JIN"GISING NAA!!" Pababa na ako mg hagdanan, Sabado ngayon at wala'ng trabaho si Tita. Hindi muna ako naligo at sa pagbaba ko ay nakita kong paakyat pa si tita sa hagdan.
"Oh, oh, oh, Good morning Jingjing! Mabuti naman at naisipan mong gumising!" Paninimula nito, tinaasan niya ako ng kilay tumalikod siya habang bitbit ang kape. "Ma, ano ba ang ingay." Pikon na sabi ni Kia habang kumakain. Sumimsim si tita ng kape at matalim akong tinignan. "Jingjing." Strikta nitong sabi, tumigil ako sa pag inom ng tubig at tumingin sa kaniya.
"Samahan mo 'ko ngayon." Sabi niya, inubos niya ang kape niya, kumunot ang aking noo. "Samahan mo ko sa hacienda Decena." Tumaas ang kanan kong kilay. "Aba't wag mo 'kong pagtaasan ng kilay d'yan bilisan mo!" Sabi niya at tumayo. "Pa'no si Kai at Kia?" Tanong ko nakita kong napatingin ang dalawa sa 'kin at napatigil sa pag nguya. Tumingin si tita sa mga anak. "Ikaw Ki, samahan mo si Ibing mag benta ng isda sa palengke." Sabi niya habang nakapameywang. Nakita kong bumagsak ang balikat nilang dalawa at parang lantang gulay na umupo sa silya. "Aba nga naman, wag n'yo 'kong artehan! Kumilos na kayo! Uwi na kayo bago mag hapon. Kunin mo na lang Ranz ang mga isda kay manong Senyor." Tumingin si tita sa 'kin. "At ikaw naman Jingjing maghanda kana." Iyong ang huli niyang sabi bago umalis. Bumulong bulong pa 'to.
Narinig ko ang mahinang mura ni Kai, at pagtutol ni Kia.
"Si Nathally kasi, ayan tuloy!" Pangsisisi sa 'kin ni Kianna, tumingin ako sa kaniya na may nakakunot na noo. "Epal nito, Tara kuya!" Dumilat si Kai at tumayo pagkatapos ay tinignan ako.
"Peste ka." Aniya at umalis, ako lamang ang naiiwan sa kusina at may balak ata silang ako ang magligpit nito. Tsk, kahit ako naman talaga. Matapos ko ng hugasan ang mga pinggan ay dumiretso ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis. Tinatamad kong tinali ang aking buhok ng pabilog.
Bakit naman pupunta si tita sa hacienda na 'yun? Wala naman s'yang trabaho ngayon? Umiling ako. Ako na siguro ang may pinakamasipag na tita sa buong baranggay namin. Tsk, nag suot lamang ako ng isang pambahay at pajama. Nang makababa na 'ko ay nakita ko ang mag kapatid na nag tatalo.
Kung hindi siguro ako nag salita kanina, hindi sila mag aaway.
Sensya naman.
"Ano ba naman 'yan! Ayusin mo kasi!" Sigaw ni Kia. "Hala sige, ikaw na lang kaya mag bitbit nito? Bobo ka ba?!" Lumakas ang mga boses nila at mas lalo pa silang nag away, na sa harap na sila ngayon ng pinto. "Ang ingay n'yo," sabi ko at bumaba ng hagdanan. Nasaan ba si tita bakit hindi n'ya man lang narinig na nag-aaway ang mga anak niya? "Isa ka pa eh! Kung hindi dahil sayo, edi sana hindi kami makapagbenta nito! Tara na nga Kia! Bwesit na 'to." Galit na saad ni Kai at tumalikod habang nakalagay sa balikat ang basket na may laman ng mga isda. Umirap si kianna sa 'kin nang magtama ang paningin namin at sumunod sa kuya nito na kakalabas lamang.
Naiiling na dumeretso sa kusina upang uminom ng tubig.
"MAAAAAA, ALIS NA KAMEEEE!!, tangina mo Jing. " Narinig ko pang minura n'ya ako.
Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig maya maya ay bumukas ang pintuan sa likod ng bahay at iniluwa do'n si tita. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang hitsura n'ya, mukha s'yang magsasaka sa suot niya habang naka suot ng sumbrerong buri. Saan nga ba kami pupunta? Napatanga ako at tumingin sa sout ko, tanging malaking damit at pajama lamang ako suot ko, kung tutu-usin para lamang ako bibili sa tindahan neto. "Ano ba 'yan?" Medyo galit n'yang tanong. "Saan nga ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo. Napameywang siya at dinuro duro ang noo ko.
"Sa-Hacienda-De-ce-na!" Sabi niya na para bang itinatak niya iyon sa ulo ko. "Ano'ng gagawin natin do'n?" Ngayon ko lamang na laman na sabog pala ako. "Aba nga naman! Basta't magbihis ka na lamang! Bilisan mo! Kagaya sa suot ko," Sabi niya at itinuro ang damit niya. Tumalikod ako at hindi siya pinansin upang makapagbihis. Pukingina. Bumaba na ako at nakita ko si tita na may hawak hawak na basket, handa ng umalis. "Tara na, medyo malayo ang lalakarin natin, wag ka'ng mag inarte, hindi ka prinsesa dito." Tumingin ako sa kaniya at bigla siyang tumalikod at lumabas. "Ano ba yan! Jingjing labas na! kakandaduhan ko na 'tong bahay!"
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish-some whisper it under a falling star, others dream it beneath endless blue skies. But what if your deepest wish was simply to be loved by the one you love? Jin Nathally is a cold-hearted woman who despises everything and everyone...