Chapter 14

141 20 21
                                    

THIRD

"UMALIS ka d'yan bwesit ka" inis kong sabi kay Vance na ngayon ay naka tayo sa harapan ko inaabangan ako sa pintuan. Tinulak ko ang kanang balikat niya dahilan upang mapa atras siya. "Eto naman sorry na woi! Hindi ko naman akalaing manalo ka eh!" Naglakad na'ko upang pumuntang c.r. pilit hindi siya pinapansin.

Habang naglalakad ako sa hallway patungong c.r. ay nakita ko ang gym sa di kalayuan. Bwesit may training sana kami ngayon, kung hindi lang nagkasakit ang asawa ni coach! At edi sana wala ako sa pesteng classroom sa mga oras na 'yon!

Padabog kong binuksan ang pintuan nang makarating ako. Nakita kong nagulat sila sa pagpasok ko lumalaki pa ang mga mata. "Third wag ka nang magalit" patuloy pa din niya ngunit deretso lamang ako naglakad at pumasok sa isang cubicle. "Pre naman--"

Agad ko siyang nilingon at irita na tinignan.

"Ano ba! Papasok ka den ha?! ano? gusto mong makita?! Ha?! Alis!" Napakurap siya at walang pag aalinlangan ko'ng tinalikuran.

Nakakainis!

Napahilamos ako ng mukha habang naka upo sa inidoro. Ba't ako pumasok dito? Bwesit! Mapapatay ko talaga yung Vance na'yon! Napabuntong hininga ako.

Masyado ka nang o.a. Third.

Malakas akong umiling at tumayo, mayamaya ay nakalabas na ako ng boys room at para bang gusto kong pugutan siya nang ulo dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya.

"Isa na lang talaga Vance.." Bagbabanta ko. "Ohh, sige na sige na pasensiya na talaga ha, labyu pre mahal na mahal kita" aniya at akmang tatapikin ang balikat ko ngunit matalim ko siya'ng tinignan kaya agad itong umayos. Tumalikod ako. Pasiring kong inalis ang paningin ko sa kaniya at tumungo'ng canteen.

**

Habang naglalakad ako pabalik ng classroom ay may nakita akong isang estudyante na nakatayo sa gilid ng hallway naka tingin sa bulletin board. Napakunot ako ng noo at dahil sa koryusidad ay dahan dahan akong naglakad don.

Tumingala ako at binasa ang nakasulat.

ATTENTION !!

ALL CLAIFORD HIGH SCHOOL STUDENTS HAVE AN ELECTION TO BE HELD THIS MONDAY AND VOTING THIS WEDNESDAY! IF YOU ARE INTERESTED TO BE AN OFFICER, JUST REGISTER WITH MR. LEXTER OUR SCHOOL PRESIDENT, PLEASE NOTE ONLY SENIOR HIGH CAN RUN IN THE PRESIDENT'S PLACE. THANK YOU SO MUCH!

SINCERELY SSG OFFICERS

"Puro na lang ganyan" bulong ko at umalis. Napahawak ako sa leeg ko na hanggang ngayon ay nananakit paren bwesit na babaeng yun! Mariin akong napapikit habang naglalakad.

Makakaganti din ako sa kaniya.

Bigla akong napatigil ng may nabuong nakakalokong plano sa utak ko, dahan dahan na sumilay ang ngising aso sa mukha ko. Humanda ka.

Hayop ka eh.

Nakangisi akong naglakad patungong hallway, walang pakealam kung ma le lelate sa next class. Napansin ko din ang mga titig nila sa'kin at ang nga bulungan.

"Peste, may baliw"

"Gwapo na baliw? Hihi"

"Yan yung crush nyo? Ang weird"

Yan lamang ang ilan sa mga bulungan na naririnig ko. Wala na akong pake sa sinasabi nila ang mahalaga makaganti ako sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi masasabihan ng baliw, eh ngingiti ngiti ka sa gitna ng daan habang mag isa lamang naglakad?

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon