Chapter 52

67 15 0
                                    

I just wanted to say na lahat po ng pangyayaring ito ay produkto lamang ng aking imahinsayon, huwag po nating ibasi ang piksyon sa totoong buhay, ha? This is just my idea for my story that I want to do. Gumawa po ako ng sarili kong lugar na kahit kailan ay hindi nag e-exist.

Gumagamit din ako ng google translator at alam kong hindi yan 100% tama.

JIN

"CONGRATULATIONS, Graduates!" Sabay sabay naming hinagis ang kalo sa field at napasigaw dahil sa tuwa, sa pagpatak ng sinag ng araw sa aming katawan ay parang nangangahulugang malaya na kami at pupunta na kami sa susunod na susubukan namin. "Congrats!" Pasinbati nila sa isa't isa. Kanina noong nasa school stage kami ay pinalabas at pinapunta kami dito dahil mas malawak.

Nakangiti ako habang lumapit sa mga kaibigan ko ngunit agad silang natahimik at napayuko. Sinampal ko ang braso ni Third at kinunotan sila ng noo. "Mga sira, ano ba!" Saad ko dahil agad silang nagbago.

"N-Nath, I'm really sorry noong binully k-kita sa first day of school, please lang 'wag mo 'kong bitayin."

Saad ni Vianca na ikinangiwi ko. "Ha? Ayos ka lang?!" Syempre hindi ko magagawa 'yon. Noong natapos ang pangyayari ay umuwi pa siya sa mansyon na binili niya sa Pilipinas. Napabuntong hininga ako. Natigilan ang lahat nang isa sa mga guwardiya kanina ay lumapit sa amin, sabay silang napaatras maliban sa akin na tinutukan lamang ang mukha niyang pamilyar.

Napakurap ako siya si Santiago, ang minsan ay naging guwardiya ko din noon. Pormal siyang yumuko at nararamdaman ko ang mga titig ng tao sa paligid ko.

"Buenos días, Princesa Natalia, es un placer volver a verla en mucho tiempo. King Martin te invitó a venir a casa y también dijo que invites a tus amigos contigo, si está bien, quería conocer a todos tus amigos."

Napataas ano nang kilay nang gumilid siya at magalang na ipinakita ang itim na limousine. Tumingin ako sa kanila at lahat sila'y napaawang dahil alam kong wala silang naintidihan. "Mag-paalam muna kayo sa magulang niyo, may pupuntahan tayo. Papá wants to meet you all," Nanlaki ang mga mata nila at agad umiling bahagya pang iniwais ang kanilang mga kamay. "U-uy, nakakahiya naman sa 'yo!" Tumingin ako sa guwardiya at halata sa mukha niya ang koryusidad, alam kong gusto niyang mag tanong ngunit nasa utos namin iyon at isa iyon sa mga bawal.

"They said they will come. Take them with me," Saad ko. Lumabas ang tatlo pang guwardiya upang sabayan ako sa paglakad habang seryoso lamang ang mga mukha ko. Nakita ko kung gaano ako nilugod ng tingin sa mga ka batch ko habang nagdadalawang isip kung yuyuko ba.

"Tangina, akala ko talaga dukha iyan."

"Akalain mo 'yon? Parang ang hirap paniniwalaan dahil parang kailan lang nag discuss si Sir about diyan."

"Big time, gago"

Pinagbuksan nila ako nang pintuan at umupo, wala nang magawa ang mga kaibigan ko kaya sumakay na lamang sila ngunit nababaguhan ako dahil parang wala silang mga bibig para magsalita. "Entonces ... ¿Dónde está la ubicación de las mansiones? " (So ... where is the location of the mansion?") I said as I sit properly. "Ah, sí Su Alteza, el rey compró toda la propiedad y por supuesto también la mansión, está ubicada en Carlosa cerca de Carrel cit, Su Alteza." (Ah, yes Your Highness, the king bought the whole property and of course also the mansion, it is located in Carlosa near Carrel city, Princesa)

"A-ano daw?"

Rinig kong bulong ni Hope ngunit ngumiti siya nang tinignan siya ng isa sa mga guwardiya. "Hi, po m-manong" Sabay sabay silang napakaway ngunit tanging tingin lamang ang ibinigay sa kanila at umiwas. Parang gusto kong matawa dahil sa reaksyon nila. Mula sa salamin ay nakita ko ang titig ni Third sa akin, mariin siyang napalunok at ngumiti ng bahagya. Agad nalusaw ang kasiyahan ko at napalitan iyon nang panghinayang habang nakatingin sa kaniya.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon