JIN
PARANG biglang nagkagulo ang dugo sa utak ko, ngayon ko lang din na pansin na meron pa palang bakanteng upuan at halata nga na mag kaklase kami.
Kasalanan 'to ni Kai. Umiwas ako ng tingin, alam kong nag patuloy siya sa paglakad, hindi man lang niya pinansin ang adviser.
"Kai" Baling ko sa kaniya agad ko namang nakita ang nakakunot at masamang tingin niya sa'kin. Napangisi ako sa ka looban ko. "Tss. Manahimik ka nga, baka sabihin nila close tayo!"
Magsasalita pa sana ako nang nag salita si sir at patuloy na lamang ito. Kawawang adviser, hindi pinansin. Karamihan sa tanong niya ako ang naka sagot dahil ako lang din naman ang tinatawag niya kahit hindi ako nag tataas ng kamay.
Ano bang klaseng classroom to? Halos kalahati lamang ang sumasagot lalong lalo na doon sa isang magandang babae. "Okay, that's it for today, goodbye class." Sabi niya nang tumunog ang bell at lumabas.
Tumayo ako para lumabas na rin upang pumunta sa lockers area, hindi ko pa alam kung sa'n 'yon patungo pero nag sikap ako hanggang sa matunton ko ang lugar.
Binuksan ko iyon at wala pa 'yong laman kaya nilagay ko ang mga walang kwenta kong notebook na hindi ko naman gagamitin.
Bigla akong tinawag ng kalikasan kaya hinanap ko ang banyo. Halos paika-ika ako'ng nag lakad papunta sa isang cubicle. Nang na tapos ako'y may mga babaeng nag uusap sa harapan ng salamin.
Tumabi ako sa kanila para mag hugas ng kamay. May narinig akong bagay na na hulog sa sahig. Napansin kong kanina pa sila tumahimik mula ng lumapit ako rito.
Nang natapos na ako ay umatras ako pero napatigil ako ng may naapakan ako at parang na nabasag iyon. "God gorgeous!" Narinig kong sigaw ng babaeng katabi ko.
Atomatiko akong napalingon sa babaeng katabi ko sa sink, na para bang binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "You just stepped on my blush!" Tinignan ko ang paa ko at iniwas iyon mula sa naapakan kong bagay.
Basag na ito at durog na rin. Hindi ako nagsalita at nag-kibit balikat. "What?! So you think it's okay? Huh?!" Sigaw niya sakin na para bang lalabas na ang lahat nga laway niya. "Oo nga, Oo hindi 'yun okay!" Sabat naman ng isa niyang abubot.
Ano bang pinaglalaban nila bukod sa gamit niya. Sinayang nila lang ang twenty seconds ng buhay ko.
Nakita kong sinipa niya ang sirang blush dahilan upang kumalat ang mga piraso nito sa sahig.
"Ugh! Let's get out of here!" Sigaw niya, napahawak pa siya sa sentido niya na parang bang pasan niya ang buong problema ng Pilipinas. "Yes! Let's go! Let's go!"
Sabat ulit ng isa. Nagsimula na silang mag lakad nang biglang humarap ang lider nila at muli itong nag salita.
"And one more thing, bitch wag mo nga akong agawan ng pwesto dahil ako lang ang matalino sa klase, ako!" Sabi niya at tumalikod. "Oo siya lang! Si Vianca!"
Ngayon ay napatingin na ako sa isang sabat ng sabat, sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang problema nito Sampid.
Doon ko lang napagtanto na siya pala yung matalino sa klase kanina, si Vianca. Nakaramdam ako na may nakamasid sa 'kin kaya napatingin ako sa isa pa niyang abubot, seryoso siyang nakantingin sa'kin pero agad siyang tumalikod.
Pareho silang magaganda pero yung isang sabat ng sabat na parang may sakit sa utak ay nakakairita. Nag ulit pa ako ng hugas sa mukha pero halos ma lunok ko na lahat ng tubig ng maalala ko ang oras.
Puking ina.
Tumakbo ako at halos liparin ko na ang hallway dahil mali-late na ako sa klase. 15 minutes break lang ang ibinigay habang ako halos lumagpas na sa oras.
Nang maka abot ako sa classroom ay parang lumabas lahat ng hangin sa katawan ko dahil sa kakaginhawaan ko. "Ano ba, Jin, umayos ka nga." Sita ni Kai.
Halos bibigay na ang upuan ko noong umupo ako dahil pabagsak akong umupo. Tinignan ko siya at iniharap ang kamay sa kaniya. "Apir" hinihingal kong sambit.
Pasiring niyang inalis ang paningin niya sa'kin. "Tss" Nang dumating na ang lecturer, babae ito maganda at halatang dalaga pa, nag simula na itong mag discuss. Walang nagbago ganon pa rin kanina.
NASA parking lot na ako nung matapos na ang klase, hindi ko na hinintay si Kai at Kianna. Ini-unlock ko ang bike ko at pinasok ang kadena sa bag.
Inayos ko ang bag ko na nakalagay sa aking harapan bago umangkas. "Tss, dukha nga naman." Napahinto ako. "Oo nga, i wonder kung pa'no siya nakapasok dito, ew."
kahit naka tingin na ako sa kanila patuloy pa rin sila sa pag bubulong bulongan. Kumunot ang noo ko hindi dahil sa mga sinabi nila.
Napapaisip lang kung hindi ba sila nahihiya dahil harap harapan nila akong nilait kahit mas mukha naman silang kalait lait.
"Maaaa! Maaaa! Mama! Ma! And'yan na siya, Maaaa!" Tinig agad ni Kianna ang narinig ko pagka-bukas ko agad ng pinto napatingin ako sa kaniya at ayan na naman yang pagmumukha niya.
Hindi ko alam, sa tuwing nakikita ko ang eyeliner niyang makapal na halos umabot na sa kilay at ang lip tint niyang lakas maka kabog-basta nakakairita. "Jingjing!"
Napatingin ako kay tita nang nakaharap na pala siya sa 'kin na nakapamewang, may hawak pang sandok ang isa niyang kamay.
"Ano na naman bang kagagahan ang ginawa mo, ha?! Nakasira ka ng kotse?! Jusko! Alam mo namang wala tayong pera!"
"Eh, bakit ba do'n mo kami pina-enroll?" Bulong ko at napatawa ng mahina. "Ano?" Tanong niya. Biglang inilapat niya ang tenga niya sa direksyon ko at kumunot ang noo.
"Wala-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang biglang may sumigaw. "Maaa, oh! Narinig ko iyon, Jing!" Nakangising saad ni Kianna.
"Ang sabi niya po, eh bakit ba do'n mo raw kami pina enroll?" Doon na naman sumabog ang bunganga ni tita. Sinita nga nga kami ng kapitbahay kasi raw may natutulog na bata pero si tita hindi nag pa tinag.
Ilang beses na ring na ulit ang peymus line niya. "Sus, kami noon-" Pagod akong naghilamos ng mukha.
PUMASOK na ako sa kwarto ko pagkatapos ng halos dalawang oras niyang pagsesermon, pumasok sa maliit kong banyo na para bang isang inidoro lamang ang kasya.
Natapos matapos akong mag linis ng katawan ay sumalampak ako sa kama at pumikit, hindi muna ako natulog at tumingin muna sa kisame. Isang oras ata ako nag isip ng kung ano ano bago ko binalot ang sarili ko nang kumot at natutulog.
Hindi ako sigurado pero noong sumapit ang madaling araw, nagising ang kalahati ng katawan ko habang natagpuan ang sariling umiiyak.
Parang may bumalot na braso sa aking katawan kaya bigla akong nangilabot.
Agad dumilat ang aking mata at saktong alas tres na ng madaling araw, madali kong pinunasan ang aking luha subalit wala akong nakapa na likido.
Suddenly, I remembered my dream, it was blurry but at some point, it wasn't just a dream.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...