JIN
DAHAN DAHANG inilahad ni Eros ang dala niyang tubig na nakalagay sa tumbler habang maigi akong tinignan. Lumipas ang ilang araw ay hindi ko pa din 'yon makakalimutan at ngayon ay nakaupo kaming dalawa sa canteen habang walang ibang ginawa kung hindi ang umupo lamang. "Jin..." Lagpas bente na siguro niyang tawag sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nilingon ko na siya.
"Palagi ka na lang matamlay, ayos ka lang?" Umupo siya sa tabi ko. Walang emosyon akong tumingin sa kaniya. "Gusto mong kumain? May nagtitinda pa naman" saad niya sabay tingin sa counter. Hapon na at oras na ng uwian. Kusa siyang tumayo nang hindi ako sumagot at bumili ng pagkain. Nang makarating siya ay bitbit na niya ang isang tray.
"Oh"
Inilahad niya sa akin ang ice cream na nakalagay sa cup. "Mag kwento ka makikinig ako" aniya at ngumiti. "Ano namang iku-kwento ko?" Wala sa sariling kinuha ko 'yon. "Alam kong may problema ka. Huwag mo nga akong lokohin, Jin. Sige na, makikinig ako" Kinagat ko ang labi ko. "Wala naman" nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Are you guys done talking?" Sumingit si Vian habang hawak hawak ang stick sa lollipop na nasa bibig niya. Umupo si Vianca sa tabi ko. "Eros, what did you do to her?"
"Huh? Wala,"
"She looks pale"
"Ngayon mo lang napansin?"
Sinamaan niya ng tingin si Eros. "Duh? Is there a friend that didn't notice her friends sad emotion?" Tumaas ang kilay niya. Bumagsak ang balikat ni Eros. Nagtatalo sila nang biglang mag vibrate ang cellphone ko.
third: punta ka gym may training kami
Napatayo ako dahil sa gulat. Simula noong nakita ko silang dalawa sa likod ng school ay ngayon pa lamang siya nag chat. Hindi pa lumipas ang ilang segundo ay naka-reply na ako agad.
nath: ghe may tubig ka dalhan kita
"Nath, umupo ka nga!" Hindi ko pinansin si Vianca at nanatiling nakatitig sa screen nang cellphone. Hindi siya nag reply pero naka delivered. "Ano ba'ng meron d'yan?" Tanong ni Eros. Dahan dahan akong umupo at parang nawalan ng gana. Nang biglang tumunog ang messenger ko.
third: wala d ko na kailangan basta punta ka ngayon na iloveyou
"Kailan ko nang umalis" nagmamadaling lumabas ako ng canteen at tinakbo ang gym. Narinig ko pang tinawag nila ako sa pangalan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag reply.
nath: papunta nako
Kumunot ang noo ko nang sineen niya lang 'yun. Kinuha ko na lamang ang tumbler sa bag ko habang nagbabakasakali na mag reply siya ngunit nakaapak na lamang ako sa entrance ay wala parin akong natanggap na mensahe. Napailing ako. Malamang nag lalaro siya. Nang nakapasok ako ay agad ko siyang nakita pero bigla akong nagtaka dahil tanging siya lang pala ang tao sa loob. Bumukas ang pagtataka sa mukha ko nang makita kong seryoso siyang nakatutok sa cellphone niya habang nag ta-type.
Tumingin naman ako sa screen ng cell phone ko na baka nag ta-type siya ng reply para sa akin pero lumipas ang ilang segundo ay hindi man lang 'yon nag ingay. Napaayos ako nang tayo dahil itinago na niya ang cellphone sa bag niya at tumayo. Ngumiti siya nang makita ako at lumapit. Kahit nagtataka ay ngumiti ako nang kaunti. Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido. "Uwi na tayo, ihahatid kita" napatigil siya sandali dahil tumunog ang messenger niya.
Tumigil din ako at humarap sa kaniya nang kunin niya iyon at tignan. Madali siyang nag type at agad iyong tinago sa bag niya na para bang ayaw niya ipakita sa akin 'yon.
"BUKAS ULIT" Hinalikan niya ako sa labi at kumaway bago pumasok sa kotse at umalis. Sandali akong nakatayo doon habang tinitignan ang daang inalisan niya. Wala sa sariling pumasok ako at umakyat sa kwarto. Hindi ko mapigilang hindi maging praning dahil sa kinikilos niya. Tulala ako habang nakatingin sa balkonahe.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish-some whisper it under a falling star, others dream it beneath endless blue skies. But what if your deepest wish was simply to be loved by the one you love? Jin Nathally is a cold-hearted woman who despises everything and everyone...