Chapter 48

47 14 0
                                    

JIN

HALOS isa at kalahating oras na akong nakadungaw sa kisame ng kwarto ko habang inaalala ang ginawa niya kanina. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko habang prinoproseso sa utak ko ang nangyari. Pilit kong ipinikit ang aking mata ngunit agad napadilat dahil siya ang nakita ko sa pag pikit ko. Bumangon ako at napakamot ng ulo.

Galing ako sa pagkakatulog at naaalala ko pa ang panaginip ko.

Humarap ako sa salamin at tinutukan ang aking mukha pagkatapos ay ngumuso at itinaas ang dalawang kilay. Sinubukan kong ngumiti nang pina-pabebe at kunwari'y hinawi ang takas na buhok papunta sa likod ng aking tenga. "Tsk." Bumagsak ang balikat ko at umirap sa hangin nang makita kong nagmumuka lamang akong tanga sa harapan ng salamin. Napayuko ako dahil biglang sumingit sa mata ko ang bigay niyang kwentas.

Pinatitigan ko ang pendant na letra. Kumikinang ito at halatang totoong ginto kahit isang tingin mo pa lamang. Ganoon ba siya ka yaman?Pakiramdam ko ay naging komportable ako noong maisuot ko ito. Inilibot ko ang paningin sa kwarto at dumapo iyon sa drawer, naisipan kong lumapit doon at tignan kung ano ang mga nakalagay doon dahil hindi ako makatulog. Pagbukas ko'y sumalubong sa akin ang isang cellphone.

Kinuha ko 'yon at tinignan. Pinihit ko 'yon sa likod at sa harapan pagkatapos ay bigla na lamang itong nabukas kaya atomatiko akong napapikit dahil sa malakas niyang ilaw. Nang masanay ay napapitok pitok ako ng mata at sin-wipe up. Walang password kaya ko 'yon agad nabuksan. Napakunot ako dahil sa wallpaper. Digital art ng isang babae at lalaki na naka-akbay sa isa't isa.

Hinalungkat ko ang lahat na nadoon hanggang sa mapadapad ang daliri ko sa pagpindot ng gallery. Alam ko naman kung paano 'to gamitin. Halos magsuntukan ang aking mga kilay dahil sa nakita ko. Tatlong album lamang ang nandoon at hindi umaamot sa kwarenta ang mga litrato. Ngunit nawala ang pag-iisip ko nang mahigit ng isang mata ko ang pang unang album.

Hawak hawak ni Hope ang camera habang pinagitnaan ako nila Vianca, malalaki ang kanilang ngiti habang ako ay tipid lamang. Nasa isang kwarto kami na pamilyar sa akin, maraming mga babae ang nag papaganda na nakuha ng camera sa gilid namin at ang suot naman naming tatlo ay parang maliligo kami sa dagat. Dinala ko ang daliri ko sa screen at nag swipe right upang makita ba ang iba pang litrato. Lalampasan ko na sana ang isang litrato nang matigilan ako dahil nakita ko ang sariling natutulog sa upuan habang ang mukha ay nakasubsob sa armchair ngunit nakatagilid kaya kita ang mukha ko.

Sino naman ang kumuha nito? Pagtataka ko. Sa isa pa ay may isang kamay ang kumurot sa aking pisngi na para bang pilit ako pinangiti habang tulog kaya klaro ang gums ko. Napailing ako. Humiga ako sa kama habang tinitignan ang mga iyon at pumunta muna ako sa videos. Sampo lamang ang nandoon kaya tinignan ko ang una.

"Hi, Pres! Good morning, anong ganap?" Boses ni Vance habang naglalakad ako sa hallway na may hawak na papel, siya ang may hawak sa cellphone. "Vance, pa-kiss sa pwet!" Narinig ko ang tinig ni Kaivin sa kabilang linya. Umiling ako at pumunta sa ibang mga video hanggang sa marating ko ang dulo at muntik nang nawalan ng pintig ang puso ko sa nakita ko.

May ka hawak akong kamay pero hindi ko makita kung sino dahil siya ang nag vi-video at nasa likod lamang siya ng camera. "Tsk, ang corny mo." Riin kong sabi at sinubukan kong tanggalin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak noon habang tinutok sa kamay namin ang camera. "Saan tayo?" Bigla ako nanigas dahil sa kaniyang baritong boses. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Parang nasa isang lugar kami na may karamihan na tao, sa mall.

"Nagugutom ako."

Iyon lamang ang huli kong sinabi bago natapos ang video dahil binawi ko agad ang cellphone at madali iyong pinatay. Sandali akong napatulala habang nakatitig sa screen at paulit ulit na binabasa ang play again. Halos lumagpas na ng sampo ang pagkaka-play ko kaya marahas akong umiling at naguguluhan kung sino ang lalaki sa likod na iyon kahit may paghihinala na ako.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon