Chapter 16

128 20 40
                                    

Short update lang muna sa ngayon ha.

Char makapag sabi si me para namang may nag reread-_-
Chooss!

Pero seryoso, umabot ka ba talaga dito? Oh nag jo joke time ka lang?

Wosshh!!
______________________________________

JIN

"JINGJING!!!!" imulat ko agad ang aking mga mata, ramdam ko ang pawis pagbilis ng tibok ng puso para akong hindi makagalaw sa kinahihigaan ko, hindi ako masyadong makahinga dahil sa kaba, bumibilis din ang aking paghinga na para bang ilang segundo na lamang ay mawawala na ito.

Muli akong napapikit ng maikumpirma na nanaginip lang pala ako.

Panaginip....na naman....

"BANGON NA! ANO BA NAMAN YAN JINGJING! DILAT NA ANG LAHAT NG MANOK SA BARANGGAY AT HINDI KA PA RIN DUMILAT JAN HA?!"

Dahan dahan na hinawakan ko ang puso ko. Bakit ganon? Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ako sigurado ngunit simula nung nakita ko siya ay nag kaganito na ako.

Umiling ako, impossible. Ngunit sino ang babae na nasa panaginip ko?

Para na akong nasimento sa kama ko habang nakadungaw sa itaas, hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha galing sa mga mata ko.

"Aba! Aba! Aba! Ano habang buhay ka na lang ba jan ha? Baba na! Ano ba naman yan Jing jing! Ilang beses ko na bang sinasabi sa iyo na kapag sasapit na ang umaga bumulaga ka na!"

Lutang na tinignan ko si tita, bigla siyang tumigil at dahan dahan na nilagay ang kamay sa beywang.
"Tingnan mo nga naman!" Sigaw nito, sa hitsura niya ngayon para na siyang mawawalan ng buhok.

Kalbo.

"Ano ha?! Magtitinginan na lamang tayo? Jingjing naman! Nung ako'y dalaga pa hindi naman ako ganyan ka tamad minsan pa nga mas maaga pa sa alas kwatro ako gigising---" nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita niya tungkol sa kaniyang buhay. Iniwais wais pa niya ang kaniyang kamay at dinuro duro pa ako.

Hindi ko siya gaano mapansin dahil sa bumabagabag sa'kin, ilang minuto ang lumipas ay tumalikod na ito at lumabas ng silid ko.

Napapikit ako at napahilamos ng mukha, nang maalala ko na naman ang panaginip ko ay bumuntong hininga ako pilit kinukumbinse na wala lamang iyon.

Bumaba na ako at nagsimula nang mag ayos.

**

Matamlay akong bumaba sa kusina upang kumain. Nararamdaman ko ding hindi na sumasakit ang likod ko.

Napangiti ako ng palihim, may tulong din naman pala sa buhay ko si Kianna.

Umupo na akong sa silya at kumuha ng pritong itlog at kanin, tinitigan ko muna ang ulam kong pinirito.

Anong klaseng pagkaprito to?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at
walang ganang sinubo ko ang kutsara na may pagkain at nginuya yun.

"Hoy"

Napangiwi ako ng matikman ko ang pritong itlog na kinakain ko. Daming asin letche. Agad agad kong nilunok 'yon, sino naman kaya ang nag prito nito? Tumingin ako sa lamesa at saktong may nakita akong kaldereta ngunit ng matikman ko iyo ay bumagsak ang balikat ko.

Para namang nawalan ako ng panlasa, matabang, Puking ina tarantado.

"Jing!" Napatingin ako ng deretso kay Kia na ngayon ay nakataas ang isang kilay. "Oh?" Umasim ang mukha ko ng makagat ko ang isang maliit na piraso ng asin.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon