Chapter 12

144 21 2
                                    

JIN

"THIS is the second time na nahuhuli ko kayong nag-aaway sa paaralang to!" Agad na sigaw ni ma'am Cordeza our principal, pagkapasok namin sa guidance office. Hinawakan niya ang sentido niya napapikit pa siya nang mata.

Kampante lamang ako'ng umupo habang siya naman ay nasa tabi ko.
Tahimik din pero alam kong galit pa din siya ganun din ako.

Tsk.

Iminulat niya ang mga mata niya at masama kaming tinignan.

"Oh my god!" Muli siyang pumikit at ipinagsiklop ang kamay niya at bumuntong hininga, pinapakalma ang sarili.

Ang O.A. na

Dinilat niya ang mga mata niya muli at nagsalita "Okay hindi ko na talaga kaya tong palampasin, for now hindi ko muna ipapatawag ang mga parents nyo--but!"

Napakunot ako at napatingala sa kaniya bigla kasi siya tumayo at hinampas ang mesa at itinuro ang pinto.

"Clean the whole gym, pagkatapos non pumunta kayong detention for fifty minutes! Out!" Sigaw niya habang dinuroduro ang pintuan halos tumalsik na ang laway niya sa kakasigaw.

"W-what?" Rinig kong reklamo niya.

Ako ang una na tumayo at pagkatalikod ko ay hindi ko mapigilang hindi mapairap, marahas kong hinawakan ang saya ko, at nagsimula nang maglakad papalabas.

"But, ma'am wait m-mag sasama kami?" Tutol na sabi niya.

Napahinto ako sa paglakad at nakayukong nakikinig sa kanila habang nakatalikod. "Yes! Mr. Is there a problem--?"

"But--No! I wont!" Agad niyang pinutol ito at nagsalita.

"Ohhh" alam kong naka cross na ang mga kamay niya ngayon.

Dahan dahan akong lumingon sa kanila at tama nga ako sa hinala ko. "Sige mamili ka hindi nga kayo magsasamang maglinis--but! I will call your parents, choose" naka cross ang mga kamay na tanong nito at medyo kumalma na din siya. Nakita kong napahilamos ito ng mukha. Tinignan ko siya at nag salita.

"Maglilinis na kami"

Bigla siyang tumingin sa'kin nang masama agad akong umiwas at binalingan ko ang principal na ngayon ay nakataas kilay na pala akong tinitignan.

"Good, now get out!"

Tumalikod ako at hindi ko mapigilang mapairap. Tsk. Nagsimula na akong maglakad patungong basketball court nang makarating ako ay para bang bigla akong nanghina at mas uminit ang ulo ko. Ang laki nang gym! Tapos may mga aligabok na ring nabubuo!

Puking ina.

Napapadyak ako sa inis at naglakad muna upang pumunta sa janitors room upang kumuha nang walis, ngunit nakasalubong ko siya na nakakunot ang noo at deretso lamang ang tingin habang naglakbay patungong gym. Umirap ako at nilagpasan siya nang matapos ay bumalik na ako, inilapag ko muna ang bag ko sa isang upuan at nag simula na. May report kami ngayon pukingina lang dahil di ako makakapunta. Samantalang siya naman ay prente lamang nakahiga sa mga magkakatabing upuan. Tsk. Nagsimula na akong maglinis ngunit ganon nalamang ang pagkakakunot nang noo ko, dahil sa kalagitnaan nang pag wawalis ko ay may biglang sumigay isang matinis na boses.

"MR. LAURENTE!"

Agad akong at tiningala kong sino ito.

"GET UP!"

Tinignan ko ito ang 'principal' na nakapamewang habang kumukinang ang eyeglass niya dahil na sinag nang araw sa labas, nakatayo kasi siya sa entrance ng gym.

"Ugh!"

"Shut up and clean! Wala akong sinabi na mag pa prinsipe ka lamang dito!" Padabog siya tumayo at hindi ito pinansin pumunta siya sa janitors room upang kumuha nang walis. "You have many time left, bilisan niyo, siguraduhin niyong malinis ang buong gym I'll wait here watching you two" sabi niya at umupo sa isa sa mga bench.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon