Sa isang supporter ko jan, aba'y mahal na mahal kita :3
JIN
TAHIMIK at wala akong marinig na kahit na ano sa paligid dahil gabi na. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya at umupo sa kama. May mga damit na kami at bumaba ako upang hanapin ang kusina nila dahil nauuhaw ako. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw, mamayang alas kwatro ay aalis na ako dahil baka malaman pa 'to ng ama ko.
Dala ang baso ay umakyat ako pabalik sa kwarto niya at inilapag ang baso sa mesa. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at napailing nang makita ko ang isang boxer na basta na lamang nakasampay sa itaas ng cabinet niya. Nilinis ko ang silid habang tulog siya. Binuksan ko ang unang palapag sa drawer at napangiti nang makakita ako ng ilang mga litrato namin, nakita ko din ang phone nito kaya dahan dahan ko 'tong kinuha at binuksan.
Alam kong masama itong ginawa ko ngunit pumunta ako sa messenger niya at nagbasa sa ilang mga convo niya. Ibababa ko na sana iyon pero nakita ko ang pangalan ng kapatid niyang lalaki. Binuksan ko ito at binasa dahil sa koryusidad.
April 10...
kuya: hoy
roy: oh?
kuya: wala lang
roy: disturbo
kuya: uwi ka maaga
May 22...
kuya: pst hoy
roy: bakit?
kuya: gusto ko lang sabinin sa yo na ang gwapo ko :>
roy: and so? tigilan mo nga ko!
kuya: tinatawag ka ni mom sa baba ulol
roy: nandito ako sa cr
kuya: aba baka ginawa mo din yong gawain ko kaya ako natagalan sa cr
roy: anong ginawa mo
kuya: naligo malamang
Bigla akong natawa habang nag-scroll pababa.
June 7....
kuya: hoy tignan mo to
roy: ?
kuya: sent a photo.
Biglang kumunot ang noo ko nang biglang lumabas ang aking mukha sa litrato, natutulog ako sa upuan ko at ito iyong panahong naiingayan ako sa classroom. Hindi lamang iyon dahil madami pa siyang si-nend na puro
ako! Iyong naglalakad akong mag-isa sa field, nagsusulat sa board, nakaharap sa counter habang pumipila at bigla akong napahinto sa huling litrato. Nakasubsob muli ang mukha ko sa mesa sa loob ng library habang natutulog. Sinend niya iyon sa iba't ibang araw.kuya: maganda?
roy: oo
kuya: ulol butasan ko mata mo e
roy: edi panget
kuya: wow nangiinsulto ka ba?
roy: oo :3
kuya: isusumbong kita sa gf ko
roy: gf mo pala mabuti at pinatulan ka :p
kuya: ay hala :O block na kita <3
Agad tumaas ang kilay ko dahil sa mga oras na ito ay hindi nga halos kami nag-uusap. Ito iyong araw na palagi niya akong pinag-iinitan ng ulo. Humaba pa ng humaba ang convo nila at puro ako lamang ang topic nila, kadalasan ay puro pictures ko ang nandoon at si Third ang unang mangungulit sa kapatid niya. Umalis ako doon at pumunta sa gallery niya at parang nahulog ang panga ko dahil puro ako ang nandoon! Kahit sa pagpasok ko sa cr may litrato ako o pag subo ng pagkain meron din ako, kahit nga pagkurap!
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...