KIANNA
"NASAAN na naman ulit 'yong lipstick ko? Bakit nagkakagulo na naman 'tong drawer ko? Anak ng puchi.." Inayos ko ang make-up kit ko at sinara ang lalagyan ko ng make-up pagkatapos ay bumaba sa hagdanan. Biglang umusok amg tenga ko nang malaalala ko si Nathally. Siya na naman siguro ang may pakana nito.
Sa pagbaba ko ay nakita ko si mama sa kusina na naghuhugas ang plato, wala ang dalawa sa bahay dahil pumunta ito sa kaarawan ng kuya ni Roy. Saktong nalagpasan ko na ang mesa ay tumunog ang cellphone ni mama. "Sagutin mo muna, Ki. May ginagawa ako" Kumuha muna ako ng puto sa mesa at umupo habang ang isang paa ay nakaangat at nakapatong sa upuan. Tinignan ko muna kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Hi, is this Mrs. Lurin Berdera the guardian of Ms. Nathally Berdera? I just got your number from the phone of the patient. Ang nakalagay kasi doon ay 'mama' so I'm assuming this is her mother. By the way, we are from Claiford Hospital and I want you to be here as soon as possible, ma'am because the patient needs you and also she's in critical right now, ma'am." Kumunot ang noo ko sa pagtataka at tumingin kay mama. Hindi ko 'yon narinig dahil sa ingay na kumakanta sa labas ng bahay ang tanging narinig ko lamang ay ang Claiford Hospital, kaya tinawag ko si mama. "Ma" tawag ko sa kaniya. "Bakit? Sino ang tumawag? Anong sabi?"
"Claiford Hospital, daw"
Napatigil siya at dahan dahang tumingin sa akin. Nagtataka. Tumayo ako at ibinigay sa kaniya ang cellphone. Timuyo naman niya ang kamay at tinanggap 'yon. "Hello, that's my daughter you're speaking with. I'm sorry, what is it again?" Tumalikod ako at kumuha ulit ng puto, napansin kong bigla siyang natahimik kaya pagharap ko ay nagulat ako dahil bigla na lamang nabitawan ni mama ang cellphone at napatulala.
"M-Ma? Bakit?" Bigla niyang tinakpan ang bibig niya at napaluhod. "Ma!" Hinawakan ko siya at tinignan habang nag-alala na may halong pangamba. "A-anong nangyari?" Hindi siya sumagot at umiyak ng tahimik kaya kinuha ko ang cellphone at inilagay iyon sa tenga ko.
"Hello? Are you still here? Please, she's in the ER. Your daughter is now suffering. Malaki ang na damage sa ulo niya dahil sa matinding pagkabagok nito, marami din ang nawala na dugo ni Ms. Nathally. Bukod po doon, ma'am ay may possibility na mag kakaroon siya ng brain damage at maaari po siyang mamatay" Napatulala ako at biglang nanigas. Ngayon pa lamang pumasok sa isip ko ang mga sinasabi nito.
"M-Mama... S-si N-Nath... S-si ate! Ma, si ate na hospital, Ma!" Nanginginig ako tumayo at tinawagan si kuya habang pinapahiran ang luha kong walang tigil sa pagbuhos.
"Oh--"
"K-kuya, umuwi kana.." Napahagulhol ako habang tumatawag sa kaniya at tumingala sa taas. "B-bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Ano ang sasabihin mo?" Sinapo ko ang noo ko at kumurap kahit patuloy sa pagbuhos ang luha ko. "K-kuya si a-ate... Nasa hospital.. k-kuya, umuwi ka n-na... K-kuya... S-si ate naaksident-te.." Binitawan ko ang cellphone at pinatayo si mama. "M-ma.. walang mangyayari kung iiyak lang tayo" tumingin siya sa mga mata ko at malakas siyang umiling. "M-ma, tara na! Kailangan na tayo d-don!"
Bigla siyang nataranta at tumayo pero halata na wala siya sa sarili. Dali dali akong nagbihis at hindi na mapawi ang mga luha ko. Nang makalabas kami ng bahay ay biglang tumigil ang mga kapitbahay sa amin at nagtataka kaming tinignan. Umiiyak parin sa mama habang hinahawakan ang gate at lumabas. "A-anong n-nangyari sa inyo?" Tanong ni aleng Marina. "K-kailangan muna naming pumunta sa hospital, p-pwede bang bantayan niyo muna ang bahay n-namin?"
"B-bakit sino ang nasa hospital?" Singit ni kuya Gedeon. "S-si ate Nath, p-po--"
"S-si ate Nathally?!" Sabay sabay sigaw ng mga bata sa balkonahe ni aleng Esmeralda. Umiiyak akong tumango. Nagsinghapan silang lahat at lumapit sa amin. "Ihahatid ko na kayo! Kukunin ko lamang ang susi ko! Mahal! Ihahatid ko lamang sila! Si Nathally na hospital!"
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...