Chapter 37

43 14 0
                                    

JIN

TAHIMIK ang lugar habang iniwan akong nakatayo ni Hope sa likod ng bahay nila Third. Walang humpay sa pag tibok ang puso ko dahil sa kaba tapos bigla bigla na lamang akong iiwan ni Hope dito? Nag-alala na ako kasi may nangyari kay Third. Kinagat ko ang labi ko at akmang aalis na upang ako na mismo ang hahanap sa kaniya pero napatigil ako dahil sa pagharap ko ay nandoon na siya nakatayo.

Napatingala ako sa kaniya at napakurap. Madali kong hinawakan ang pisngi niya para suriin kong maayos na ba ang lagay niya pero nagtaka ako dahil walang emosyon niyang tinabig ang kamay ko.

"This was supposed to be a surprise" Napalunok ako nang nagsalita siya gamit ang barito ang seryoso niyang boses. Surprise? Sa isang kisap mata ko lamang ay biglang lumiwanag ang paligid at bumadha ang kagandahan ng christmas light at nakapalibot iyon sa paligid. Umawang ang labi ko nang makita ko ang isang lamesa na nakalagay sa gitna na may kandilang nakahanda ang pagkain.

"...and I don't think that surprise will be held" Diretso akong napatingin sa kaniya. Lumunok siya ng mariin at kumuyom ang noo. "Ano ba'ng sinasabi mo?"

"I saw you two dancing under the rain while many of pair eyes watching on you. Stop acting innocent, Nath. Stop acting like you did nothing!" Napaatras ako dahil sa pagsigaw niya. Bumilis ang paghinga ko at umiling, sinubukan ko siyang hawakan pero inilayo niya ang sarili sa akin. "T-Third hindi 'yon ganon--"

"Anong hindi 'yon ganon? Alin ba doon, huh?! Nakita ko pa mismo kayong dalawa sa canteen, kayong dalawa! Tapos sasabihin mong hindi 'yon ganon?!" Namumula ang mata niya at alam ko g pinipigilan lamang niyang umiyak. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tignan lamang siya. "Nakita ko pa nga kung paano siya lumuhod sa harapan mo at  kung paano mo hinawakan ang pisngi niya. Nakita ko kung paano ka niya hawakan noong isinayaw ka niya at kung ano ang gumuhit na ekspresyon sa mukha mo. M-mukhang masya ka, ah. Habang ako nag-paplano kung paano ka p-pasayahin"

Isinubsob niya ang mukha niya sa palad at tumalikod. "T-Third, tumingin ka sa 'kin" Hinawakan ko ang likod niya pero nagmamatigas siya. Tinabig niya iyon at yumuko upang pahiran ang luha niya at nakapameywang na humarap sa kalangitan. Bumuntong hininga ako upang pakalmahin ang dibdib ko dahil sa kaba.

"Umalis ka na"

Bumagsak ang mga balikat ko at parang nabingi dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalong lalo na noong humarap siya sa 'kin. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko at walang kurap na nakatitig sa mga mata niya. "Wala na akong pakealam kung paano ka uuwi, basta, umalis ka na." Pagkatapos ay walang pasabi siyang tumalikod. Dahil sa hiya ay kinagat ko ang labi ko at nagmamadaling tumakbo.

Nakita ko din naman siya kasama si Aria, pero puking ina, hindi naman ako nagreklamo.

PAGKAPASOK ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nagtaklob ng kumot. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Unang beses na nangyari sa 'kin 'to at hindi ko alam kung anong gagawin. Napatigil ako nang may isang patak na luha at tumakbo pababa sa ilong ko at napunta iyon sa kabila kong mata. Kumunot ang noo ko at nagmamadaling umupo pagkatapos ay wala sa sariling pinunasan ang luha ko.

Tumingin ako sa salamin at doon ko nakita ang lumuluha kong mata. Mas lalong pumatak ng pumatak ang luha kaya buong sikap kong hinawi ito gamit ang nanginginig kong kamay. Pilit kong hindi umiyak pero hindi ko mapigilan. Tahimik akong humagulhol at pinahid ko ang likod ng palad ko sa bibig ko habang nakatingin sa repleksyon ng salamin ko.

Dapat ako pa 'yong magalit dahil nakita ko silang pumasok sa parehong silid.

Bakit ba pakiramdam ko wala akong karapatang mahalin. Pakiramdam ko nag-iisa lamang ako. Nawalan na ako ng pamilya kaya sa mga oras na ito hindi pwedeng siya na naman ang mawala. Bumuntong hininga ako at dahan dahang ngumiti. Kahit nangingining ang mga labi ay sinikap kong ngumiti. Gusto ko lang naman maging masaya. Tsk. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay maging ma-drama ang buhay ko.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon