Chapter 17

116 21 47
                                    

KIA

NAKAYUKO ako habang hawak hawak ang isang payong. Pesteng ulan ba naman kasi to. Inip ko tinignan ang harapan ko. Mula dito ay kita ko sa di kalayuan ang building ng senior high. Nandyan kaya si kuya? Tinignan ko ang wrist watch ko at alas tres palang ng hapon. Ano bayan ang tagal, nasan na ba si Ibing?

"Hey, Roy did you already heard this song?" Napaayos ako ng tayo at kunwari'y inayos ang buhok ko. Shems. Napatikhim ako ng huminto siya sa harapan ko, jusko my god para na akong maiihi. Why so pogi naman kase ih! Dahan dahan akong umatras at tinignan siya. Tinanggal niya ang heat seat niya at pinakinggan nga iyon. Ugh, sis bat naman kase ganon!

"Ang ganda diba!" Tanging tango lamang ang binigay niya at muling isinuot ang mamahaling blue head seat niya. Parang nag suntukan ang mga paro paro ko sa tiyan dahil sa kilig hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti. Kinagat ko ito at dali daling umiwas ng tingin dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko!

Ano ba yan hindi makapag antay ang bebe ko. Char!

Jusko, crush niya talaga ako ih, sabi na nga ba! Well hindi ko iyon masisisi dahil maganda naman ako sabi ni mama.

Dahan dahan kong inangat ang paningin ko at nakita kong bumalik siya sa classroom. Nah, siguro naiilang lamang siya sakin eh. Chos! Nakangiti kong sinusundan siya ng paningin, ngunit agad iyong nabawi ng makita kong lumabas galing ng silid si Doriessa ang asungot niyang kapatid. Napairap ako dahil umirap siya sa'kin. Aba! Dapat lang umirap ako eh, matagal na akong nagtitimpi sa kaniya.

"Ah!" Napasinghap ako dahil bigla na lamang akong napaabante ng malakas, sino namang tumulak sa'kin? Dali dali ko inayos ang damit ko at sinara ang payong may mga maliliit na butil na rin ng tubig ang suot kong uniform. Galit akong napatingin sa likod ko kung sino ang impaktang gumawa non. "Oh, It's you, the dumb Kia, hi!" Napakunot ako ng noo. Ugh! Kahit kailan ayaw ko talaga kay Andrea palagi niya lamang iyon ginagawa sa'kin. Tumawa ang mga bestfriend nito na pareho namang mga toxic. Yuck lang. Bigla itong tumigil sa pagtawa nang makita niya na hindi ako natutuwa.  "Oh, tapos?" May bahid na pag kairita kong sabi.

Pag ito sinapak ko tatalon puso neto.

Nagsing taasan ang mga noo nila at maarte akong tinignan. Dahan dahan siyang lumapit at matalim akong tinignan. "You know what? I'm wondering if bakit kaya ikaw nakapag aral dito eh your so poor naman" umakto na parang naiiyak ang mga barkada niya mukha namang mga bakla. "Yes nga! Siguro nagnakaw ng pera ang kaniyang mommy!" Sabi ng kaibigan nito at humalakhak. "You know what bitch you're not belong to this school, ano ba! para ka lamang langaw na nakikisalo sa masasarap ma pagkain! Yuck! Lets go  girls!" Napakuyom ako ng kamao pilit pinipigilan ang galit ko.

Dali dali akong yumuko dahil sa isang luha na nakatakas sa mukha ko. Hindi naman mangnanakaw si mama ah.

Ang hirap maging mahirap.

Napatikhim ako dahil sumakit ang lalamunan ko. Lumakas ang tawa ng mga estudyante kasabay non ay ang malakas ng pag buhos ng ulan.

Naluluhang pumasok ako classroom at matamlay na umupo sa silya ko. Pilit iniwaksi ang nangyari kanina. Okay lang yun sus.

Ang tagal din naman kasi ni Kuya saan na siya, gusto ko nang umuwi halerr. Dahil sa walang magawa ay kinuha ko na lamang ang diary ko upang mag sulat sa araw nato. Binuksan ko ang bag ko at nag simula ng hanapin iyon, ngunit kumunot ang noo ko dahil lumipas ang ilang segundo ay hindi ko iyon mahanap sa bag ko. Tingnan mo nga naman. Halos punitin ko na ang bag ko ngunit wala talaga akong mahanap na talaarawan. Galit na umupo ako sa silya ko at inialala kung saan ko ba iyon nilagay.

Bwesit.

Bumagsak ang balikat ko dahil naalala kong pumunta pala akong library at nilagay ko sa isa sa mga mesa don! Pesteng buhay to. Lalabas na naman ako! Dali dali kong kinuha ang payong ko at bumaba ng building. Tumakbo ako patungong library at pumasok. "Shhh!!" Iyon agad ang narinig ko mula sa librarian. Napaayos ako ng tayo at pinilit na ayusin ang galawan ko. Kailangan ko na na iyon hanapin kung hindi may makababasa ng mga kakornihan ko! Naalala ko pa kung saan ako umupo kanina kaya dali dali akong tumakbo habang may kausap pa ang librarian.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon