Chapter 34

75 14 0
                                    

JIN

SERYOSO ang mga mukha ko habang naglalakad papalapit sa kanila at mula dito ay kitang kita ko ang mga ngiti sa mukha niya. Kumunot ang noo ko at biglang nairita nang marinig ko ang boses nang babae sa tabi niya na tumawa at biglang hinampas si Third sa balikat. Malakas akong tumikhim at agad naman silang napatigil at tumingin sa akin. Nakita kong nawala ang ngiti niya sabay taas ng dalawang kilay na bumaling sa akin. Tumuon muna sa babae ang paningin ko at parang gusto kong sipain si Adea nang mapagtanto kong siya pala ang kasama nito.

"Ano?"

Iritadong saad ni Third. Natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa iritasyon. "Tumayo ka na" pilit kong inayos ang pananalita ko kahit ramdam na ramdam ko ang init ng dugo ko. Mas lalong kumunot ang noo niya at tumayo pagkatapos ay tinulungan pa niyang tumayo si Adea na ikina-irap ko. "Kain na daw" sabi ko at ini-angat ang kamay ko sa kaniya na para bang inaaya siya.

"Mauna ka na, busog pa ako. Tsk. Hindi mo ba nakikita? Nag-uusap kami" pagalit niyang bulong. Dahan dahang tumaas ang kanang kilay ko at pinag-cross ang mga braso ko. "Nakakadisturbo ba ako?" Umiwas siya ng tingin at muling tumingin sa akin. "Mahirap bang intindihin na busog pa ako?" Akma akong magsasalita nang may sumigaw sa pangalan ko.

"Jin!"

Tinignan ko si Eros habang tumatakbo papalapit sa akin at inilagay ang braso sa balikat ko. Hinihingal niya akong tinignan. "Kain na daw" Tumingin muna siya saglit kay Third at hinila ako sa lamesa kung saan may madaming mga pagkain na nakahelera doon. Galit kong itinanggal ang braso niya sa balikat ko at inirapan siya. "Ba't parang galit ka?" Tumigil siya sandali at binalingan ako. "Nireregla 'yan, Ros" natatawang singit ni Kai na ikinatameme ni Eros dahil siguro hindi niya 'yon inaasahan.

Simula kasi noong dumating si Eros hindi sila nagpapansinan at ngayon ko lang siguro narinig na tinawag ni Kai si Eros sa palayaw nito. "Pagpasensiyahan mo na 'yan, kilala mo naman si Jing, araw araw galit" umiiling si Kai habang tumawa ng mahina. Kinagat ni Eros ang labi niya at inakbayan niya ako na ikinagalit ko. Ayaw kong may humahawak sa 'kin ngayon.

"Ranz, parang alam ko na kung bakit nagagalit 'tong pinsan mo. Kanina kasi nakita ko siyang--" malakas kong itinanggal ang braso niya sa balikat ko at kumuha ng pagkain. Tinawanan nila ako at bahagya pa silang nakipag-apiran na para bang hindi maiingay ang boses nila.

Nakakadiri. Nakakairita.

"Brad, 'wag kang ganiyan! Galit si Jinny, oh"

Humagalpak ng tawa si Kai habang sinapo ang tiyan, sinundan naman 'yon ng malakas na tawa ni Eros na para bang wala ng bukas. Pinagtitinginan na din sila dahil sa ingay ng mga bunganga nila. "Kailan pa kayo nag bati?" Ngumisi ako ng nakakaloko nang makita kong pareho silang natigilan at agad napatikhim. Umiwas ng tingin si Kai at lumayo pagkatapos ay tumabi kay Gian.

Dumapo kay Eros ang paningin ko at aasarin ko pa sana siya nang lumapit si Vian sa akin at bumulong. "Your friends are so madaldal" mahina niyang aniya.

"Kids! Halina kain muna!"

Pumalakpak si sir upang makuha ang atensyon namin. "Para naman kaming bata nito, Sir" pagrereklamo ni Gian. Naramdaman kong nagsindatingan nag mga kaklase ko at parang lumiit ang cottage kahit sapat naman iyon sa aming lahat. "Sino ang mag vo-volunteer na mag pray?" Napatingin kaming lahat sa gilid nang biglang nag angat ng kamay si Kim. Narinig kong tumawa ng pagkasarkastiko si Vian. "Yuck, marunong 'yang magdasal? Kung ganon 'wag na lang tayong kakain baka madapuan ng maitim na dumi 'yang pagkain natin at hindi na tayo makakapunta sa langit. Hindi naman niya siguro alam ang salitang "Amen""

Pagpaparinig niya kay Kim. Kumunot ang noo ni Kim at tinignan si Vianca. "Excuse me? Nagpaparinig ka ba?" Iritadong saad niya. "Oo, bakit? Problema ba 'yon?" Tumalim ang mga mata niya pero agad silang inawat na ikinangiti ko. "Tama na 'yan. Mabuti pang ako na lang ang magdasal nagugutom na 'ko!" Pumwesto sa harapan si Kai pero agad din siyang natigilan kaya natahimik kami at hinintay siyang magsalita.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon