Chapter 50

64 13 0
                                    

JIN

MULA sa pagkakatumba, dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang damit na nasalinan ng tubig. Binitawan ko ang minireal water na ngayon ay wala ng laman dahil sa pagkakatumba at natapon 'yon lahat sa damit ko. Agad kong inilibot ang tingin sa paligid upang kompermahin at nagbabakasali na makita siya ngunit bigo ako. Tumahimik na muli ang paligid na parang walang nangyari. Wala din mga bahay dito kaya walang naganap na gulo.

Sa kadahilanang iyon, hindi na lamang ako tumuloy at naglakbay na lamang sa bahay kahit may katanungan sa aking isip.

Sumapit ang umaga, balik eskwela na kami, maingay ang buong classroom at wala pa ang teacher. "Uy, Nath! Good morning!" Napatingin ako ng diretso kay Hope, binati niya lamang ako bago umupo sa kaniyang upuan. "Nathally?" Biglang sumingit si Gian sa tabi ko at mariin ang pagkakatitig ng kaniyang mga mata sa akin. "Sumama ka sa akin," Bulong niya na para bang ayaw niyang may makarinig sa amin.

Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya. "Tara," Hinawakan niya ang aking pulso pero nagmamatigas ako, ngunit mas malaki ang kaniyang mga kamay kaya madali niya lamang akong hinila at kinaladkad papalabas ng room. Tahimik lamang ang hallway dahil wala pang halos tao sa loob ng paaralan. "Gian!" Hindi siya sumagot o pansinin man lang ako. Hanggang sa marating namin ang likod ng school, kakahuyan doon at madilim. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Nath, making ka sa 'kin, she's after you--"

"Why are you two here?"

Napahinto kami diretso nang marinig namin ang boses ni Vianca sa likuran namin. Bigla akong nangilabot dahil sa nasaksihan ko kagabi at hindi ko maitatangging pinaghihinalaan ko siya. Seryoso ang kaniyang paningin habang nakatingin sa akin. "Uy, Vian! Maayos ka na pala? May sasabihin lang sana ako sa kaniya" Sandali akong napatitig kay Vianca. "Babalik na nga lang siguro kami," Inakbayan niya ako. "What?" Biglang tumaas ang kaniyang kilay.

"Tara na, Vian sama na tayo,"Ramdam ko ang lamig ni Gian habang inakbayan ako. Parang balewala lamang sa kaniya ang ginawa niya at nakuha pa niyang mag biro ng tono. Bumulong siya sa akin bago kami pumasok sa classroom. Naging kyurios din ako kung ano ba ang sasabihin niya kapag hindi dumating si Vianca. Sa pagpasok namin ay dumating na ang lecturer at nag klase na.

Napatitig ako sa bakanteng silya ni Third, wala siya doon.

"Uuwi muna ako, ah! May emergency sa bahay!"

Nagmamadaling saad ni Hope matapos ang buong sa klase sa araw. Parang palagi na lang ata siyang umuuwi ng maaga. Lumabas muna si Jade, Vance at Kaivin kasama si Gian sa classroom. "Masakit ang ulo ko" Saad ni Vianca at ibinaon ang mukha sa kaniyang braso pagkatapos ay sinubsob iyon sa armchair. "Pasensiya na, wala akong dalang gamot pero kung gusto mo, ipagbibili kita? Masakit ba ulo mo kaya ka absent noong nakaraan?" Tanong ko at tumabi sa kaniya.

"Yes, but I'm okay now, hindi naman 'to malala," sabi niya. Hindi ako sumagot at hinaplos ang kaniyang buhok, kung sakaling sasaksakin man ako ni Vianca patalikod, hinding hindi ko matatanggap 'yon dahil sa totoo lang, mas magaan ang loob ko sa kaniya, sa lahat ng babae, sa kaniya lamang ako naging komportable. Iyon ba ang totoong ibig sabihin ng bestfriend? Kasi kong ako ang tatanungin, best friend na ang pananaw ko sa kaniya.

Lumipas ang ilang minuto ay malalalim na ang kaniyang hininga at halatang nahuhulog siya sa malalim na tulog. Bigla akong napaisip at napatitig sa kaniyang sapatos. Nagi-guilty ako dahil pinag-akusahan ko siya at pinagdududahan ngunit kailangan ko iyong gawin, baka may mapahamak pang iba. Kung si Vian talaga 'yon, dapat kong tanggalin ang kaniyang sapatos at tingnan kung may sugat ba siya doon.

Sinigurado ko muna kung tulog na ba siya kaya kinagat ko ang labi at dahan dahang lumuhod sa sahig upang tanggalin ang kaniyang sapatos. Kinalas ko ito at nang maitanggal ay hinawakan ko na ang medyas niya subalit sa kidlat ng kamalasan nakarinig ako ng sigawan at asaran na paparating sa loob ng classroom! Nagmamadali ko iyong binalik at tumayo. "Oo nga, eh!" Tumawa si Kai kaya napadilat si Vian at napatingin sa kanila habang maliliit ang mga mata.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon