Chapter 42

48 14 1
                                    

NARREZZ

"BABE!" Tumawa si Nathally habang hinahabol ko siya sa gitna ng kapatagan. "Huli ka!" Bigla ko itong niyakap galing sa likuran at hinalikan ang batok nito dahilan upang mabangungisngis siya at tumigil. Ramdam ko na hinihingal siya habang tumatawa. "Pagod ka na ba?" Sabi ko habang nakayakap parin sa kaniya. Itinanggal niya pagkakayakap ko at siya mismo ang yumakap sa leeg ko't hinalikan ako sa labi.

"Kailan kaya tayo ikakasal, Third?" Itinuntong ko ang noo ko sa noo niya. "Kapag makaka-graduate na tayo, pangako, pakakasalan kita at bubuo tayo ng napakaraming anak" Pabiro niyang tinapik ang balikat ko at ngumiti. "Pangako" Aniko habang tutok na tutok sa magiging asawa ko balang araw. Biglang namula ang pisngi nito at lumabi. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at hindi ko na mapigilang sakupin ang mga iyon. Hinapit ko pa lalo ang katawan nito papalapit sa akin sa gitna nang halikan namin at siya mismo ang pumutol roon pagkatapos ay kunot noong tumingin sa akin.

Ilang segundong nagtagpo ang paningin namin hanggang sa dahan dahang lumambot ang ekspresyon niya at napalitan iyon ng lungkot. Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at iniangat iyon. "S-sigurado ka ba sa pangako mo? M-matutupad na ba 'yan sa mga oras na 'to?" Nagmamadali akong umiling at hinalik-halikan ang noo niya habang may pagtataka. "Oo naman, ano bang ibig sabihin mo, Nath?" Biglang lumandas ang isang butil ng luha galing sa kaliwa niyang mata.

"Hey.. are you okay?" I spoke as I whipped her tears away but it continues falling, she sobbed while looking at my eyes. "N-nangako ka sa 'kin n-na hindi mo ako iiwan, p-pero iniwan mo 'ko" Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko habang hindi makapaniwala siyang tinignan. "A-ano ba'ng pinagsasasabi mo? H-hindi kita maintindihan--"

"You broke your promise, you choose her over me, now tell me, am I not enough?"

Dahan dahan siyang lumuhod at niyakap ang tuhod ko at doon humagulhol. Pilit ko siyang pinatayo pero nagmamatigas siya doon. "T-Third, pasensiya na pero sa tingin ko hindi na ako makakabalik... A-ayos na siguro'yon, p-para naman maging malaya ka na" Nanginginig ang kamay ko at nanlamig habang nakatingin sa kaniya. "Nath? A-ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Sinubukan ko siyang hawakan ngunit biglang bumida ang napakalakas na ilaw na tumama sa mukha ko.

Unti unting bumukas ang dalawang mata ko at agad napapikit dahil sa sinag ng araw. Umaga na pala kaya muli akong dumilat at bumangon. Sandali akong umupo sa kama ko at tahimik na inilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto ko habang inaalala ang panaginip ko. Bumuntong hininga ako at hinilamos ang mga palad sa mukha. Simula noong na comatose siya, palagi ko na lang siyang napapanaginipan.

Tumingin ako sa ilalim ng unan ko at dahan dahang isinuot ang kamay ko doon upang kunin ang kwentas ni Nathally na dalawang buwan ko ng tinatago. Tinutukan ko ito at hinalikan. "Good morning" Bulong ko at ngumiti bago inilapag doon sa mesa ko. Nahulog ang kwentas niya noong gabing iniwan na niya ako.

Fuck you, dude. You're the only one who left.

Napairap ako sa hangin at tumayo na lamang upang maligo nang marinig ko ang boses na nagsalita sa utak ko. Hanggang sa matapos ako ay lumabas na ako ng cr at sandaling napako ang paningin ko sa kama at sa mga sandaling iyon ay naalala ko ang gabing minsan ay pumasok siya sa kwarto ko. "Why is your smell is still living on my room?" Umiling ako at nagbihis pagkatapos ay kinuha ang kwentas niya.

Bigla akong nagmadali nang makita ko ang oras sa wrist watch ko. Habang nagmamaneho ako ay malapit ko nang malagpasan ang Claiford Hospital. Wala sa sariling huminto ako at napatingin sa building.  Marahas akong umiling at nagpatuloy na lamang.

Walang gana akong pumasok sa classroom at unang bumungad sa akin ay si Jade at Vance. Agad nila akong inakbayan at alam ko na agad kung ano ang susunod nilang gawin. "Hi, pre" Bungad agad ni Vance.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon