Chapter 41

47 14 0
                                    

KAIVIN

DALAWANG buwan na ang lumipas ngunit nanatili parin si Nathally sa hospital at nakahilata. Hindi ko na alam ang gagawin ko bukod sa mag dasal at sa tuwing naaalala ko kung bakit siya naaksidente ay bigla na lamang iinit anh dugo ko sa Third na 'yon. Kasalanan niya kung bakit siya na comatose. Kung hindi lang sana niya sinaktan ang pinsan ko edi sana nakakapasok siya sa paaralan at babalik sa dating kulay ang pagkakaibigan namin.

Nabasa ko ang sulat ni Nathally para kay Third at doon ko nalaman lahat. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen nang maalala ko ang nangyari noong mga panahong dumalaw si Third sa hospital upang makita si Nathally.

Nasapo ni Third ang psingi niya habang nakaupo sa sahig at nakatulala. Biglang lumakas ang paghinga ko habang galit at iritado siyang tinignan. Muli ko siyang sinuntok at minura dahil sa gigil. "Tangina mo! Tangina mo! Gago! Tanga! Pota ka!" Nakahiga na siya sa sahig habang dumudugo ang bibig niya pero mukhang wala siya sa sarili at hinayaan lamang niya akong suntukin siya.

Nangangalaiti ako sa galit at sinakal siya dahilan nang ikina-ubo niya. "Nang dahil sa 'yo, nakahiga siya sa kama at wala ng malay! Alam mo ba ng dahil sa sakit nang ginawa mo, may mangyayaring masama sa kaniya! Putangina mo! Mahal na mahal ka ng pinsan ko pero anong ginawa mo, ha?!" Muli ko siyang sinuntok at tumayo. May bahid na na dugo ang kamao ko.

"T-Third noong una pa lang pinagkatiwalaan na kita. Akala ko hindi mo siya sasakatan pero--" Tumigil ako sa pagsasalita at tumingala habang hinawi ang mga luha ko. "Siguraduin mo lang na tama 'yang pinili mo, kasi alam mo?" Mabilis ang paghinga na tumingin ako sa kaniya na hanggang ngayon ay wala parin sa sarili ngunit nakatingin sa akin.

"Ngayon lang 'yan nagmahal ng ganito. Oo, nagkagusto siya kay Eros pero hindi kasing lalim kagaya ng sa 'yo, hindi niya hinabol si Eros, hindi siya naging tanga noong hindi siya nito nagustuhan pabalik, pero ikaw?" Tumawa ako ng pagkasarkastiko at tiim bagang na umiling. "Pagsisihan mo rin ang ginagawa mo dahil sa oras na gigising na 'yan, sa tingin mo, mapapatawad ka niya? Sa tingin mo madali lamang sa kaniya? Wala ng kwenta ang mga salita mo at hindi na siya maniniwala pa sa iyo. Hindi mo na siya makukuha pa at 'wag mo nang planuhin na babalik ka pa sa kaniya, kasi..." Lumuhod ako at hinwakan ng mariin ang baba niya. Hinihingal din siya tulad ko.

"Hindi niya ugaling bumalik sa isang tao kapag iniwan na siya nito"

Binitawan ko na siya at tumayo. Napangiti na lamang ako nang lihim nang makita kong biglang nagbago ang ekspresyon niya at nanghihinayang na tumingin kay Nathally na nakahilata sa kama. Klaro sa mukha niya ang takot at pangamba.

"Class, dismiss" Tumayo ako at tinignan ang orasan sa loob ng classroom. Tanghali na. "Hoy, sira, tara?" Dahan dahang sumingit si Eros sa harapan ko at ngumiti ng marahan. Kahit siya ay galit din kay Third. "Huwag ka na kasing malungkot. Matapang si Jinny, ano ka ba" Tumawa siya ng mahina. Napatikhim ako at kinagat ang labi. "Siraulo." Binatukan ko siya ngunit inakbayan niya lamang ako, pagkatapos ay sabay kaming lumabas.

"Ano ka ba, best friend. Panget mo kapag ganiyan ka. Pero kahit hindi ka ganiyan panget ka naman talaga" Matalim ko siyang tinignan at tinulak. "Lubayan mo nga ako!" Malakas siyang tumawa at agad tumigil. Sumeryoso ito at tumingin sa akin. Nagkatinginan kami at segundo ang lumipas ay bigla na lamang lumabas ang napalaki at maingay na tawa sa bibig namin. Pagkatapos ay bigla ulit kaming hihinto at magpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon