Chapter 6

263 27 7
                                    

JIN

DAHAN DAHAN kong iminulat ang aking mata, ngunit napapikit ulit ako dahil sa nakakasilaw na bagay ang agad sumalubong sa'kin, doon ko lamang na malayan na nakahiga na pala ako sa aking kama. Napahawak ako sa ulo ng kumirot ito.

"Ma, gising na siya!" Agad kong rinig na sigaw ni Kianna habang nasa pintuan. Narinig ko agad ang mga yapak ni tita papunta rito, nang maka-pasok siya ay mga tanong agad ang sumalubong sa'kin.

"Nathally, Jusko! May masakit pa ba sa iyo? Sabihin mo! Bakit ba kasi hindi mo ginamit ang bike mo, edi sana napabilis ka!" Sunod sunod nitong tanong. "Ang o.a. ni mama, ah. pero pag kami ni Kianna lalagnatin, tamang royal at rebisco lang."

"Umalis kayo." Seyosong sabi niya habang naka hawak sa kaniyang mga beywang. "Isa pa, hindi naman nilalagnat si Jingjing."

"Alis muna ako naiihi na'ko, ih." Ani Kianna at lumabas, si Kai naman ay umalis din. "Jingjing, ano bang nangyari sa'yo kagabi? Ikaw talagang bata ka." Tinignan ko siya sa mata habang pilit inaalala ang pangyayari.

Nanlaki ang mata ko at para bang nanigas ang buong katawan nang naalala ko ang nangyari kagabi. Biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa kaba at kilabot, pero sino ang humatid sa'kin?

"Sinong humatid sa'kin?" Bigla na lamang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba, parang hindi na ako makapaghintay sa sasabihin ni tita na kanina pa pala ako pinapagalitan. Tumahimik siya at nagsalita.

"Si, Boboy." Napa-upo ako sa kama ko, pero hindi si Boboy ang nakita ko kagabi! Si Boboy ang kapitbahay namin na halos sa sabungan na tumira. Umiwas ako ng tingin at tinakpan ang mukha.

"At isang lalaki na kaedad mo lang." Atomatiko akong napatingin sa kaniya. "Sino?" Tumingin siya sa itaas at nagkibit balikat. "Ah, hindi siya nag pakilala, sabi niya lang na kailangan na raw niyang umuwi kasi gabi na." Nagbaba ako ng tingin at pabagsak na humiga.

Pumunta ako sa bakuran upang tingnan ang bike ko. "Huwag kang mag alala ipapa-vulcanize kita." Noong nakaraang araw kasi pauwi na sana ako ng mapansin kong humihina na ang takbo nito at mukhang na-flat.

Sumapit ang Lunes, tumatakbo ako sa loob ng eskwela, malapit na akong makapasok nang may malakas na kamay ang humigit sa bag ko. Napaatras ako at napaharap sa kaniya, halos mabali ang kamay ko dahil sa ginawa niya.

"Ang kapal ng mukha mo, ah!" Isang lalaki ang nasa harapan ko habang sinisigawan ako, napakunot ako ng noo at naapatras, may mga tao na ring nakikisaksi sa pangyayari. "Ano, hindi ka ba hihingi ng pasensya?!"

"Pasensya." Sabi ko sabay talikod ngunit hinigit niya ulit ako na parang ayaw niya akong makawala. Dumura siya sa sahig.  "Sumasagot ka? Nakikita mo to?" Tinuro niya ang uniform niyang namantyahan ng orange juice. "Kagagawan mo to kaya. . ."

Hinubad niya ito at tinapon sa mukha ko. Napakuyom ako ng kamao. "Uy, tama na yan babae yan, woi." Narinig ko pang tawanan ng mga barkada niya. Kinuha ko ang polo at hinawakan ito. "Bagay lang yan sa kaniya."

Lumapit siya sa'kin habang tinulak-tulak niya ako ng malakas kaya napasandal ako sa pader, napapikit ako dahil sa sakit ng likod ko. Sinakal niya ako at dinuro ngunit hindi ako nag pakita sa kaniya ng kahit na anong ekspresyon. "Ikaw pa 'yang pulubi, dukha, walang kaya, tapos ikaw pa ang may lakas na-"

"Hoy!" Sabay kaming napatingin sa isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Mas lalong tumaas ang irita ko at pinanlakihan siya ng mata.

"I-Itigil niyo 'yan." Nakita ko si Kai sa gitna ng hallway habang nangingitim ang mga mata. May pagbabanta ang kaniyang boses sapagkat hinihingal at halatang kinakabahan. "Oh, may kakampi pala 'tong dukhang to, eh!"

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon