Chapter 21

111 16 25
                                    

Nakangiting isinarado ng isang dalaga ang kaniyang talaarawan matapos siyang magsulat sa araw na ito, ito'y patungkol sa Kaniyang palihim na minamahal. Nilagay niya ito sa maliit na kahon at ipinuwesto sa ilalim ng kama. Tumingin siya sa salamin at ngumiti ng matamis, kinuha niya ang liham sa gilid nito at hinalikan. Marunong itong magsulat at magbasa dahil minsan din itong napabilang sa marangyang pamilya. Siya din ang nagtuturo sa kaniyang kababata kung paano mag basa at magsulat, hindi lamang upang matuto siya kung hindi ay para marunong itong magbasa sa mga ibinigay nitong liham.

"Lola, ako'y aalis lamang!" Maligayang nitong sabi pagkalabas niya sa kanilang silid. Inayos niya ang kaniyang balabal at masayang lumabas ng pintuan.

Alas kwatro na ng madaling araw, nag simula na ding umingay ang mga hayop na kanilang inaalagaan, nangunguna doon ang kanilang manok.

Tumatakbo siya habang bumababa sa burol na kanilang tinitirahan at halos hindi na mawala sa kaniyang mukha ang ngiti nito dahil sa pananabik. Nang siyay makababa tumakbo pa siya sa patag at kagubatan. Ilang minuto ang lumipas ay nakalabas na siya at narating na niya ang syudad, kailangan niyang magmadali, dahil hindi pwedeng gising na ito pagdating niya sa bahay ng lalaking kaniyang sinisinta. Lumiko ito pakanan at ngayon ay naglakad na siya sa mabatong kalsada, walang halos mga bahay dito at malalaki ang bawat distansya.

Nang sa wakas ay nakarating na ito't nakaharap na siya sa isang kubo na may isang malaking puno ng mangga sa gilid, tinaas niya ng kaunti ang balabal niya sa kaniyang mukha at dahan dahang lumapit sa bahay kubo, bumuntong hininga muna ito bago inipit ang liham sa gilid ng pintuan pagkatapos noon ay tumingin muna siya sa bintana kung saan nakapwesto ang silid nito at saan ito natutulog ngayon, at kumaripas na ito ng takbo. Samantalang ang kaniyang kababata naman ay napakamot pa sa kaniyang ulo at humikab, dahan dahan siyang bumangon sa banig at tinupi ito, lumabas siya sa kaniyang silid at napangiti na lamang siya nang makita niya muli ang panibagong liham na nakaipit sa pintuan. Kinuha niya agad ito at dali daling tumingin sa maliit na butas ng kanilang kubo upang makita niya ito.

Kinagat niya ang kaniyang labi nang nadatnan niyang tumatakbo ito papalayo. Nakangiti siyang umupo sa silya at binuksan ang kanilang bintana na tinatabunan lamang ng kahoy na narra, binuksan niya ang liham at hindi na siya makapaghintay na basahin ito.

Mahal kong Carlito,

Binabati kita ng magandang umaga, sana'y mag-ingat ka sa pang araw araw mong pagtatrabaho at ako'y pagpasensiyahan mo, sapagkat ngayon lamang ulit ako nakapagbigay sa iyo ng liham. Sana isang araw ay tugunan mo ang aking pagsinta subalit hindi pa ako handang magpakilala sa iyo.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon