Chapter 46

53 13 0
                                    

KAI

NAGKAKAGULO at nakikipagsisikan ang mga estudyante upang tumanaw sa bulletin board. Hinihintay ko lamang si Eros na bumalik dahil pati siya ay nakipagsiksikan upang tignan kung anong grupo siya at kung anong grupo ako para sa paparating na INTRAMS. "Brad!" Sumigaw si Eros habang nakangiti at malakas akong sinampal sa mukha.

"Aray!" Tinignan ko siya, hinihingal. Sabagay maraming estudyante naman ang nandoon at sigurado akong naging palaman siya. "Ayaw ko nang bumalik doon, amoy putok, pota" Imbes na magalit ay natawa ako. "Anong team?" Tanong ko, ngumiti siya, kaya ngumiti ako at agad iyong nakuha.

"Anong team nga tayo?!" Bigla akong na excite at hinawakan ang magkabilang braso niya. "Brad, team one! Green tayo! Green!" Napangisi ako at inakbayan siya pagkatapos nilisan ang lugar na 'yon habang sumisigaw kaya napatingin sa amin ang mga tao. "Wala na brad, panalo na tayo" Mayabang niyang sabi at hindi sila pinansin.

"All of the students may go to the school field to talk about of the incoming Intramural, I repeat, all of the students may go to the school field to talk about of the incoming intrams."

Pagkatapos ay tumahimik na ang school speaker kaya pumunta kaming lahat sa field, hapon na at hindi naman tirik amg araw kaya ayos lamang sa mga balat namin. Maingay ang mga tao pero agad tumahimik nang may isang babaeng pumunta sa harapan habang hawak ang mikropono. Agad silang napatayo ng maayos at diretsong napatingin kay Nath. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil base sa mukha niya'y napilitan lamang siya dahil kitang kita mo naman dito na hindi siya intresado.

Sandali niyang inilibot ang paningin sa buong paligid at tinaasan niya ng kilay ang isang babaeng tumatawa kaya agad siyang tumiklop at yumuko. "Alam niyo naman siguro kung anong mangyayari sa susunod na linggo." Aniya sa baritong boses. "Ang mga damit niyo niligay na ng mga officers sa mga locker niyo, malamang alam namin kung anong grupo ninyo. Maraming mangyayari sa loob ng Intrams. Hindi mawawala ang sports kagaya ng basketball, volleyball, badminton. Hinati namin ang mga basketball players sa iba't ibang team para walang lugi--"

Ang dami pa niyang sinsabi hanggang sa natapos ma siya ay hinati kaming lahat sa grupo namin. "Ang ingay mo." Saad ko dahil hindi na matigil ang bibig ni Eros kakadaldal. Tumingin ako sa paligid at hinanap si Hope kung anong grupo siya pero bigo ako kaya si Vian na lamang ang hinanap ko pero hindi ko rin nagawa. Ang nakita ko lamang ay si Jade at Vance. Napakunot ako nang noo dahil nakita ko si Third na nakatayo sa ikalimang grupo. Hindi ba siya tutulong? Officer kasi siya.

Umiling ako at ibinalik ang paningin sa harapan at aksidenteng napako ang paningin ko sa babaeng inip na inip habang naka-cross ang mga braso. Umangat ang kilay ko at tinanong ang sarili kung bakit siya nandito. Hanggang sa sumagip sa isipan kong mag ka grupo kami.

"Ganda brad, oh"

"Ha? Saan?"

Agad akong dumikit kay Eros at tinuro niya ang babaeng naka bangs at medyo may katangkaran na morena na babae. "Ang bata, tol" Saad ko at lumayo. "Iyan naman ang gusto mo, eh, bata" Humagikgik siya. Hindi ko siya sinagot at ibinalik ang tingin sa babaeng pinagmamasdan ko kanina 'yong babaeng conya na grade ten pero nagulat ako at napagtantong nakatingin na pala siya sa 'kin habang nakataas ang isang kilay.

KIA

SA MALAWAK na field akong nakaupo habang tinitignan ang babae at bakla naming lider sa grupo. Nag-uusap sila kung sino ang kukunin nila bilang mga rerepresenta para sa team sa bawat laro. "Okay, guys! May representative na tayo sa lahat ng sports and let's move on naman sa pageant. Pwede senior high or junior high basta magaling kumembot" Anunsyo ng bakla.

Biglang nagtulakan ang mga babae sa likuran ko, "Uy, ikaw na lang ang ganda mo kaya!" Saad ng isang tinig ng babae. "Luh, ayoko nga, ang panget ko kaya! Ikaw na lang, Shina!" Balik tulak niya. Kilala ko kung sino siya at panget naman talaga siya. "Luh, parang sira 'to, ano ba." Aniya sa pabebeng boses pero halatang gusto naman. "Sige, ganito na lang, mag bobotohan tayo at mag no-nominate, kayo, ah!"

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon