Chapter 30

114 16 0
                                    

KAI

"In the daytime, I'm Marinette,
Just a normal girl with a normal life.
But there's something about me that no one knows yet, 'Cause I have a secret."

"Miraculous! Simply the best! Up to the test when things go wrong, Miraculous, the luckiest! The power of love, always so strong!"

"Miraculous!!"

"Kuya!" Iniwas ko ang tingin sa tv at masamang tinitignan si Ki na ngayon ay nakasimangot na sa tabi ko sa sofa. "Ano ba naman 'yang pinapanood mo?" Iritadong saad niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. "Remote, akin na!"

"Ayoko nga!" Pinasok ko ang remote control sa loob ng damit ko at kunot noong bumaling sa tv. "Mama, oh si kuya, ma!" Nagsimula na naman siyang sumigaw at mag ingay. "Ano ba! Ako 'yong nauna!" Umusog ako dahil sa kaingayan ng kapatid ko. "Sige, ayaw mong ilipat? Isusumbong kita kay mama na may crush ka sa school, akala ko hindi ko nakita 'yon? Duh! Classmate ko 'yong kalandian mo, kuya!" Tumawa siya ng pagkasarkastiko.

Natigilan ako at laki ang mga matang binalingan siya. "A-anong-- ulol! 'di ko 'yon type!" Pagtatalo ko pero tinaasan niya lamang ako ng kilay at pinagcross ang kamay niya. Sarkastiko niya akong tinignan. "Tologo?" Napapikit ako at napahilamos ng mukha. "Ganito kasi 'yan, tumatakbo ako sa hall way papunta sa classroom n'yo, sa classroom ng grade ten upang sunduin sana kita pero nabangga ko s-siya-- "

"E', bakit ka tumatakbo? Para kang tanga"

"'Yong bibig mo!"

"'Yang bibig mo rin" aniya at madaling kinuha ang remote sa kamay ko sa pamamagitan ng pagpasok niya ng kamay sa loob ng damit ko. Inilipat niya ang channel kaya tumingin ako sa tv. "King ina, ano ba 'yan! Kia, fashion show?! Ilipat mo--"

"Bahala ka, tumingin ka kung gusto mo, kahit mabakla ka pa d'yan" umirap siya at pinacross ang mga paa at maarteng nanood. Galit akong tumayo at nagmartsa sa kusina upang uminom ng tubig pagkatapos ay inilagay lamang 'yon sa lamesa at pumunta muna sa kwarto ko. Tumakbo ako sa kama at bumagsak habang tinatakpan ang bibig ko para pigilan ang kumakawalang ngiti ko. Umupo ako at tumingin sa salamin ng kwarto ko. Kagat labi kong inayos ang buhok ko at kinuha ang cellphone sa taas ng drawer.

Napatigil ako sa pag scroll sa facebook ko dahil lumuwa sa news feed ko ang picture niya.

Dahlia Doriessa Laurente updated her profile picture.

"Tsk" napatikhim ako at sandaling tinutukan ang mukha niya. Naka-uniform siya at nakangiti, may tinuturo, napakunot ako ng noo dahil sa likod niya ang malaking building namin. Ayy, one minute one hundred reacts. Nahiya ako. Famous naman talaga siya, lahat sila ng mga kapatid niya sa school.

Bumaling ako sa tinuturo niya at parang magsuntukan ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot ng noo ko. "Ako to, ah" bulong ko habang zinozoom ang picture. Naglalakad ako at nakatingin sa harapan habang hinahawi ang buhok ko. Napaiiling ako at hindi ko namalayan na sa susunod na segundong lumilipas ay siya na pala ang tinutukan ko.

Agad akong natauhan at tumingin sa mga comments. "Ano ba 'yan puro 'i love you, pa notice, ang ganda mo po, pa heart back, lods? Huh?" Napailing ako, kaya naman nag 'haha' react ako at nag comment ng 'ang gwapo ng tinuro mo:> btw mukha kang unggoy' napatawa ako nang hindi pa lumipas ang isang minuto ay nag ni-mention niya ako. "Akala ko ba snobber?" Hindi kasi niya nirereplyan ang mga nag comment.

Malamang rereply talaga 'yan, nakakainsulto kasi 'yang comment mo, Kai.

Dahlia: papansin ka bat ka nag react ng haha funny ba or happiness mo ko

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon