Chapter 43

59 14 0
                                    

THIRDY

NOONG bata ako, palaging kinukuskos ni mommy ang gitna ng dibdib ko kapag pinaliliguan niya ako. Nagtataka siya palagi kung bakit may peklat ako doon kahit hindi naman ako nasugatan kahit kailan sa dibdib ko. Sabi ng doctor normal lamang iyon at tinawag na 'Birth mark' kaya pinabayaan na lamang iyon ni mommy. Minsan din kapag natutulog ako may mga pamliyar na senaryo ang nagaganap sa panaginip ko pero sigurado akong hindi pa iyon kailanman nangyari sa buhay ko.

Kapag naglalakad akong mag-isa bigla na lamang akong mapatigil at tulalang mapatingin sa lupa dahil pakiramdam ko ay nangyari na ang bagay na 'yon, hindi ako sigurado kung sa panaginip ba o sa totoong buhay ko 'yon nangyari at kailan. Kapag nakakita ako ng isang tao ay bigla akong mapapa-isip dahil sa mukha niya na parang nakita ko na noon pa pero parang hindi ko naman talaga siya nakita. Nakakapagtataka.

Malabo.

May mahal akong babae. Pero nagsinungaling ako sa kaniya. May dahilan ako kung bakit ko iyon nagawa, ayaw ko siyang masaktan pa lalo kaya humanap ako ng ibang magpapasaya sa akin at doon ko nakilala pa ang isang babaeng akala ko ay maibibigay na niya ang kasiyahang hinihingi ko pero...

Si Carlos. Si Carlos, sino siya? Ramdam ko ang kalagayan niya. Binabasa ko ang istorya, binasa ko ang nakasulat sa libro. May kababata siya, babae.. may gusto ito sa kaniya pero hindi niya kayang suklian ang pag-ibig nito dahil may mahal siyang iba. Hanggang kaibigan lamang ang turing niya dito.

Sa gitna ng gabi tumatakbo ang dalaga dahil nakita niya ang isang burol na tinutupok ng sunog. Nandoon ang lola niya, sa kubo, kung saan siya nakatira. Humagulhol ito habang tumatakbo siya patungo sa tirahan niya at unti unti na niyang naririnig ang mga mura at sumpa ng mga tao na galit na nakatitig sa kubo na pinapatay na ng apoy. Tumakas na siya pero hindi niya kayang maiwan ang nag-iisa niyang pamilya, gusto niyang bumalik at iyon na nga ang ginagawa niya.

Malapit na siya. Kunti na lang. Pero sa huling pag-apak niya'y umalingawngaw ang isang putok ng baril sa gitna ng kagubatan. Huli na nang mapagtanto niyang dumanak ang dugo sa dibdib niya't napaluhod. Nabitawan niya ang hawak nito. Isang talaarawan na may bahid na ng kaniyang dugo.

Sa kabilang banda naman, nakatitig ang isang matanda sa isang makapal na aklat. Ang aklat na iyon ang ginamit ng lola niya. Alam nito na isang mapanganib na gamitin ang aklat na iyon lalong lalo na dahil galing iyon sa kapatid niyang may galit sa kaniyang apo pero mas pinili niyang tanggapin ang kahit na ano mang impossibleng mangyayari sa kaniya para lamang maging masaya ito bago siya pumanaw.

May kasunduan sila bago niya gawin ang ritwal. Tama nga ang mga sinabi ng mga taong bayan. Ang angkan nila ay angkan ng mangkukulam at ang may-ari naman ng aklat na iyon ay patay na ngunit nakakausap niya parin ang kapatid nito na si Cecelia. Kapag nagawa ni Celiana ang ritwal ng matagumpay ay matutupad ang ka-isa isahang hiniling ng kaniyang apo.

Maliwanag ang buwan sa gabing iyon habang kinakabahan niyang ginagawa ang ritwal. May bungo, dugo, mata ng tao at iba ba ang nakalagay sa kaniyang koldron. Kailangan niya iyong magawa. Kailangan niya iyong malampasan. Nasa nakalagay sa aklat ang dapat niyang gawin.

Nakatingin lamang sa kaniya si Cecelia mula sa likod habang lumulutang ang kaniyang kaluluwa. Nakangisi habang bumubulong sa kaniya.

Ngunit malapit na.

Malapit na siyang magtagumpay pero isang matinis na sigaw ang narinig niya galing sa labas. Mura at sumpa. Ilaw galing sa apoy. Nasa labas ang mga taong may galit sa kaniya, sa kanila. Alam na niyang mangyayari ang gabing ito kaya niya pinatakas ang dalaga upang hindi siya mapahamak. Nagulantang siya at agad napaatras nang isang sindi ng apoy ang tumupok sa bintana nito. Takot siya sa apoy kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon