Chapter 29

134 16 42
                                    


JIN

NAKATAYO lamang kami sa gitna ng roof top sa pinaka tuktok ng building habang dinadama ang sariwang hangin.

"Nath..."

Napakagat ako ng labi ko nang tinawag niya ang pangalan ko. "Magmula ngayon, tutulongan kitang mawala 'yang sakit sa dibdib mo, g-gamitin mo 'ko..." Bigla niya lamang inilagay ang mukha niya sa balikat ko at ibinaon doon dahilan upang manigas ako at biglang nanginginig nang maramdaman ko ang hininga niya doon at ang basa ng kaniyang luha.

"N-Nath, magagalit ka ba sa 'kin? Hindi ko alam kung kailan nag simula 'to pero, Nathally, pasensiya ka na..." Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. Napakunot ako ng noo at hindi ko maintindihan dahil biglang kumalabog ang dibdib ko, pakiramdam ko may sasabihin siyang hindi ko aasahan. Akmang bubuka ang bibig ko para mag salita pero biglang akong natutop nang bigla siyang humihingi ng tawad.

"I'm sorry..."

Dahan dahan niyang iniangat ang ulo ko, kitang kita ko kung gaano ka basa ang mga mata niya dahil sa mga luhang kumawala dito. Napaawang ako nang dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Nath, gusto kita."

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at bilog ang mga matang nakatingin lamang sa kaniya. Malakas akong napalunok at agad kumawala sa mga yakap niya. "A-ano ba'ng s-sinasabi mo?" Naiiling kong saad at dahan dahang umatras habang kagat ang mga labi, pero nagkibit balikat lamang siya at kinagat ang labi pagkatapos ay dahan dahang nakayuko. "I don't know either" Muli siyang tumingin sa akin at malungkot na napangiti. Mas marami pang hakbang papaatras ang kinuha ko dahil dahan dahan na naman siyang lumapit sa akin.

Nang malapat na ng likod ko ang pader ay yumuko siya at pinapantay ang mukha namin. "But, I'm only sure for one thing" inilipat niya ang mukha niya sa gilid ko at bumulong sa kanang tenga ko.

"I like you"

Hinalikan niya ang pisngi ko at tumalikod papaalis. Naiwan akong nakaawang at hinawakan ang puso ko dahil sa gulat at hindi halos maiproseso sa mga utak ko ang nangyayari. Napakurap ako ng ilang beses at pakiramdam ko ay parang bibigay na ang mga tuhod ko dahil sa panghihina. Dahan dahan akong napaupo.

Nang bigla siyang bumalik dahilan upang mapatingala ako sa kaniya dahil nakatayo na siya sa harapan ko. "A-ano'ng ginagawa mo dito-- " Napatigil ako dahil Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at ngumiti ng marahan. "Stand up, let's go" Nanatili akong nakatitig sa kaniya at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at pilit akong pinapatayo. Agad kong binawi ang kamay ko at bumuntong hininga, pilit pinapakalma ang sarili ko.

"N-Nath..." Akma niya akong hawakan pero umuna ako sa paglakad at bumaba na. Mabilis akong naglakad sa hall way nang may isa na namang sumigaw sa pangalan ko. "Nathally!" Pumikit ako at kumuha ng marahas na hininga nang marinig ko ang boses niya, buong tapang ko siyang hinarap.

"Oh?"

Hinihingal siyang nakatayo sa harapan ko, halatang pagod. "Hey, C-can we talk?" Ngumiti ito at tumingin ng mariin sa mga mata ko. "Nag usap na tayo kanina"

"But, those are not enough"

"Ano ba'ng gusto mo? Isang araw tayo mag uusap?"

"N-no, it's just t-that--- I-I...." Bumaba ang mga tingin niya sa sahig at napahawak sa batok niya.

"I just miss you, I miss my best friend.."

Best friend.

Hindi ako sumagot at nakatingin lamang sa kaniya gamit ang seryosong ekspresyon. Kinagat niya ang labi niya at parang nagtatakang tinignan ako. "Ikaw ba 'yan, Jin? Kasi parang may nagbago sa 'yo--- "

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon