Charr nagbabasa ka parin? Naks!
----------------------------------------------------------
JIN"IJA ilang beses ko na bang sinasabi sa iyo na huwag ka nang pumasok na may jogging pants" bungad sa akin ng guard, ngunit tinignan ko lamang siya hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit siya tulala lamang akong nakatutok kay nanay guard. "Last mo na 'yan ngayon, alis!" Napakurap ako nang bigla siyang sumigaw iniwais pa niya ang kamay niya. "H-ha?" Medyo naka-awang kong tanong "Pumasok ka na! Nakaka abala ka lamang" don ko lang na laman na tapos na pala tinignan ang I.D. ko "Bukas na bukas wag kang pumasok na naka jogging pants, nagmumukha ka lamang na hunghang" aniya.
Tumalikod na ito at sinuri ang iba pang mga estudyante napailing na lamang ako at tumalikod, nagsimula nang maglakad, ayaw na ayaw ko talaga sa ilan sa mga guard na feeling principal, tsk. Napayuko ako at tinignan ako suot ko ayos lang naman ah, ayoko kasing may makakita ng binti ko hindi ako sanay.
Nathally masanay kana kasi bukas magpapa-alam kana sa mga jogging pants mo kung hindi, hindi ka makakapasok. Tsk.
Umakyat ako papuntang classroom ko sa 6th floor pagkapasok na pagkapasok ko agad huminto ang mga kaklase ko ang mga naglalandian, naghaharutan, naglalagay ng mga pulbo sa mukha at ang mga nagbabatuhan ng mga papel ay bigla na lamang tumahimik
Ang buong silid ay nasakop sa katahimikan.
Tahimik at nakayuko lamang ako habang papunta sa upuan ko alam kong sinusundan nila ako ng tingin hanggang sa maka upo ako nagsimula na silang magbulung bulungan.
Napailing na lamang ako, kunwaring inilibot ang paningin ko sa loob ng silid ngunit aksidente napako ang paningin ko sa kaniya napakunot siya ng noo ganon din ako umiwas ako ng tingin sakto naman at pumasok na ang adviser tahimik ang lahat habang nakikinig nang sa wakas ay natapos na ito 15 minutes break at sumunod naman si ma'am Alonzo, history ang subject nito agad dumapo ang mga mata niya sa'kin na para bang hinuhusgahan niya ako. Tsk. Bagot kong tinignan ang lecturer, itinukod ko ang isang kamay sa pisngi ko at nakinig na lamang sa kaniya.
THIRD
"Sit down class" sabi nito habang kumi kembot kembot ang pwet may hawak pa itong stick tsaka libro. "Okay, so our next topic is all about the royal family in Spain"
"Owsss"
"Char, high class"
Napatingin ako sa kaniya inayos niya ang eyeglass niya at nag patuloy. "I have a question for you class" tumikhim siya at pinagsiklop ang mga kamay niya "Sino ang nakaka-alam dito sa buong pangalan na kinikilalang hari ng Espanya?" tahimik kaming lahat hanggang sa wakas ay may nagtaas ng kamay, si Vianca.
Tumango ito Mrs. at pinakinggan ang sagot ni Vianca "King Hermenegildo Martin La Lorona Monteverino" nakataas kilay na sabi nito. Napatango ulit si Mrs. Alonzo sa sagot niya "Good, Miss Lourzed, remember class this is our topic for this week" nagpatuloy ito sa pag discuss, mayamaya ay inayos niya ang projector na nakalagay lamang sa isang mesa sa gilid malapit sa pader nung matapos siya ay may ipinakita siya sa'min. "Ipapakita ko sa inyo ang bawat miyembro ng Pamilyang Monteverino" mayamaya ay may isang imahe na magandang babae na may suot na korona ang nakita ko. Kulay pilak ang suot nito habang kumikinang lumitaw ang napakakinis na balat nito, nakatayo siya at ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa harapan niya nakasiklop ang mga ito, kitang kita mo din sa mga mata niya ang katarayan, bumagay din sa kaniya ang buhok niyang hanggang leeg.
Alam kong namangha ang lahat sa kagandahan niya. "This is Queen Sofia Lucia King Martin's wife. She was known as the 'Witty Queen' they also have a three children" huminto ito sandali at ipinakita sa amin ang isang binatang nakaupo sa isang magarang upuan naka cross ang mga paa at may hawak na espada sa isang kamay habang ang isa ay nakalagay sa arm chair ang suot naman nito ay kitang kita talaga na napakagara.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomansEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...