Chapter 47

45 13 2
                                    

THIRD

"CONGRATS, Love!" Nawala ang paningin ko sa kanila nang yakapin ako ni Aria sa braso. Tinapunan ko siya ng tingin at kahit ngiti man lang ay hindi ko siya kayang suklian ng ganon. "You even wink on me!" Aniya at humagikgik. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakahawak niya nang marinig kong tumikhim si Hope at napangiwi si Vian.

"Congrats!" Binatukan ako ni Vance at akmang aakbay nang makita niya si Vian kaya atomatiko siyang napalayo at tumabi kay Hope. "Eat tayo?" Wika ni Aria at ngumiti. Hindi ako sumagot at ibinalik ang paningin kay Nath pagkatapos ay agad akong nagulat dahil nakatitig na pala siya sa akin ng seryoso. Nagulantang ako at napaayos ng tayo dahil dahan dahan siyang lumapit sa direksyon namin at sinenyasan si Eros na sumama.

Ang akala ko ay ako ang kakausapin niya ngunit lumiko ang mga paningin niya kay Vian at Hope. "Gutom ako, tara na." Aya niya sa dalawa. Nagkatinginan sila at tumango. "Alis na kami, ah."

"S-sandali!"

Sabay silang napatingin sa akin at hindi man lang pinansin ang presensya ni Ai sa gilid ko. "S-sama ako." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Nath at parang sa kaniya ako humingi ng permiso. Nagkibit balikat lamang siya at tumalikod, akma akong lalakad nang hatakin ako ni Ai sa braso. "W-what are you doing?" Mahina niyang bulong. "Umuwi ka na lang." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya. Kumunot ang noo niya. "Samahan mo naman ako."

Sandali ko siyang tinignan at inilingan. Gusto ko siyang iwan pero hindi naman ata iyon ka-aya aya para sa isang lalaki na basta na lamang iiwan ang isang binibini sa ere. Bumuntong hininga ako at napahilamos. Bakit ba kasi ako natakot noong una? Napipilitan kong hinawakan ang braso niya at inaya. Sabay kaming lumabas at nakaramdam ako ng irita nang paminsan minsan ay ididikit ni Eros ang katawan kay Nath.

Nakahabol si Kai at Jade at isa isa na kaming umupo sa restaurant. Bigla na lamang akong kinalabit ni Aria sa braso at basta na lamang nag-paalam. Biglang nagbago ang kaniyang timpla sa mukha at nagmamadali. Sandali ko siyang tinignan at bumaling sa harapan.

Nang maka-order ay maingay ang silang nag-uusap ngunit ako ay pasimpleng binabalingan siya ng tingin at sinisigurado kong walang ibang nakakapansin. "Oy, Gian!" Sumigaw si Kai at itinaas ang kamay. "Walang kasama? Halika!" Ngumiti naman si Gian at binati kaming lahat. Nagpatuloy sila sa pagkain nang biglang magsalita si Eros. "May pagkain ka dito, oh"

Kinunotan siya ng noo at kinapa ang kaniyang gilid ng bibig. Tumaas ang kilay ko nang dahan dahang nilapit ni Eros ang hinlalaki niya upang kunin 'yon pero humiwalay ang likod ko sa upuan at agad kong pinunasan ang natirang maliit na pagkain sa gilid ng labi ni Nathally. "Tsk, oh?" Tanong ko sa kanilang lahat nang bigla silang tumahimik at napatingin sa akin. Napatikhim ako at pinag-cross ang mga braso.

"Kailangan ba talagang mag-uusap kayo sa harap ko?" Iritadong tanong ko sa kanilang dalawa na ikinataas ng kilay ni Nath. "Huh? Bawal?" Tanong ni Eros na naguguluhan at kumurap. "Ang ingay ingay na nga, eh! Wala kayo sa bahay niyo." Matalim ang mga matang saad ko. "Oh, ano naman sa 'yo? Parang galit ka, ah." Nilabanan niya ang titig ko. Agad nawala ang emosyon ko at hindi nakapagsalita. "H-hindi ako galit." Umiwas ako ng tingin.

"Selos ka lang."

Biglang sumingit si Vance kaya pinandilatan ko siya. "Huh?! Bakit naman?" Sandali akong tumingin kay Nath na walang ganang bumalik sa pagkain. "Joke." Humagikgik siya. "Tsk, deny pa, eh." Bumalik ang paningin ko kay Eros. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" Aniko. Hindi niya ako sinagot at pasiring na inalis ang paningin. Biglang lumaki ang irita ko at handa na siyang banatan nang buto pero agad naagaw ang lahat ng pansin namin nang malakas na inilagay ni Nathally ang baso sa mesa.

"Isa pa."

Agad akong napatiklop nang tumingin siya sa akin. Napailing si Kai at sumubo ng pagkain. Tumahimik na ako buong oras. Hanggang unti unti na silang magbubukas ng paksa.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon