Chapter 8

203 26 4
                                    

THIRD

"SHIT, it's so dark in here how did she survive this place?" Jade murmur "Shut up Jade you're over acting" sabi ko sa kaniya kanina pa kase siya hindi natatahimik, nagrereklamo dahil sa dilim, ipinark ko ang kotse sa gilid dahil masikip na ang daan "We were just visiting her, Jade." Inis kong sabi dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil. "Out" I said as I pull out the key on my car at lumabas.

Inilibot ko ang paningin sa lugar, ngayon lang ulit kami nakakapunta dito, ngunit wala pa ring halos nag bago exept the lights. "Ang dilim Third bukas na lang kaya sa umaga----" I just ignore him and started to walk. I put my hands on my pocket while feeling the cold and fresh air. "Ish!" Kanina kasi pinilit ko siyang sumama sa'kin dahil yun kasi ang sinabi ni lolo at lola.

"Bakit ba kasi ako lang? Pwede din namang sumama si Hope!" Iritado ko siyang tinignan "Isa pa, ang daldal mo" umiwas ako ng tingin at ipinako ang tingin sa harapan ko habang nakakunot ang noo. "Ayoko sa kaniya ang daldal kaya ng babaeng yon" sambit ko. "Ahh!" Napasigaw siya ng bigla na lamang nawala ang ilaw, "H-hoy!" Hinawakan niya ako sa braso, mayamaya ay bigla itong bumalik ngunit babalik na naman ito sa pagpatay at umilaw ulit.
"Ang bakla mo--" napatigil ako sa pagsasalita nang may makita akong isang silhouette, napakurap ako at pilit na pinagmamasdan ito.

Mayamaya ay nakita kong papatumba na ito "T-third may t-tao" hindi ko siya pinansin at agad na tumakbo at sinalo siya, pilit ko itong pinagmasdan kahit madilim, napatigil ako nang nakompirma ko na ito, isa itong babae?!  Naramdaman ko si Jade na sumunod sa'kin ngunit naka tutok lamang ako sa kaniya, nakita kong pilit niyang iminulat ang mga mata niya upang tignan lamang ako, ng sa wakas ay naimulat na niya ito ay bigla siyang nagsalita.

"T-third"

Doon na siya tuluyang pumikit. Niyakap ko ito nang mawala na ito ng malay nang may na realize ako....yung tinig niya..... Napakunot noo ako at lumaki ang mata ko pagkatapos ay tinignan siya. "Sh-shit" huwag mong sabihin na siya 'to?

"W-WOAH!" Nakita ko ding lumaki ang mata ni Jade habang tinuro ito. "W-what is she doing here? Dude! She needs help!" Sabi nito, anong nga ba ang ginagawa niya dito? At bakit nagkaganito siya?

Napatigil kami nang may biglang kumanta.

"Let me love you Carmelita,
Let me kiss ang hold you tight,
Must I beg for some affection~"🎶

Agad kaming napatingin kong sino ang kumanta, isang mama habang may dala dalang manok, at hinihimas himas ito may bitbit pa siyang pera.

"From you're direction,
Night after night~"🎶

Batid naming hindi kami nito nakikita dahil papikit-pikit ito'ng kumakanta, habang ginigiwang giwang ang katawan, agad na lumapit si Jade sa kaniya. "Ahhh, manong?"
Bigla itong tumigil sa pagkanta at tinignan ito, shit! Nangagalay na ako dito habang kinulong ko siya sa mga bisig ko pinagpapawisan na din ako.
Binuhat ko siya at ramdam ko ang hininga niya sa batok ko, nagkahalo na din ang mga pawis namin sa leeg. Fuck.

"Ohh ijo?" Takang tanong nito na para bang hindi nakikita ang sitwasyon namin.

Nanginginig ako habang binubuhat siya, pano ba kasi ramdam ko ang pwet niya sa mga bisig ko.

"A-hhh k-kilala--" hindi ito natapos sa sinabi niya nang biglang bumaling ang mama sa direksyon namin, nakita ko ang paglaki ng mata niya "S-sandali" sabi ng mama at itinuro kami binitawan niya ang manok niya at kina-usap muna ito na huwag umalis parang timang, isinuksok niya rin ang pera niya sa bulsa habang dahan dahan na lumapit samin, ano ba! Ang bigat bigat na niya!

"K-kung hindi ako nag kakamali si Jingjing ito eh?" Jingjing? "Ah manong alam mo ba kung saan siya nakatira para makauwi na po siya?" Tanong ko. "Ha? Oh sige sige, pamangkin siya ni Luring ah, yung babaeng may pinaka makapangyarihang bibig sa Baranggay, ehh medyo malayo pa ang bahay nila dito" aniya. "Pwede bo bang samahan mo kami manong?" Tanong ni Jade, agad ko siyang nilingon at sinenyasan na lumapit sa'kin at sumunod naman ito "Ikaw na maghatid sa kaniya" sabi ko. "What?! No, ayaw ko tayong dalawa na lang!" Sigaw niya "Ihahatid mo siya oh hindi kita ihahatid?" Pananakot ko. "Baka nakalimutan mo wala kang sasakyan ngayon?" Nakangisi kong sambit, napabagsak siya ng balikat at walang ganang kinuha ito at binuhat, napainat ako ng katawan ang bigat niya! Medyo nahihirapan din kami nung inilipat namin siya.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon