Chapter 33

92 13 0
                                    

JIN

NAKATUNGANGA ako sa bintana ng bus habang hinihintay ang mga kaklase kong maging komportable sila sa mga upuan nila. Maingay ang lahat habang si sir Jake naman ay busy sa pag-a-assit, halata sa mukha nito na niingayan siya. Si sir Jake na din ang bagong history teacher namin. Alam kong dapat may gagawin ako dahil presidente ako sa section na 'to pero tinatamad ako. Kaya na niya 'yan.

Napatigil ako at napatingin sa harapan nang tawagin ni Sir ang pangalan ko. "What happened with your neck?" Aniya sabay turo sa leeg ko na tinalinan ko ng panyo. Lihim akong napamura at bigla na lamang akong kinakabahan. Malakas akong umiling at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung bakit.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyayari kagabi. Dahan dahan kong hinaplos ang leeg ko habang iniisip na kami na pala. Tumaas ang lahat ng balahibo ko at bigla na lamang akong kinilabutan.

"Class, attendance muna!"

Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin at isa sa amin ay hindi pa nakarating. "We'll wait for Mr. Third Laurente" Nag-ingay muna sila hanggang sa biglang pinitik ni sir ang daliri niya.

"Okay! Be ready! Kompleto na tayo!"

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko nang maamoy ko ang pabangong iyon at maramdaman ang isang yabag papalapit sa akin na para bang tatabi siya sa 'kin. Bigla akong napatayo dahilan upang mapatingin silang lahat sa 'kin. "Any problem, Miss?"

"L-liliapat lang ako ng upuan." Hinihingal kong sabi. "But, why?" kunot noong saad niya.

"Tss"

Narinig ko ang boses ni Third sa gilid ko, naiiling na tinignan niya ako at tinulak papaupo sa inuupuan ko kanina pagkatapos ay tumabi siya sa akin at walang pag-aalinlangang hinalikan ako sa pisngi. "Good morning" Bigla akong naestatwa lalong lalo na nang makita kong silang lahat ay nakatingin sa amin. Napaawang si sir Jake at tumikhim.

Gulat na nag bubulong bulongan ang mga kaklase ko, maliban sa grupo nila Vance na tumawa lamang.

Tinulak ko ang mukha niya at idinikit ang sarili sa salamin ng bus. "Lumayo ka nga sa 'kin" bulong ko pero tinaasan niya lamang ako ng kilay at lumamapit upang idikit ang katawan namin. "Ba't naman ako lalayo sa girlfriend ko?" Nangisi niyang saad habang diniinan ang salitang 'girlfriend' napangiwi ako at umirap.

"Dang, the kiss mark i gave to you has suits you---"

Malakas kong tinakpan ang bibig niya dahil napalakas ang pagkakasabi niya doon, napatingin pa nga si Kaivin sa amin ng may pagtataka. Kinagat niya ang palad ko kaya atomatiko akong napabitaw. Hindi ko na lang siya pinansin at mas lalong hindi ko din pinansin ang mga bulong bulongan nila.

Ngayon ko pa lang napagtantong kanina pa pala nakaalis ang bus.

Hanggang ngayon naguguluhan ako sa sinabi niya ang tatlong salitang iyon. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o biro niya lang, pero may parte sa katawan ko na sana totoo 'yon pero sabi din ng kabilang parte ko ay hindi 'yon totoo. Pasimple akong tumingin sa kaniyang direksyon.

Mahal niya ako?

Mahal ako ni Third? Kasi parang impossible 'yon, parang kailan lang palagi niya akong binibuwesit tapos ngayon kami na. Kami na? Kinagat ko ang labi ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Boyfriend ko ang lalaking kinababaliwan ng lahat sa school. Inaamin ko, gwapo talaga siya malakas ang dating niya, lalong lalo na kapag halikan ka niya sa mga labi nararamdaman mo na lamang na nanghihina na ang mga tuhod mo.

Napadaing ako nang hinawakan niya ang isang kamay ko at pinagsiklop 'yon, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at sumiksik doon. Akma akong magsasalita nang aksidenteng napako sa amin ang paningin ni Kai. Biglang naglaho ang ngiti nito at napalitan ng nakakadiring ekspresyon, pero may bahid sa mukha niya ang gulat at pagtataka.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon