Chapter 51

53 14 0
                                    

JIN

3 Months later....

"THAT'S it for today!" Sigaw ni Ma'am Jessica na siyang nagtuturo sa amin pumaso para sa darating na graduation namin. Umupo kami sa bakanteng upuan ng school stage. "Kumain na tayo?" Saad ni Kaivin habang pinaypay ang sariling palad sa mukha. Sabay kaming pumunta sa canteen at wala nang halos klase dahil ang mga guro ay gumagawa na ng grades namin.

Nang makaupo ako ay iniabot ni Third ang mineral water sa harapan ko at tinali ang buhok ko. Napangiti ako, ito 'yong gawain niya noon hanggang ngayon.

Noong gabi nawalan ako ng malay at pagdilat ko kinabukasan naalala ko na ang lahat. Nagising na lamang ako na alam ko na kung anong nangyayari sa buhay ko. Pilit kong iniwaksi ang naganap noong malagim na gabi upang hindi ko siya maaalala. Ngunit kahit ganoon hindi 'yon basta basta man lang mawala sa isip ko.

"Ano ba 'yan, ang sakit sa mata,"

Singit ni Jade sa aming habang sumisimsim ng coke. Natawa ako ng mahina at umupo siya sa tabi ko. "Sabado bukas, bago tayo ga-graduate bonding tayo?" Ngiti ni Eros. "Palagi naman tayong magkakasama, ah" Ibinaba ni Hope ang baso niya, kumunot naman ang noo ni Vance at tumango. "Saan naman?" Tanong ni Vianca habang nakataas ang kilay.

"Sementeryo, gusto mo 'yon, mahal?"

Humalakhak si Kaivin at sinampal ang mesa kaya nalindol ang pagkain namin. "Hoy!" Gagad ni Third sa kaniya dahil muntik ng matumba ang juice nito. "Joke 'yon?" Umirap si Vianca sa kaniya at umusog. "Tara sa 'min? Papakain ko kayo sa karinderya kung saan siya lamang ang may pinakamasarap na pagkain sa buong universe" Napatingin kami kay Kaivin ng diretso. "Bakit?" Biglang nagtaka ang mukha niya. "Ila nanay Tolin?" Wika ko, tumango siya.

"Sige, mamaya na kumakain pa tayo dito, oh. Basta libre mo, hehe"

Tumatawang sambit ni Vance. Napuno kami ng tawanan at asaran sa loob ng canteen at dahil doon ay napatingin sa amin ang mga estudyante ngunit wala na kaming pakialam doon ang importante ay masaya kami. Sumapit ang hapon ay pumunta kami sa mall at naglaro sa arcades. Nakatayo lamang kaming tatlo habang tinitignan ang limang lalaki na nag-aaway dahil lamang sa isang teddy bear.

Napailing na lamang kaming tatlo at iniwan sila doon para tumingin tingin sa damitan ng mga babae sa mall. Bigla akong natawa nang makita kong suot suot ni Hope ang isang daster na pula habang nakasuot pa siya ng uniform niya. Agad naalala ko ang pulang daster ni tita na may nakaukit na 'kiss me baby' Dito pala siya bumili? "Hoy, papagalitan ka niyan!" Saway ko dahil sumasayaw siya ng pabiro sa gitna kaya pinagtitinginan siya ng mga tao.

"Baliw halika dito, hoy!"

Sinubukan ko siyang hilain ngunit nanlaki ang mata ko dahil sumali si Vianca habang naka-daster din na kulay yellow. Naghawak kamay sila habang sumasayaw. Halos takpan ko na ang mukha ko upang sabihin na hindi ko sila kilala at parang gusto ko nang lisanin ang lugar nang mapatingin sa amin ang sales lady at lumapit. "Bibilihin niyo po ba, ma'am?"

"H-hindi--"

"Oo!"

Hinagis sa akin ni Hope ang daster na pink kaya pinandilatan ko siya. "Sus, kapag may mga anak na tayo at habang pinagbubuntis sila dapat ito 'yong suot natin, hihi." Humagikgik siya at inakbayan ang sales lady. Pukingina naman, Hope. "Magkano?" Saad niya. Nakita kong nagulat ang babae ngunit tinawanan lamang siya ni Vianca. "F-four hundred and ninety nine, p-po." Halos mapatalon ako dahil sa presyo.

"I'll pay for it!"

Binayaran ni Vian ang tatlong daster, tinignan ko 'yon, hindi siya mukhang kaderder, cute pa nga, eh, kaso nakakahiya lang talaga. Kinuha ko na ang shopping bag at hinila silang dalawa. Lasing ba 'to? "Saan kayo galing?" Sabay sabay nilang tanong habang nakakunot ang noo. "Sa langit," Bumungisngis si Hope na ikina-irap nilang lima. Kagaya nang napag-usapan, pumunta nga kami sa lugar namin at kumain sa karinderya ni nanay Tolin. Naaaliw pa siya kasama ang mga kasama niya doon dahil sa kanilang anim.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon