THIRD
"WHAT a scene!" Sigaw ni Vance habang papasok kami ng classroom matapos makiusyo sa naganap na labanan kanina. "Can you believe that? One over three?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jade, nakapanlaki pa ang mata at binilang ang mga daliri niya. "Woah. Tapos babae pa, ikaw nga Vance makakita lang ng palaka tatakbo na agad."
"Mukha mo."
Nang makapasok kami sa classroom ay ingay agad ang narinig namin dahil lang sa nangyri kanina. Napaisip ako nag malalim, pati ako hindi makapaniwala sa ginawa niya. "Uy, nakita mo rin? Ikaw Third, nakita mo?"
Biglang sumingit si Hope sa usapan. "Hoy, umalis ka nga d'yan, mga lalaki lang ang nag uusap dito hindi mga babae." Kunot noo na sabi ni Vance. "Ah, pwede nalang pala total mukha ka namang lalaki, wala ka ngang dibdib, eh."
Natatawang sabi nito. Galit na napatingin sa kaniya si Hope, nagsimula na naman silang mag bangayan.
"Ikaw nga may ulo pero walang namang utak." Irap ni Hope. "Ikaw may utak nga pero wala namang laman." Pabalik ni Vance "Hoy, tama na 'yan" natatawang sita ni Jade. Lumingon siya sa'kin "Third"
"Shut up." Agad kong pagputol sa sasabihin niya, nanahimik siya pero ang dalawa'y tuloy tuloy parin ang bangayan. "Ba't ka galit?"
Mas lalo akong nairita. Nakakarindi na. "Will you guys please shut up? May iniisip ako." Lahat sila napatigil at tumingin sa'kin. "We? Nag-iisap ka? May utak ka? Sa'n?" Biro ni Vance. "Ang o.a..mo alam mo yun?" Pagbabasag ni Hope sa biro niyang hindi nakakatawa.
"I said shut up, shut up, shut up!" Napakuyom na ako ng dalawang kamao habang sumisigaw na parang bata. "Ano ba kasi iniisip mo?" Tanong ni Jade na parang wala ng maintindihan.
Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo na lamang sa aking silya. Isang oras na ang lumipas pero walang adviser ang pumasok at lecturer hanggang sa nag bell na.
"Taray, walang klase sa first and second subject!" Sabi ni Hope habang nag inat ng katawan, papunta kami ngayon sa canteen para mag miryenda.
Kalmado lamang akong naglalakad habang naka pamulsa, paminsan minsa'y sumasabay sa mga usapan nila. Tumawa tawa rin ako kapag may nakakatawang sinasabi si Vance.
"Poor her. . ." Rinig ko sabi nang makaupo kami sa pwesto namin. Napatingin sa likod ko nang marinig ko'ng magsalita si Vianca, "Do you know where she is?" Nakangiting sabi ni Kim abubot niya. "She's in the field, cleaning the whole spot! Like duh, it's freaking hot outside!" Sabi nito habang nakahawak sa sentido.
"Tama lang sa kaniya yun may kasalanan siya sa'kin, god gorgeous!"
Alam ko kong sino ang pinag uusapan nila. "Oo nga! Oo nga! Tama lang sa kaniya 'yun!" Ani Mia, sa kanilang tatlo siya ang mas nakakairita dahil sa pagsabat sabat niya."Ikaw, Third?" Agad akong napatingin sa harapan ko nang tawagin nila ako. "Oh?" Wala sa sariling tanong ko. "Saan ka daw magka college?"
Tumigil ako sandali dahil sa tanong niya.
**
Kasalukuyan kaming naglakad pabalik sa classroom makapamulsa ako'ng nakayuko habang sinisipa ang maliit na bato sa dadaanan ko. Napadaan kami sa field, naalala ko nung sinabi ni Vianca kaya tumingin ako dito at hindi nga ako nagkakamali, nakita ko nga siya na mag isang nag wawalis sa buong field. Napangisi ako ng may nabuong kalokohan sa isip ko, sinadya kong magpahuli sa lakad ko ngunit parang hindi ata nila na pansin na hindi na ako nakasunod sa kanila kaya agad ako humarap sa field, at nagsimulang lumakad. Pinagmasdan ko ang hitsura niya, bumagay sa kaniya ang uniform niya.
Pero para siyang tanga sa suot niyang jogging pants tapos naka saya, ang init init dito hindi ba siya na iinitan? Plus naka light gray long sleeve din siya, ano bang nakain nito?. Maganda siya? Oo, Maputi? Oo, pero ang ugali? Tsk.
Kinuha ko ang bubble gum na nasa bulsa ko kinunan ko ito ng balat at nginuya ang laman habang papalapit sa kaniya napataas ang kilay ko nang tumingin siya sa'kin Hindi pa tapos ang galit ko sayo. Napakunot siya ng noo. Umupo muna ako sa bench mabuti naman at may bubong ito ano? Nakapandikwatro ako at tumingala sa langit, nilagay ko ang dalawa kong kamay sa ulo ko. "Shit ang init" bulong ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako dahil sa tanong niya, napangisi ako ilang segundo ay tumayo ako dahan dahan akong lumapit sa kaniya, tinignan ko ang walis ting ting na hawak niya, madami dami na pala siyang naitampong dahon. May mga bakas na din na pawis ang tumutulo at tumatagaktak galing sa ulo niya napangisi ako medyo malayo layo siya sa'kin, nangmakalapit ako sa kaniya ay hindi man lamang siya umatras. Yumuko ako upang magpantay ang mukha namin, kitang kita ko ang kulay abo niyang mga mata na nakatitig din sa mga mata ko.
Sobrang lapit na nang mukha ko sa kaniya, isang abante ko na lang ay mahahalikan ko na ang labi niya, ngunit hindi man lang siya na taranta.
"Ano nga ba ang ginagawa ko dito?" Ngiting tanong ko. Lumayo ako at walang pag aalinlangang sinipa ang mga dahong pinaghihirapan niya'ng ipunin lumipad ang ilan sa mga ito at pumunta sa ibang parte ng field. Tinignan ko siya. ".......para mang gulo" sabi ko, kinuha ko ang bubble gum ko at walang pag aalinlangang itinapon ko sa mukha niya bumanda pa ito sa noo niya. Nang makuntento na ako ay tumalikod na ako ngunit akala ko lang pala yon dahil may nakita akong trash can sa gilid ng bench na inuupuan ko kanina. Nilapitan ko ito at itinumba dahilan upang lumabas ang mga basura at ang mapanghi nitong amoy.
Tinignan ko siya, walang ekspesyon ang mukha niya seryoso lamang itong nakatingin sa akin. "Clean it" I gave her my sweetest smile then I walk out.
"Dude, that was mean!" Sigaw agad ni Jade ang narinig ko pagkapasok ng pagkapasok ko sa classroom "What?" Tanong ko pero agad kong na realize nang nasa 6th floor pala kami at kitang kita dito ang kabuoan ng field.
"Tama lang sa kaniya yon" sabi ko sabay upo ng maayo sa upuan ko. "But she's a girl" singit ni Vance, magsasalita pa sana ako ng pumasok na ang lecturer.Ilang minuto ang lumipas ay pinaglalaruan ko lamang ang ballpen ko habang nag diwang ang utak ko dahil sa ginawa ko kanina. Napatingin ako sa field, ganon na lamang ako pagkakunot ng noo ko ng makita ko siya na hindi parin na tatapos sa ginagawa niya. Mayamaya ay may lumapit sa kaniya, isang babae base sa kasuotan nito ay alam kong freshmen ito dahil sa sout niyang uniform.
May ibinigay siya dito na sa paningin ko ay tubig at pagkain, may sinabi muna ito sa kaniya bago siya umalis.
Sino naman yon? Kapatid niya?"Mr. Laurente, eyes on the board"
Nakatotuk lamang ako sa babaeng naglalakad patungong building niya...
"MR. LAURENTE!"
Bigla akong napatingin sa harapan habang nakapanlaki ang mata. "S-sorry Miss"
"Shut up, okay before we proceed toj our....." Nag patuloy lamang siya sa pag discuss, tanging si Vianca lamang ang sumasagot ngayon, napabuntong hininga ako mabuti naman at ipinalampas niya lamang yon. Narinig ko ang bungisngisan ng dalawang ulupong na katabi ko. "Tsk."
**
Nang sa wakas ay natapos ang buong klase namin, kasalukuyan kaming nasa parking area habang papauwi na "Geh, una na ako" paalam ni Vance. "Kita na lang tayo bukas" Ani Hope. "Kahit wag na" pambabara ni Vance, tinignan niya ito ng masama. "Mag ingat ka baka mamamatay ka sa daan" sarkastikang ani ni Hope.Napailing ako at pumasok na sa kotse ko tanging kami na lamang ni Jade ang natira sa parking lot.
"Jade, mauna na ako" aalis na sana ako nang marinig ko siyang nag salita.
"Mag iingat ka"
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, napatawa ako. Hindi siya nag sasabi ng mga salitan yon.
"Ang bakla mo------"
"Ahh, sige kung ganon salamat sa paghatid sa'kin nung nakaraang gabi....Jade"
-----------------------------------------------------------
Lisa;)Keep safe❣️
Happy 200 reads ;)
LOVELOTSSS❣️❣️
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...