JIN
MAY KAUNTING ngiti kong inilapag sa lamesa ang dalawang bowl na lugaw sa harap ng ina ni Third. Kumunot ang noo niya at nagtatakang tinuro ang lugaw. Kanina, akala ko magagalit siya pero kinausap niya lang ako at sandali kaming nag-usap hanggang sa sabihan kong lulutuaan ko siya. "Excuse, what's that?" Kumuha ako ng kutsara.
"Lugaw--po"
Mas lalong sumagad ang pagkakakunot ng noo niya. "Lugaw? That's strange. Where did you get that word and this kind of food?" Umangat ang tingin niya sa akin at dahan dahang hinawakan ang bowl papalapit sa kaniya. "Usong uso po 'ton sa mga taong mahihirap katulad ko. Masarap 'yan lalong lalo na kapag lalagyan mo ng asin o di kaya'y asukal." Nagkibit balikat ako. "Bigas lang 'yan at nilagyan ng tubig pagkatapos ay pukawin niyo lang"
Bumaba ang tingin niya sa lugaw. "Can you pass me the sugar?" Ngumiti siya. Kinuha ko naman 'yon at ako na ang naglagay. Dahan dahan niyang tinikman ang lugaw nang may pumasok sa kusina. Napatingin ako sa ama ni Third habang nagtatakang nakatingin sa aming dalawa. Wala akong galang pero bigla atang nagkaroon ng himala kasi yumuko ako at umatras.
"Good evening... Po"
Natawa siya at lumapit sa amin. Nakahinga ako ng maluwag at kinagat ang labi. "What are you doing here?" Anito sa baritong boses. "She's here because of our son, obviously" ang asawa na niya mismo ang nagsalita. Bumaba ang paningin nito sa lugaw at tinuro. "What the hell is that?" Hindi siya sinagot nito at sinubo ang isang kutsara na lugaw.
Ang akala ko ay hindi niya iyon magugustuhan pero napakurap siya habang nginunguya iyon. "O-oh.." Bumaling siya sa asawa at ngumiti. "You should try it!" Hinawakan niya ang pulsuan nito. "Wait, is the taste good?" Tumango naman siya at kumuha ng isang kutsarang lugaw at iniharap iyon sa bibig ng asawa. "Ahh" Naiiling na ngumanga ito at sinubo.
"Masarap 'di ba?" Pumalakpak ang ina ni Third at kumuha pa ng isa. Para siyang bata habang ngumingiti at ngumunguya. Tumango naman ang asawa niya at ngumiti. "Isa pa" Napangiti na lang ako ng kaunti habang tinitignan ang mag asawa. Minsan sa buhay ko hiniling ko din ang ganitong klaseng magulang pero hindi na 'yon mangyayari dahil wala na akong ina at iniwan pa ako ng ama ko.
Kaya nga noong four years old ako si tito Kristan ang tumayo bilang ama ko na siya din ang ama ni Kai at Kia. Dati siyang boxingero at lagi niya akong tinuturuan upang madepensahan ko rin ang sarili ko. Hindi lang ako ang tinuruan niya syempre pati na rin si Kai. Hindi kasali si Kianna dahil bata pa siya sa mga panahong iyon. Pero kagaya din ng ama ko, iniwan din niya ang pamilya niya at sumama sa isang babae. Balita kasi ng ilan, palagi na lang siyang nakikita na may ibang babae kaya nag-away sila ni tita at iniwan niya kaming lahat.
Nang dahil doon, galit na galit si Kaivin sa kaniya at parang namana din ni Kai ang pagkababaero nito dahil pansin kong kahit sino lang ang nilalandi niya. Alam ko namang nilalandi niya si Hope at noong nakaraan si Kaye naman, baka sa susunod si Vianca ang lalandiin niya. Muli akong napatingin sa mag-asawa at ngayon ay masaya silang nag-uusap habang sinusubuan ng ina ni Third ang ama niya at minsan ay hinampas hampas niya ang balikat nito kapag may nakakatawa siyang sasabihin. Napakunot ako ng noo at nagbaba ng tingin.
Sa pagkakaalam ko, hindi sila ganito, nabanggit sa akin ni Third na minsan ay hindi nila nginingitian ang isa't isa at sabi din niya wala silang gusto sa isa't isa, pero bakit noong tinutukan ko ang mga mata nila ay parang may kislap at hindi ko mailarawan kong anong klaseng kislap ang namumutawi doon. Kung titignan mo silang dalawa parang noon lang nila mahal ang isa't isa parang masaya sila kapag nagtatagpo ang kanilang mga tingin.
Napatigil ako nang maalala ko si Third. "Where are you going?" Huminto ako at tinignan sila habang bitbit ko na ang bowl. "P-pwede bang pumunta ako sa kwarto ng anak n'yo?" Nagkatinginan sila at ngumiti ang ina ni Third. "Sige, pina-inom ko na 'yon at medyo bumaba naman ang lagnat niya" Aniya. "Talaga 'yong batang 'yon, hindi na din 'yan halos umuuwi. Kagabi hindi siya dito natulog" Napatingin ako ng diretso sa kaniya at dahan dahang kumunot ang noo. "Alam niyo kung saan siya natulog?"
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish-some whisper it under a falling star, others dream it beneath endless blue skies. But what if your deepest wish was simply to be loved by the one you love? Jin Nathally is a cold-hearted woman who despises everything and everyone...