Chapter 13

149 21 6
                                    

JIN

NAPATINGIN ako sa kanan at nakita ko siyang nakakunot ang mga noo habang seryoso kaming tinignan. Bumukas ang pagtataka sa mukha ko.

Tsk.

Malamang mga abubot niya ito kaya siguro siya nandito, pakembot kembot na lumapit ito at kitang kita mo ang mapuputi nitong mga binti.

"Ah-ah H-hey Vianca" bigla itong umatras nang makalapit na si Victoria. Napairap ako nang wala sa oras.

Tinignan ko muna sila isa isa bago ako nag simulang maglakad ngunit agad din akong napatigil dahil hinawakan niya ang braso ko nakakunot ang noo na tinignan ko siya, bago siya magsalita ay sinenyasan niya ang mga abubot niyang umalis na. Dali daling naglakad si Mia papaalis, habang ang isa naman ay tumingin muna sa'kin nang napaka seryoso, hindi ko alam ngunit parang may kakaiba sa mga titig niya pagkatapos nun ay nag lakad na siya.

Kami na lamang ni Victoria ang natira sa hallway marahas kong hinawakan ang kamay niya at itinanggal 'yon.

"Anong kailangan mo?" Walang ka emosyong tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay at pinag cross ang mga kamay maarte siyang tumikhim at matalim akong tinignan. "You know what? I hate you" nagkibit balikat ako.

Iyan ba ang pakay niya?

"No, hindi iyan ang pinunta ko dito" aniya na para bang nabasa niya ang na sa isip ko. Napakunot ako lalo nang noo. Nagsasayang lamang siya ng oras. Magsasalita na sana ako ngunit agad niyang ini-angat ang isa niyang kamay at may hawak hawak siyang bagay na hindi ko aakalaing na sa kaniya! agad akong napahawak sa leeg ko.

Bakit na sa kaniya 'yan?

Ang kwentas ko, bakit na sa kaniya 'yan? Bigla akong nagtaka at akmang hahablutin iyon ngunit agad niyang iniwas ang kamay niya't tinignan ako at ngumisi pagkatapos non ay agad niyang binato dahilan upang mapamura ako ng malakas! Dahilan upang lumakas ang pag kairita ko sa kaniya.

Puking ina!

Humalakhak si Vianca nang ginawa niya iyon tumakbo ako upang saluhin ang kwentas ngunit laging gulat ko dahil may sumalo na pala dito nakapanlaking mga mata'ng tinignan ko ito.

Third's P.O.V.

MALAKAS kong sinara ang locker ko at iritadong tinignan si Vance "Isa pa!" Sigaw ko sa kaniya ngunit tinawanan niya lamang ako dahilan upang mas lalong tumaas ang pag kainit ng dugo ko. "Sabihin mo na kasi" singit ni Jade at inilagay ang likod sa locker niya, tinaas baba pa niya ang kilay niya habang inaasar ako. "Nagsuntukan kayo? Nag away na naman ba kayo?" Tanong niya. Napapikit ako sa inis habang pinamakalma ang sarili ko. Hindi talaga nila ako tinigilan kanina pa simula nung pagpasok ko sa classroom. "Sabihin mo na!" Sigaw ni Vance.

Napaka chismoso nito! Dinaig pa ang mga babae magsasalita na sana ako ngunit may sumingit mula sa likuran ko.

"Boys" agad akong tumigil at nakakunot noong hinarap ito.

Si coach Ricky habang may hawak hawak na list, nakaka agaw pansin din ang malaki nitong tiyan isama mo pa ang makalbo at kumikinang nitong ulo. Umayos ako at ganon din sila. "Coach good afternoon" sabay sabay naming sambit.

Tumikhim ito at nag salita. "Mag ready kayo bukas because tomorrow is our first training this year. Kailangang maaga kayo makakapunta sa gym kayo na lamang ang magsasabi sa mga ka team nyo dahil hindi ko sila mahanap" nagpatuloy pa ito sa pagsasalita at nagkaroon pa kami ng kaunting kwentuha bago siya umalis.

**

"Yes!" Paulit ulit na sigaw ni Vance habang nag lalakad kami sa hallway papalabas ng campus. "Nakakatamad gumising ng umaga" reklamo ni Jade. Tumingin ako sa kaniya ngunit agad na bumaling ang paningin ko kay Vance nang bigla itong humalakhak. Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan siya na halos matumba na dahil sa katatawa para bang ilang segundo na lamang ay lalabas na ang ngalangala niya tinignan ko si Jade na napatigil at nagtataka ring tinignan siya.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon