Chapter 1

925 38 25
                                    

JIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JIN


"JINGJING! Ano? Wala ka na bang balak bumangon d'yan?! Sabihin mo lang at ipako kita sa letcheng kama mo!"

Inis kong iminulat ang mata ko at padabog na tumayo mula sa pagkakahiga. Panira. Ano ba namang aasahan ko? Iyong bunganga ni tita na walang ibang ginagawa kung hindi mag dada.

Tsk.

"Aba, Aba, Aba! Bumaba ka na rito o ako na mismo ang mag pa-baba sayo? Jusko naman Jingjing, ilang beses ko na bang sinasabi sayo na dumilat ka na pagdating ng alas singko trenta!"

Naramdaman ko naman ang mga yapak na papunta dito sa hagdan at alam kong si tita 'yun halata naman kasi sa ingay na 'rin ng bunganga niya, kaya inunahan ko na siya at binuksan ko ang pinto.

Mukha agad niya ang bumungad sa maganda kong umaga, nakapameywang siya habang nakakunot ang noo, agaw pansin din ang pula nitong daster na may nakalagay na 'Kiss me baby'

Tsk.

"Oh?"

"Ha! Ganyan na ba bumati ng magandang umaga?!"

Nakatitig lamang ako sa kaniya.

"Alam mo na ang gagawin mong bata ka! Kumilos ka na o ako pa ang mag papakilos sa iyo? Jusko naman Jingjing! Maswerte ka na nga't ako pa ang kumupkop sayo! Pa'no na lang kong hindi ako, ha?! Tumanaw ka naman nang utang na loob!"

Hanggang sa tumalikod na siya't bumaba ng hagdan ngunit hindi pa rin tumigil sa kaka da-da.

Malakas kong isinara ang pinto at pumuntang banyo. Puking ina, hindi ba siya nahihiya? Eh, kalilipat pa lang mamin ng tirahan at ang bunganga niya ay mas dinaig pa ang kabilisan ng makina.

Hindi ko rin alam kung anong trip non at lumipat pa kami sa Matitino, pero mukhang ang nakatira rito ay malayo sa salitang 'Matino'

Kalilipat la'ng namin nung nakaraang buwan, pagsapit ng kaarawan ko ay kinabukasan no'n pinaimpake kami ni tita upang lumipat ng bahay.

Nang pababa na ako ay narinig ko pa ang iritadong boses ni  Kai na batid ko  ay na iirita na rin sa mama niya.

"Ma ano ba?" Nagulo pa niya ang buhok niya at medyo namumula pa ang mata. Medyo kumalma na rin si tita nang nakita niya akong bumaba na. Hindi man lang niya sinagot si Kai. Dumeretso ako at nilagpasan sila upang magsimula na sa trabaho ko, ang mag luto.

Nang malapit na akong matapos ay may isa na namang boses ang nadinig ko, napailing nalang ako at nag patuloy sa pag gawa ng sinigang.

"Jusko, my god!"

Mula sa itaas bumaba si Kianna na nakapamaypay, at parang hindi pa ako na sanay sa ulul niyang mukha, at sino namang tao ang hindi ma uululan sa pagmumukha niya?

Sa eyeliner niya'ng kapal na parang aabot na sa kilay niya. Ginawa pang eye shadow. Idagdag mo pa ang liptint niya na kasing pula pa ng apoy sa empyerno.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon