Chapter 49

59 14 0
                                    

JIN

"Shit! six! Nathally six! Nanalo ako!"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na gaano naramdaman ang sariling katawan ko dahil bigla na lamang akong namanhid. Dahil sa sobrang pagkabilis non ay para na ata akong nabingi na para bang hindi ko narinig ang pinagsisisigaw niya.

Nagmamadaling siyang tumayo at hinawakan ang dalawang pisngi ko at mariin akong hinalikan sa labi. "Dang, you're now my girlfriend" Mahigpit niya akong niyakap. Hindi parin ako makagalaw dahil sa gulat.

Hinalikan niya ang leeg ko at bumulong sa tenga ko. "Simula ngayon, huwag ka ng lumapit kay Eros at Jade. Nath, you're freaking mine" bumitaw siya sa pagkakayakap at kinuha ang dalawang kamay ko pagkatapos ay bahagya iyong pinisil. Hinalikan niya ang likod ng mga palad ko at tumingin sa mga mata ko.

"I love you"

"Hoy, gumising ka na, Jin, wala ka na sa bahay niyo." Napadilat ako sa realidad nang mahina akong binatukan ni Eros, agad akong napatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at bigla akong tinawanan. "Sino pa kasing iniisip mo?" Inismidan ko siya. Nakaupo pala kami sa upuan sa rooftop habang tinatanaw ang mga estudyanteng sumasayaw.

"Wala naman," Pumikit ako at iniangat ang mukha pagkatapos ay pumikit upang damhin ang simoy ng hangin. "Hindi ka na ba pupunta sa baba?" Tanong ko sa kaniya dahil kanina ako lamang mag-isa dito at nagulat na lamang ako dahil bigla bigla siyang sumulpot at tumabi. "Dito muna ako, dito muna tayo." Dahan dahan siyang lumapit at pinagdikit ang aming mga braso.

"Tsk."

"Malapit na tayong ga-graduate, Nath, ilang buwan na lang." Pagsisimula niya, bahagya pang lumiit ang kaniyang mata habang tinataw ang kalangitan dahil sa sinag ng araw. "Anong kurso ang kukunin mo? Architecture 'di ba?" Napatingin ako sa kaniya at nagkibit balikat, nakita kong napatigil siya at napakamot ng buhok. Tumayo ako at lumapit sa railings pagkatapos ay umupo ako at inilusot ang mga paa doon kaya lumaylay ang paa ko sa baba.

Tumingin ako kay Eros kaya lumapit siya at tumabi sa akin. "Ano kaya pakiramdam kapag successful ka na? Malamang ipagmamalaki ka nila 'di ba?" Tanong ko at hinawakan ang railings, mula dito ay tanaw na tanaw ang kabuoan ng Claiford High, ang mga tao ay nagmumukhang langgam sa liit. "Pero paano naman kung hindi ka successful?" Ramdam ko ang titig niya sa akin habang tinanong ko iyon. Umiling siya at ngumiti ng pagkasarkastiko.

"Ipagmamalaki ka lang naman nila kapag may maipagmamalaki ka."

Gumuhit ang kunting ngiti ko sa labi. "Gusto kong maipagmamalaki kaya gusto ko pagka-graduate ko'y may maipagmamalaki na ako... Ikaw ba?" Bumaling ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin at umiwas. "Nakakatakot din kaya maging successful kasi maraming mga pares ang mata na ang titingin sa 'yo dahil kilala ka na nila at kapag magkakamali ka lang ng kaunti, husga agad makukuha mo," Bumuntong hininga siya. "Kaya minsan din kung pagpipiliin ako sa mga oras na nagsisimula pa lamang ako o sa oras na successful na ako, doon ako sa unang oras dahil payapa lamang akong gumagawa ng gusto ko at wala akong makukuhang opinyon ng mga tao para sa 'kin, kasi wala namang tumatanaw sa mga ginagawa ko."

Mahabang aniya. Tinutukan ko siya at bigla na lamang akong napangiti na ikinakunot ng noo niya. Napatitig siya sa mukha ko ng ilang segundo bago dali daling bumigkas ng salita. "B-bakit?" Kinapa pa niya ang mukha kong may dumi ba siya doon. "Ikaw ba 'yan?" Bigla akong natawa dahil sa reaksyon niya. Ang akala ko kasi ay puro biro lamang ang alam niya. "A-ano bang ibig sabihin mo?" Umiling na lamang ako't maya maya ay dahan dahan na ulit kaming tumahimik at bumalik sa normal.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon