THIRD
"GOODBYE, class" Inis akong tumayo at kinuha ang bag ko, hanggang ngayon galit parin ako sa babaeng 'yon. Salamat sa sama ng loob na binigay niya, kung sino man siya. "Woi, Tirding, bakit wala ka kanina-"
"Alis."
Tinulak ko siya kaya napaatras siya sa ginawa ko. "Ay, gago." Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang sa maka-abot ako sa labas ng eskwelahan. Lintik na babaeng 'yon.
Ngunit mas lalong tumaas ang galit ko na para bang gusto ko ng tanggalin ang side mirror ng kotse at itapon sa pagmumukha ng kaibigan ko dahil sa aking nakita.
Kasalukuyan siya'ng naka angkas sa bike nito. Ang lakas ng loob, ah.
"Ang angas niya, 'no?" Napatingin ako sa aking gilid, nakita ko si Jade na nakatingin din sa kaniya habang nakangisi pa. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay may bitbit na bag.
"Tomboy ba 'yan?"
"Tanungin mo, 'di ka naman siguro busy."
"Asan ang angas d'yan?" Kunot noong tanong ko, nangangalaiti sa galit. Bumungisngis siya "Bro, hindi mo ba nakita? Kanina nung binato ka niya ng bola-wop! Oo nga pala, hindi mo nakita, wala ka namang mata sa likod ng ulo mo."
Tumawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Oo at kabilang ako sa angkan nila pero hindi ako tumatawa ng wala namang nakakatawa.
My face turned stoic , "It's not funny." sabi ko at ibinalik ang paningin sa kaniya ngunit naka alis na pala. Tss. Tinignan ko si jade na ngayon ay tumatawa pa rin.
"Naalala ko pa 'yong mukha niya noong tumigil siya sa harapan ko at kinuha ang bola. Grabe, sobrang dilim ng mukha niya na para bang matatanggalan ka ng anit isang tingin niya lang ." Napailing niyang sambit.
I was about to leave when he spoke. "Pero pre, hindi lang kasi angas ang meron siya, did you saw her eyes? It's freaking gray!" Mangha niyang saad. "Chicks." Tumaas baba ang dalawa niyang kilay.
Hindi ko siya sinagot at walang ganang lumayo sa kaniya.
"Oo nga pala, ikaw na lang maghahatid kay Selena." atomatiko akong napatingin sa kaniya "Ano? Bakit ako? Ayaw ko." Matigas kong sabi, kilala ko ang babaeng 'yon.
Nagkibit balikat lamang siya "Hindi ko alam kong ano'ng trip non, ikaw maghahatid sa kaniya, ah. Ang ingay kaya niya." Sabi niya at tinalikuran ako. Nagreklamo pa ako ng paulit ulit.
"Well sorry, may emergency sa bahay." Nakangisi niya'ng sambit habang pinapakita sa'kin ang cellphone niya. Yung ngisi niya ay nang aasar.
"Sorry, tandaan mo na mahal kita palagi." Sabi niya at sumakay na sa kotse at pinaharurut ito, may dumagdag nanamang sakit sa ulo.
Ayaw ko siyang makasama dahil bukod sa madaldal siya ay madaldal talaga siya.
Nagkukwento siya tungkol sa mga makeup at kung paano ito gamitin, ilang beses na rin niya akong sinabihan about sa cosmetics cosmetics na 'yan.
Kung paano raw gagamitin ang blush, eyebrow, lipstick halos ma-memorise ko na ata lahat. Oo, pwede rin naman ang lalaki sa make up pero hindi ko lang talaga yun gusto.
"Narrezz!"
Parang gusto ko nang lumundag sa lupa o kainin man lang ako nito ng marinig kong tinawag niya ako. Napatingin ako sa likod at doon ko nakita si Selena na may isang malaking ngiti habang pa kembot kembot na papunta sa'kin.
Si Selena ay anak ng bestfriend ni mommy, mga bata pa lamang kami ay magkakilala na kami. I remember the first day we've met, natural na talaga siyang pala-kwentong tao.
"Let's go!" Magiliw niyang sambit. Binuksan ko ang kotse at pinapasok ko siya, ako naman dumeretso na sa driver's seat. Siya lamang isa ang sasalita sa'min dalawa.
"Hey, do you know Jazel? The queen of my class? She's not just a queen shes our queen bee too and-oh, I forgot! May sasabihin ako sa 'yong maganda!"
Hindi ko siya nilingon sa daan lamang ang paningin ko. Halos masira ang tenga ko dahil sa tili niya.
"Mom and I will gonna leave Philippines! Yes! Ayoko na kasi rito. Sawang sawa na 'ko!" Ngumiwi siya habang tumango tango na parang nauubusan na ng pasensiya.
"Mabuti kung ganon."
"Oh, Narezz I heard na may kaaway ka raw? Who? She or he?"
Look how the story got spread that fast. Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita hanggang sa umabot ang topic na pinaka ayaw ko.
"Do you know how to use make up right?" Halos itiggil ko na ang sasakyan at parang ballon na pumutok dahil sa tamlay.
Ngunit dedma lamang siya at pinakita pa sa'kin ang mga blush, pang contour daw habang nakangiti pa siyang pinapakita sa'kin ang mga yon.
Ano ba!
Sawang sawa na talaga ako sa mga sinasabi niya! Pabulong akong napamura. Napasabunot na lamang ako ng ulo at nais ko na itong iuntog. "Pretty 'di ba?"
Pinaandar ko ang sasakyan ng mabilis na halos liparin ko na ang kalsada habang naiingayan.
"OH, honey, you're just in time." nakangiting sabi ng ina ko sabay halik sa aking pisngi. Kumakain pala siyang mag isa sa kusina. Umupo ako at inilagay sa mesa ang kamay ko.
"Kaya ko na, po." pagtitigil ko sa kaniya nang handaan niya ako ng pagkain. Nakita kong napabuntong hininga siya at tinignan niya si daddy na nasa living room na nakatingin sa laptop, nagtatrabaho ito.
We are not a happy family. Never. We may have a lot of money, but we never experienced a lot of love. There's nothing love between my parents. Natali din sila sa arrange marriage
Sapagkat batid kong ginagawa nila ang lahat para mag ka gusto sa isa't isa pero parang malabo na siguro iyon.
"Thirdy," pukaw sa'kin ni mommy, hinawakan niya ako sa braso "Kumain ka na" Sabay kurot niya sa pisngi ko. Tipid akong ngumiti at tumango.
Napatikhim ako "Nasaan sila Doriessa at Roy?" Pilit kong pinalinaw ang boses ko at gumawa ng paksa dahil ilang sandali na lamang ay babasag na ang aking tinig. "Aren't they gonna join us?"
Nakita kong tumigil siya sandali. "Doriessa made her homework, while Roy. . ." Tumingin siya sa'kin. "Alam mo na ang batang yon. Music, Games. . ." Nagkibit balikat pa siya. Napatango na lang ako.
Wala kaming oras sa isa't isa at kahit hindi ko man sabihin, gusto ko silang makasama bilang pamilya balang araw.
Lumipas ang ilang minuto nakadapa na ako sa kama habang hinihintay na makatulog ang sarili hanggang sa tuluyan akong nahulog sa malalim na tulog.
Tumatakbo. .
Hinihingal. .
Humahagulhol. .
Atomatikong dumilat ang aking mata at ilang segundo akong hindi nakakilos. Nanatiling nakatitig ang aking mga mata sa kisame habang sumisigaw ang isip ko na tulungan akong makagalaw.
Kakaibang panaginip ang lumukob sa aking katawan, sapagkat isa lamang ang sigurado ako, may kasama ako habang nananaginip.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish-some whisper it under a falling star, others dream it beneath endless blue skies. But what if your deepest wish was simply to be loved by the one you love? Jin Nathally is a cold-hearted woman who despises everything and everyone...