Chapter 44

48 13 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

HALOS hindi mapakali ang dalawang magkakapatid habang nakatayo sa kusina at nakaharap sa ina nila na inihanda ang pagkain para sa kanilang pinsan. Tulala ito at parang wala sa sarili na inilagay ang isang basong tubig sa tray. "Ma! Ako na po magbibigay!" Boluntaryo ng dalaga. "Ako na ma, mabigat 'yan, baka mahirapan ka, po" Wala sa sariling napatingin siya sa kaniyang dalawang anak.

Walang kulay ang mga mata nito at kulang pa siya sa tulog. Ilang araw ang lumipas bago tuluyang nagaling si Nathally at pinauwi na siya ng doktor, ngunit biglang nabigo ang kasiyahan niya nang sabihin sa kaniya ng docktor na, nagkaroon ito ng post-traumatic amnesia dahil sa head injury.

Biglang tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sa kaniyang mga anak. Sa unang pagkakataon, naglaro sa isipan niya ang mga araw na palagi niya itong pinapagalitan kapag umuuwi sa maling oras at palagi niya itong sinisigwanan at sinesermonan. Natatakot lang naman siya kasi baka may mangyayaring masama sa kaniya, napagmahal na siya nito at patagong tinuring na anak.

Naalala pa niya ang araw ng libing ni Catalina. Hindi humagulhol si Nath tulad ng ibang namatayan, umiiyak nga siya subalit tanging luha lamang ang pumatak nito sa mga mata niya at tahimik lamang na nakatitig sa kawalan. Naawa siya dito dahil sa murang edad nararansan na niya ang hindi dapat niyang mararansan. Nilapitan niya ito at kinarga sa mga bisig niya.

Ngumiti siya ng pilit sa batang Nathally at pinunasan ang mga luha nito, napapikit na lamang siya nang mariin dahil isinubsob nito ang mukha sa balikat niya't niyakap siya sa leeg. "Kailan po ba, babalik si mama?" Napatikhim siya. "M-makinig ka sa akin... Kapag makikita mo ang isang taong nakahiga na doon at nilalagay na sa ilalim" aniya na tinutukoy ang kabaong. "Hindi na babalik ang taong iyon. Ibig sabihin noon, isinauli na niya ang buhay na hiniram niya lamang sa Diyos. Tapos na ang kaniyang oras sa mundong ito, k-kaya, Jing... Hindi na siya babalik... Sa panaginip, Oo pero sa totoong mundo kung saan tayo namumulat, hindi na..."

Marahan niyang hinaplos ang likod niya at naramdaman niyang humiwalay ang bata at tumingin sa kaniya sabay salita sa maliit na boses. "P-pero kayo, po... Nandito pa naman po kayo..." Yumuko siya. "Pwede po bang kayo na lamang ang mama ko?" Napatawa siya ng mahina. Iyan ang gusto ng kapatid niya kapag siya'y humayo na sa mundo. Ang bigyan siya ng pangalawang ina. "Oo naman! Dalawa ang mama mo, Jing... Pero magmula ngayon, ako na lamang ang tanging mama mo kasi si Catalina..."

Tumingala siya sa kalangitan na medyo madilim dahil kagagaling pa lamang itong umulan. "Nandoon na siya, habang buhay na siyang magpapahinga. Kaya naman, mula ngayon ako na ang mama mo, maliwanag?" Tahimik na tumango ang bata habang nakatitig sa kalangitan na animoy nakikita niya doon ang kaniyang ina. "Mahal po kita, mama!" Napabungisngis na lamang ito dahil bigla na lamang siyang sumigaw gamit ang maliit niyang boses.

Ngayon ay nakangiting bumaling ang maliit na Nathally kay Cisalurin. "At ikaw, po. Mahal po kita at sila Kaven at Yana, ang mga kapatid ko!" Tuluyan na siyang natawa dahil hindi parin niya mabigkas ng mabuti ang pangalan ng dalawa niyang anak.

"Woi, ma!" Napabalik siya sa realidad at napagtanto niyang tinatanaw niya pala ang nakaraan. "Mama, ayos ka lang?" Lumapit ang dalawa niyang anak pero agad siyang ngumiti. "Oh, kayo na lamang ang magbigay sa kaniya!"

"P-pero ma, mukhang..."

Agad niyang tinulak ang binata niyang anak sa likod at tinuro ang tray. "Ayos lang ako, may na-isip lang." Kahit hindi mapakali ay pinilit niyang paakyatin ang mga anak niya sa itaas upang bigyan ng pagkain ang pinsan nila. Simula noong maka-uwi na siya ay bigla na lamang itong naging mailap at parang hindi marunong magsalita dahil napakatahimik nito. Bumuntong hininga siya at umupo sa silya pagkatapos ay pagod na napahilamos ng mukha.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon