Chapter 45

52 14 0
                                    

JIN

"OH" Inilahad niya ang isang damit at pajama sa harapan ko. "Anong akala mo sa 'kin, nasa bahay?" Inayos ko ang aking damit at tinalikuran siya. "Cr 'yong kailangan ko, hindi 'yang damit mo" Naglakbay ako papaalis sa kaniya kahit hindi ko alam ang mga daan dito, gusto ko na siyang layuan dahil pakiramdam ko hindi sang-ayon ang katawan ko sa kaniya.

"Nath, sandali."

Napapikit ako ng mariin dahil muli na naman niya akong hinawakan sa braso. Ano bang meron sa kaniya at palagi na lang ako ginugulo? Hindi ko ito nilingon at nararamdaman niya sigurong pinapahiwatig kong bitiwan niya ako kaya dahan dahan niyang kinalas ang pagkakahawak niya.

"Jin" Biglang lumamig ang boses niya habang tinatawag ang pamilyar na pangalan na 'yon. "Tumingin ka sa mga mata ko" Bigla akong nagtaka at umiling. "'Wag mo nga akong guluhin--"

"Hindi mo ba talaga ako maalala?"

Aniya sabay hawak ng dalawang pisngi ko na ikina-atras ko. Pero nagpupumilit siyang hawakan ako habang nakatitig sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya at pinagmamasdan iyon. Wala akong nararamdamang kahit ano. Normal lamang sa mga mata ko ang mga mata niya sa paningin ko.

Ngunit pamilyar...

Nakikita ko sa loob ng mga mata niya ang isang senaryong naglaro na malabo kong makita. Hinawakan ko ang mga palad niya at ako na mismo ang nagtanggal niyon. "Hindi kita kilala, ni pangalan ko nga hindi ko alam. Wala akong nararamdamang kakaiba sa iyo, kahit katiting kaya tigilan mo na ako" Sinimulan ko na siyang talikuran pero bago ako tuluyang umalis ay nagsalita ako pero hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Pero kung isa ka man sa mga tinuturing kong bahagi ng buhay ko noon, sigurado akong may nagawa kang hindi ko gusto."

LUMABAS ako ng cr matapos suotin ang isang uniporme na nakuha ko sa isang locker kanina. May nakalagay na pamilyar na pangalan sa locker na iyon at iyon din ang pangalang tinawag niya kanina sa akin. Kaya sinubukan kong halughugin ang bag ko at may nakita akong susi. Hindi na ako nagulat nang mabuksan iyon at saktong may nakita akong uniporme kaya agad ko nang kinuha.

"Oh, my God! Pres?! Ms. Berdera?!"

Isang tinig ng babaeng may edad ang biglang nagsalita sa harapan ko. Gulat na gulat ito at napakalaki ng mga mata. Unti unti siyang lumalapit sa akin at agad umiba ang mukha ko nang bigla siyang yumakap. "Oh, my! My President is back! How are you?!" Hinigpitan niya ang yakap niya na ikinangiwi ko. Hindi ko din siya kilala kaya hindi ako nagsalita. "Tatlong buwan kang nawala! Binisita kita sa hospital, my gosh! Na miss kitang ka chika! Marami akong sasabihin sa iyo tungkol sa mga matitigas na ulo dito sa school, nako!" Umiling siya.

"Tita"

Isang tinig ng malambot na boses ang bumasag sa pagkakayakap ng may edad ng babae at nilingon ito. "Aria! Nandiyan ka pala, I'm just happy, look she's here! Marami pa akong sasabihin sa kaniya dahil sa nangyari sa school! I'm so excited!" Bigla siyang tumili. Magsasalita pa sana ako upang umalis pero naunahan akong magsalita ng babaeng may pangalang Aria. Hindi ko alam pero noong narinig ko ang boses niya parang pumantig ang tenga ko.

"Kayezhia is here"

Agad akong napatutok sa kaniya dahil sa pamilyar niyang pangalan at mula sa likuran ay sumingit ang babaeng nakangiti pero agad iyong nawala nang magtama ang paningin, hindi lamang iyon dahil may sumunod na lalaki sa likuran niya na bigla ding nag bago ang emosyon nang dumapo sa akin ang kaniyang mga mata.

JADE

"Well, you only need the light when it's burning low,

Only miss the sun when it starts to snow.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon