Chapter 35

64 13 1
                                    

JIN

"A-AYOS ka lang?" Napadilat ako sa naramdaman kong paghawak niya sa kamay ko at nag-aalala akong tinignan. "U-uwi na lang tayo--" Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at umiling. Bumalik na sa normal ang pakiramdam ko. Mabilis akong nakabawi at umiling. Napalunok siya. "M-may problema b-ba?" Hinaplos niya ang pisngi ko.
Ngumiti ako ng kaunti upang ipakita sa kaniyang maayos na ako.

"Tara"

"P-pero, baby"

Hinila ko siya upang umupo sa mga damuhan. Nakapwesto na kami sa gitna ng burol at mula dito ay kitang kita sa harapan ang papalubog ng araw. "'Wag ka ng mag-alala sa 'kin, ayos lang ako. May naalala lang" hinila niya ang kamay ko at pinisil ang palad ko. "Talaga?" Lumiit ang boses niya. "Oo nga, siraulo" mahinang binatukan ko siya. Tumawa lamang siya ng mahina hanggang sa lumubog ang katahimikan sa paligid namin at tanging sa papalubog lamang na araw kami nakatingin.

"Nath?"

"Hm?"

Sumandal ako balikat niya. "Malapit na birthday ko" isinandal ko ang baba ko sa balikat niya habang nakatingin sa kaniya. "Kailan?"

"August..."

Pinutol niya ang sasabihin niya. "August?" Napakunot ako ng noo habang hinihintay siyang sumagot. "25" Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Kailangan nandoon ka sa nineteenth birthday ko, ipapakilala kita ng maayos sa pamilya ko at sa ibang tao bilang girlfriend ko at ipag-paalam sa kanila na akin ka't gaano ako ka swerte" pinisil pisil niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad habang nakatingin sa akin. "Tapos..."

Umangat ang dalawang kilay ko at kinagat ang labi dahil nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa t'yan ko. "Tapos... First monthsarry natin" Biglang naglaho ang ngiti ko at tinignan ng maigi ang mukha niya. Napangiti ako ng malaki at agad siyang hinalikan sa mga labi. Pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya nang lumalim ang halikan namin.

Ngumiti ako nang hatakin niya ako sa likod at pinahiga sa ibabaw niya. Lumayo ako at tumawa, nakita ko namang kumunot ang noo niya dahil sa iritasyon. "Halika na!" Sinubukan niyang abutin ang mukha ko pero umiwas ako at umiling. "Adik!" Tumawa muli ako at sinapo ang mukha niya. "Tsk, last na" napakagat ako ng labi dahil dinapo niya ang isang kamay sa hita ko at dahil nakasaya lamang ako ay madali niya iyong naabot.

"Manyak!"

Tinabig ko ang kamay niya na ikinatawa niya. Humiga ako sa dibdib niya at niyakap pagkatapos ay bumaling sa araw. Nagiging kulay kahel at dilaw na ang ulap dahil malapit ng gumabi. Niyakap niya ako sa likod kaya mas lalo akong napakagat labi. Ipinikit ko ang mata ko habang hinahaplos niya sa isang kamay niya ang nakalugay kong buhok. Mula rito ay rinig na rinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso niya.

"Third"

"Oh?"

Umangat ang tingin ko at inilagay ang dalawang siko sa damuhan at ang mga palad ko ay nakatanday sa mukha ko habang nakatingin sa kaniya. "Wala lang. Iniisip ko lang kung bakit napaka-panget mo" biglang nawala ang emosyon niya at parang nainsulto at tumaas ng kilay. Napangisi ako. "Ako panget? Tsk, noong grade three nga ako pinag-aagawan ako ng mga kaklase kong babae dahil ako ang gusto nilang makasayaw sa valentine's day, 'di pa 'yan, meron pa noong first year ako sa high school pagkapasok at pagkapasok ko kaagad sa gate nagtilian na 'yong mga babae nung nakita ako, 'ta's sasabihin mong panget ako? Tsk. Hindi sa mahangin pero totoo talaga 'yun"

Mayabang, 'di naman talaga gwapo.

"'Yun lang? Mahina ka pala, e'"

Paghahamon ko, magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya. "Manahimik ka na, dami mong kayabangan" umirap ako at napagtanto kung maliit na parte na lamang ng araw ang nakikita ko at ang sunod na doon ay ang kulay kahel na langit. "Malapit ng mag gabi, uwi na tayo" Muli akong sumandal sa dibdib niya at tumingin sa tuluyan na ngang lumubog na araw.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon