Chapter 31

129 15 0
                                    

JIN

NAPAPIKIT ako ng mariin nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot ang mga iyon. Akma na akong tatayo pero isang pamilyar na pabango ang bumungad sa ilong ko at parang may mabigat na bagay ang nakalagay sa bewang ko.

Napalaki ako ng mga mata at agad bumalikwas ng bangon, gulat kong tinignan si Third na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napakurap ako ng ilang beses at pinagmasdan ang mukha niya. Ngayon ko lang napagtantong makapal ang kilay nito at pormado, mahaba din ang pilik mata niya at medyo makapal ang kulay rosas niyang labi. Malakas akong umiling at niyogyog ang balikat niya.

May klase pa mamaya, paano siya nito uuwi? "Gising, Third" Bulong ko, napatingin ako sa bintana at ibinalik ang paningin sa kaniya. Paano naman 'to napunta sa kama ko?

Maayos na ang panahon kaya pwedeng pwede na siya makakauwi. "Third! Ano ba, gising!" Hindi siya dumilat at mas lalo pang pinapalalim ang tulog niya, nairita agad ako kaya malakas kong sinampal ang pisngi niya.

Napasinghap ito at agad dumilat. "A-anong--" agad siyang napaupo habang pula pa ang mga mata at namamaga pa ang mga ito, napatingin siya sa 'kin na may pagtataka. "Umuwi ka na" kumurap lamang siya at inilibot ang paningin pagkatapos ay tumingin sa 'kin at ngumiti. "Good morning" bigla niya akong niyakap at dahil nabibigatan ako sa kaniya ay bumagsak kami sa kama. "Bumitaw ka nga!" Pero tinawanan niya lamang ako na parang isang sira ulo.

Nang biglang bumukas ang pintuan, nagkatinginan kaming dalawa ni Third habang lumalaki ang mga mata. "Nathally pinapatawag ka-- " pumasok si Kia pero agad siyang nanigas at natigilan habang lumalaki ang mga mata. "K-Kia" malakas kong tinadyakan si Third dahilan upang mahulog siya sa kama. "N-Nath, a-anong... a-anong... Ahhh--!"

"H-hindi manahimik ka!" Malakas akong tumakbo at tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko, napatingin ako kay Third na ngayon ay nakatulala lamang, hindi alam ang gagawin. Nagpupumiglas si Kia habang sumisigaw kaya mas diniinan ko pa ang palad ko. "Magtago ka!" Natataranta kong sigaw, agad naman siyang pumasok sa banyo ko, sakto ding pagpasok niya sa banyo ay pumasok si Kai. "Anong nangyari dito?" Halos lumabas na ang puso ko dahil sa kaba, napatigil siya nang tinignan kaming dalawa ni Kia na ngayon ay nagpupumiglas.

"W-wala, lumabas ka muna magbibihis ako" tinulak ko si Kai gamit ang paa ko upang umatras siya. "Naglalaro kayo?" Hindi ko siya sinagot at malakas na sinarhan ng pinto at inilock 'yon. "N-Nath--" patuloy pa rin ito habang pilit kong giniya papasok sa banyo kung saan si Third, nadatnan ko siyang nakaharap sa salamin habang nagsisipilyo. Halos lumaki ang mga mata ko dahil sa galit nang makita kong sipilyo ko ang ginagamit niya!

"Toothbrush ko 'yan!" Binitawan ko si Kianna pero agad din siyang binalikan baka tatakas pa siya. Hindi ko muna pinansin si Third at hinarap si Ki. "Kia, makinig ka" huminahon ako habang siya naman ay pinagpapawisan na tumingin kay Third. "Mali 'yang iniisip mo"

"I-isusumbong kita k-kay, mama!"

"Hindi!"

Malakas kong hinatak ang braso niya, baka akma pa siyang tatakas. Magsasalita pa sana ako pero sumingit si Third na may bula pa ang mga labi dahil sa colgate, nagmugmog muna siya at tinapos ang pagsisipilyo niya. "Ikaw si Kia?" Bumaling si Third kay Ki habang pinupunasan ang labi niya gamit ang towel ko. Hinihingal na tumingin siya kay Third. "Kung hindi ako nagkakamali, kilala mo si Roy, classmate kayo, diba?" Nakita kong napakurap si Kia at biglang nagbago ang ekspresyon nito. Tumawa si Third ng malakas at pumalakpak habang umiiling. Lumapit siya kay Kia kaya napagilid ako, inakbayan niya ito at may ibinulong dahilan upang lumaki ang mga mata niya.

"Tama ba 'ko?"

"P-paanong..." Napakurap siya at nanginginig niyang itinuro si Third. Muli siyang bumulong. "T-talaga?" Kitang kita ko sa mukha ni Kia ang mangha. "Oo, kaya naman huwag kang mag ingay, ha" aniya at kinindatan niya si Kianna. "Oo naman, promise mo 'yon? Hindi ako aalis kapag hindi mo sinabing 'Oo'" paninigurado niya. "Oo naman!" Lumiit ng bahagya ang mata niya at ngumiti. "Sige, ah!" Sabi niya at parang uod na tumitili habang lumabas ng banyo.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon