Chapter 5

330 27 15
                                    

JIN

"SIGE na!" Ilang araw na ang lumipas simula nung napanaginipan ko 'yon, ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip ko na para bang binabagabag ako nito.

"Woi,"

Pilit ko ring ina-alala ang kanilan mga mukha ngunit kahit anong pilit ko malabo pa rin, pukik, sumasakit na ang ulo ko kakaisip. "Nathally!"

"Oh"

Ngayon ko lang na malayan na nakatitig lang pala ako sa t.v. tulalang nanunuod ng Fp j's Ang Probinsiyano sa cinemo umayos ako ng upo, nakalimutan kong nasa salas pala ako manunod ngunit nalunod ako sa pag iisip ko.

"Pakisagutan naman 'tong assignment ko-" Hindi na niya natapos ang kaniyang mga salita nang may kumalabog mula sa hagdanan. "Ako rin!" Napakurap ako nang makitang mula sa hagdan bumaba si Kai na may dala dalang notebook habang iniwagay way iyon. Napatikhim ako.

"Anong subject-"

"Anong ako rin? Manahimik ka nga d'yan kuya, ako pa!" Sigaw ni Kianna habang hinaharangan ito. "Umalis ka nga!" Sigaw niya na halos imudmud na niya si Kianna sa sahig, sinubukan ko silang awatin ngunit parang mas lumala ata ang away nila.

"Magkaklase lang naman kayo eh. Mangopya ka na lang." Lumalim ang gatla ng kaniyang noo. "Esp 'yon, tanga. Gagawa raw kami ng sariling opinion tungkol sa-"

Huminto siya nang makita kung paano nagbago ang ekspresyon ni Kia. Nakanganga habang nakangiwi ang bibig nitong tinitignan si Kai na para bang siya na ang pinaka-nakakadiring nilalang sa mundo.

"Yucks, opinion lang hindi mo pa magawa? Jusko my God. Ikaw ang tanga sariling opinion, sariling utak kasi." Sabi nito habang dinuduro ang kaniyang ulo. Napapikit nalang ako at napahawak sa ulo, mabuti na lamang at wala si tita, naghahanap kasi siya ng trabaho. Sabado kase ngayon walang klase kaya nagsamasama ulit kami sa isang bahay.

"Tumigil na kayo."

"Eh, ano naman?" Sigaw ni Kai sabay sapak nito sa ulo pero napalakas iyon na siyang nagpatigil nito, tinignan ko siya na may nanlalaking mga matang nakaukit sa mukha niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at napahilamos ng mukha. Biglang nataranta si Kai, sakto ring tumugtog ang kanta ng palabas.

"Kung wala ka nang maintindihan,
Kung wala ka nang makapitan,"

Lumandas na ang kaniyang pawis habang hinahawakan ang kapatid. "Ki, woi, sorry!" Napatayo ako at tinulungan si Kai na gabayan si Kianna na ngayon ay naghihingalo na.

"Kumapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan"

Napakagat labi na lamang ako sa inis at tinignan si Kai ng masama, nangingining na ang tuhod niya. Nang magtama ang paningin namin, sinuklian niya lamang ako ng kabadong tingin.

"Patay ka kay tita." Nakita ko siyang nanigas sa takot. Binatukan ko siya ng sagad at bumaling kay Kia. Kahit masama ang loob ko sa kanila, mas pinili kong tumulong at hindi winaksi muna ang aking galit.

ILANG oras ang lumipas ay gumising na rin siya, nagbabalak kami ni Kai na ipunta siya sa hospital pero naabutan ni tita, kaya ayun, binulabog niya ang buong barangay.

Inilapag ko ang huling notebook na tapos ko nang sagutan, napa-inat ako ng katawan at napahikab, ngunit agad akong tumigil ng tinawag ako ni tita sa ibaba.

"Jingjing!"

Napapikit na lamang ako ng tawagin na naman niya ako sa palayaw ko, kung sa ibang tao ayos lang ang palayaw na 'yon, sa tenga ko hindi. Tumayo ako at bumaba nakita ko si tita na nanunuod na naman ng Marimar.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon