Busy sa module :|
______________________________________
"Lolaa!!" Magiliw na sigaw ng isang batang babae habang tumatakbo patungo sa isang kubo na naka pwesto sa isang burol.
Nang ito'y makarating ay agad itong pumunta sa likod ng bahay kung saan ang kaniyang lola ay nagdidilig ng mga halaman.
"Lola!" Tawag ulit nito na animoy subra pa sa nasasabik. Tumigil sa ginagawa ang isang matandang babae at tinignan ang apo. "Apo ko" ngiti nito sa kaniya ng makitang nasa likuran niya ito, tumatalon talon pa ang batang babae dahil sa pananabik.
"Mayroon po ako'ng ipapakita!" Masayang sambit nito at ngumiti , kitang kita nang matanda ang bungi nito mga ngipin.
"Ano iyon?" Nakangiting tanong ng matanda at lumuhod upang magpantay silang dalawa. Magsasalita pa sana ito ng agad iniangat ng batang babae ang kaniyang kamay na kanina ay nasa likuran niya.
"Dilaw na paro paro!" Ngumiti ang batang babae at hinalikan ng ilang beses ang paro paro. Mas lalong lumaki ang ngiti ng matanda dahil sa nakikita niyang labis na masaya ang kaniyang apo. "Sa'an mo iyan nakuha?" Tanong nito. "Sa ilog ng ligaya" saad nito at tumakbo sa kanilang bakuran habang nilalaro ang dilaw na paro paro. Napailing na lamang ang matanda, habang tinatanaw niya ang kaniyang nag iisang pamilya. Habang minamasdan niya ito ay ipinangako niya na hindi niya ito iiwan at gagawin niya ang gusto nito kahit buhay man ang kapalit.
"Ang paro paro ay aking kaibigan
Ang paro paro ay aking gusto~"
Mag isa niyang kinakanta habang nilalaro ang paro paro sa mga taniman ng mga rosas ng kaniyang lola. Huminto siya sandali at inilagay ang paro paro sa itaas ng kaniyang ulo at palihim na kumuha ng isang kulay rosas na bulaklak.
Inamoy niya ito habang nakapikit, dinadama ang bango nito.
Maya maya ay may narinig siyang sinisigaw ang kaniyang pangalan. Agad niya'ng idinilat ang kaniyang mga mata at tumingin sa hindi kalayuan kung saan nakatayo ang kaisa isahang kababata niya'ng lalaki.
Lumaki ang kaniyang mga mata na animoy may malaking kasalanan na nagawa sa kaniyang ina.
Nakalimutan niya'ng iniwan niya pala ang kababata sa ilog ng ligaya dahil sa pananabik na umuwi nito sa kanilang kubo upang maipakita niya sa kaniyang lola ang dilaw na paroparo na nakuha niya lamang sa gilid ng ilog.
Nakakunot ang mga noo ng batang lalaki habang tinignan siya na para bang labis na nagagalit, inilagay niya ang mga kamay sa kaniyang bewang at magsisimula na sanang maglakad, subalit nakita niya ang lola ng kababata na kanina pa pala siya tinitignan ngumiti ang matanda. Agad na tumigil ito at nagbigay galang.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...