JIN
"T-THIRD" Natauhan lamang ako at dali dali siyang hinabol pagkatapos ay hinila ang lay layan ng uniporme niya nang mag-umpisa na siyang umalis. Napalunok ako at tumingin sa babaeng kausap niya kanina na ngayon ay umalis na, agad akong umiwas ng tingin at tiningala siya. Nanatili siyang nakatalikod at hindi man lang ako nilingon. Malakas akong napalunok at tumikhim.
"A-ang kwentas ko" Napapikit ako nang biglang pumiyok ang boses ko. Nakakahiya. Gulat akong napaatras at atomatikong napabitaw sa kaniya nang bigla na lamang siyang humarap sa akin. "Guess I was assuming" bulong nito at napatango. "Here you go then" Walang emosyong inilahad niya sa akin ang kwentas ko, dahan dahan ko iyong kinuha habang nakatingin sa mga mata niya. Nang tuluyan ko na itong nakuha ay daglian siyang tumalikod at naglakad sa parking area. Iniwan niya ako sa ere habang nakatingin lamang sa kaniya.
Nang buksan niya ang kotse niya ay napakurap ako at bigla na lamang bumuka ang bibig ko. "T-third!" Sinikap kong hindi mautal pero bigo ako. Pumikit siya at diretsong tinignan ako sa mga mata. "Ano na naman ba?" Iritadong saad niya at padabog na isinarado ang pinto ng kotse niya, dahilan para kagat labi akong tumingin sa kaniya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"W-wala" umiling ako at bumuga ng hininga. Ang inaasahan ko ay may sasabihin siya pero napaawang na lamang ako nang basta niya lamang akong tinalikuran at pumasok sa kotse niya pagkatapos ay walang pag-aalinlangang pinaharurot ito. Napatakip ako ng ilong ko dahil sa usok nito.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay napatulala ako habang nakatayo lamang doon na parang tanga. Nanlulumo ako pumasok sa paaralan upang kunin ang skateboard ko at umalis. Hanggang sa marating ko ang bahay ay diretso lamang ang paningin ko sa harap at umupo sa upuan ng kusina, nadatnan ko si tita na nagluluto ng hapunan hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya. Bagsak ang mga balikat kong sinubsob ang mukha sa lamesa.
"Ay, letche!"
Malumanay akong napatingin kay tita na ngayon ay hawak ang isang bowl na may lamang sabaw. Akma niya akong sermonan nang makita niya ang ekspresyon ko. "Aba nga naman" naiiling niyang inilagay ang bowl sa mesa at nakapameywang na hinarap ako. "Ano ba 'yang kadramahan mo, ha, Jingjing?" Nagkibit balikat ako at hindi siya tinitignan. Hindi man lang ako nag abalang ibuka ang bibig ko para sumagot.
"Ma!" Mula sa pangharapang pinto ay pumasok si Kai sumunod si Kia at dumeretso sa kusina kung saan kami. Pagkatapos nilang mag mano ay nag-uunahan silang umupo sa paborito nilang silya, nag tatalo pa sila kung sino ang uupo pero sa huli ay nanalo si Kianna.
Walang gana ko silang pinagmasdan at humikab. "Jing" lumapit si tita at hinawakan ang baba ko at ini-angat iyon upang mapatingin ako sa kaniya. "Anong nangyri sa 'yo? May lagnat ka?" Tanong niya sabay hawak ng noo ko. Umiling ako at iniwas ang mukha ko. "Ma, nag iinarte lang 'yan, eh. Kanina nga sa school kasama niya si Third, ma, silang dalawa lang sa classroom--- ano? Tatanggi ka? Kita ko kaya!" Aniya sabay turo sa akin. "Tss" naiiling na kumuha si tita ng plato at pinaghandaan ako ng pagkain. "Ano gusto mo? Itong sinabaw o mag piprito na lang ako ng tilapia?" Striktang saad niya habang hinuhukaran ako ng kanin. "Ewan ko" hindi niya ako sinagot at prinitohan nga niya ako ng isda.
"Oh, kumain ka, ubusin mo 'yan, Jingjing" umupo siya sa silya niya at nagsimula ng kumain, habang ang dalawa naman ay nagtatalo sa harapan ng lamesa. "Manahimik nga kayo." Galit na saad ni tita. Umakyat na ako ng kwarto ko pagkatapos kong kumain at natulog.
KINABUKASAN, mag isa akong lumabas sa paaralan, diretso akong naglakad sa gate habang wala pa ang guardya dahil paniguradong kumakain pa 'yon kasama ang mga nanay na cashier sa canteen. Naglakad muna ako upang marating ang tindahan ni manong Welbert upang bumili ng band aid dahil nasugatan ako kanina sa bahay noong nabasag ang baso, ngayon ko pa lamang na pansin. Nang makakuha na ako ng isa ay tumalikod na ako at napabuntong hininga nang mapagtanto kong gaano ka haba ang lalakarin ko.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...