JIN
"SO, SHE'S your girlfriend you're telling us about?"
Ani ng isang lalaki na kahawig ni Third na batid ko ay kapatid niya. Lumaki ang mga mata ko sa gulat at dahil sa sinabi niya. "H-huh? Roy, can you please go to your r-room?!" Humiwalay si Third at inilayo ang mukha sa akin, napatikhim ako at inayos ang sarili ko. Tumingin ito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Wait kuya, your girlfriend seems familiar..." Sabi niya dahilan upang mapakurap ako ng ilang beses at mapaawang.
"H-huh?"
Nakakunot ang mga noo kong tinignan siya, pamilyar din siya sa paningin ko. "Can y-you please get o-out--"
"Oh, I'm sorry for disturbing, you can continue kissing. Night" bago ito umalis ay tumingin muna ito sa akin ng seryoso. Palihim kong tinakpan ang mukha ko. Naiwan kaming dalawa sa kusina habang walang imikan at halos paghinga lang namin ang naririnig namin. Hindi ko alam kung aalis na lang ba ako o mananatili sa loob. "Sira ulong 'to" Dinig kong bulong niya at tumingin sa akin ngunit agad din siyang umiwas ng tingin, ganon din ako. "Umuwi ka na" dahan dahan akong tumingin sa kaniya. "Sa susunod na lang natin 'yon gagawin" tumikhim muli siya at pilit tumingin sa mga mata ko.
"Let's just do it next time." Aniya at umiwas muli ng tingin. Wala sa sariling napatango ako at dali daling lumabas ng kusina. Kinuha ko ang skateboard at binuksan ang isang malaking glass door habang mabibilis ang paghingang lumabas. Akma na akong tatalikod ngunit nagsalita siya. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kaniya ngunit sa huli ay dahan dahan pa rin akong napatingin sa mga mata niya. "May ano ka dito, oh--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may sumingit galing sa likuran niya. "Kuya, sino ang girl na 'yan?" Mula sa hagdanan ay nakatayo ang isang mestiza, maganda at matangkad na babae habang tinataasan kami ng kilay.
Napakurap ako at dahan dahan ng umatras. Naging balisa naman si Third at hinarap ito. Bago niya isara ang malaking glass door ay kinausap niya muna ako. "Sabi ko nga, umuwi ka na." Huli niyang sabi bago sinarado ang pinto.
"Oh, my god. Parang I know her! She's your enemy noon diba? She din ang dahilan kung bakit ako na stumble!"
"Dahlia, go to your room."
"No, eh. Parang I saw her na talaga!"
Narinig ko pa ang pag-uusap nila sa loob ng mansion. Napabuntong hininga ako at ipinakalma ang sarili bago umalis.
"NANDITO na si Nathally, Ma!!" Pumikit ako at padabog na isinarado ang mangalawang naming gate. Iritadong akong tumingala at tinignan si Kai sa balkonahe. "Patay ka Nath, malapit ng mag alas diyes!" sigaw niya at tinaas ang isang daliri at pina-iling iling ito. Tumakbo siya papasok upang magsumbong, animo'y walang pakealam kahit nakakarinig ang mga kapitbahay dahil sa laki ng bunganga niya. Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad at pumasok sa bahay.
"Aba nga naman, kung sinabi mong hindi ka na uuwi at doon ka na lang tumira, sabihin mo na lang para i-pag impake kita! Nahiya ka pang depungal ka. Ilang beses ko na bang sinasabi sa 'yo na tumino ka naman! Tinutuboan ka na lamang ng gubat sa gitna mo at hindi ka pa marunong umintindi?! Jusko, noong kapanahonan ko Jingjing hindi naman ganiyan katigas ang ulo ko! Alas tres imedya ay gising na ako upang maghanda sa paaralan na halos isang daang kilometro ang layo! Halos mabali na ang mga buto ko upang maka-akyat lamag sa bukid-- "
Isinarado ko ang pinto at hindi siya tinignan o pinakinggan na ngayon ay ikinuwento ang pangyayari sa buhay niya.
Diretso akong umakyat sa hagdanan at pumasok sa kwarto, bumagsak ako sa kama at pumikit. "Puking ina, pa'no ako makakapasok bukas nang hindi siya nakikita" bulong ko habang nakapikit, malakas akong umiling at ibinaon ang mukha sa kumot, hanggang sa nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...