basang basa ang mga mata. Natigilan siya at napakurap. "Y-you're crying.." Anito habang nakatingin sa mga mata ko. Akma niyang hawakan ang mukha ko nang umatras ako.

"Tumigil kana, gusto ko ng b-bumalik"

Iyon ang huli kong sinabi bago siya tinalikuran, tinuyo ko ang mga mata ko gamit ang mga palad ko at tumingala. Hindi pa lumipas ang limang segundo nang malakas akong napamura dahil bigla na lamang niya akong binuhat na parang bigas. Malakas kong pinagsusuntok ang likod niya habang naglalakad siya papalapit sa harap ng mansion kung saan nakaparada ang kotse niya. "T@ngina mo! G@g0!" Pilit niya akong pinapasok sa loob ng kotse at malakas na sinara ang pintuan. Sinubukan ko itong buksan nang maunahan na niya itong e lock gamit ang isang maliit na remote.

"Palabasin mo 'ko!" Malakas akong sumigaw at aksidenteng napako ang paningin ko sa harapan at doon ko nakita ang mga kaibigan niya na nakaawang ang mga panga habang gulat na pinagmamasdan kami. Hindi ko alam pero parang gusto ko ng magpakain ng lupa dahil sa hiya. Napabalik lamang ako sa realidad nang inayos niya ang seat belt ko pagkatapos ay pinaharurot ang sasakyan. "Third!" Galit ko siyang tinignan na ngayon ay seryoso na ang mga tingin habang nagmamaneho. "Ibaba mo 'ko" iritadong sabi ko.

"Edi, bumaba ka kung kaya mo, tignan natin kung hindi ka ba babawian ng buhay" sarkastiko siyang napangisi. Napataas ako ng kilay at malakas kong tinadyakan ang braso niya dahilan upang mapagilid siya ng daan at muntik na kami mabangga sa isang malaking puno pero agad din siyang nakaliko. Malakas akong napatawa.

"Nath! You almost killed us!" Sigaw niya at napasabunot ng buhok, bago muling pinaandar ang kotse. Iritado niya akong tinignan ngunit nginisihan ko lamang siya ng pagkasarkastiko. "Hindi ako papayag na mamatay kapag hindi ka rin naman mamamatay" sabi ko at muling tinadyakan ang braso niya dahilan upang lumiko siya at muntikan nang mabangga ang harang ng tulay at muntikan kaming mahulog. Imbes na matakot ay malakas akong napatawa. "Nath!!" Galit niyang pinarada ang kotse sa gilid at tiim bagang tumingin sa akin.

"Ganiyan ba ang nangyayari sa 'yo kapag hinalikan ka?"

Natigilan ako at napaawang, ang ngiti sa mga labi ko ay biglang naglaho at napalitan na gulat na ekspresyon. Pakiramdam ko ay parang tumayo lahat ng balahibo ko. Mula sa pagtawa ay tumikom ang bibig ko. "Hinalikan lang kita nagiging baliw ka na" Seryosong saad niya dahilan upang matameme ako at walang isang salita ang kumawala sa bibig ko. Biglang umurong ang dila ko at hindi ko alam ang sasabihin, napakurap ako at umiwas ng tingin, parang namumutla na ako dahil sa hiya. Malakas akong napalunok at hinawakan ang upuan. Muli siyang humarap sa daan at nagpatuloy sa pag mamaneho.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon