Chapter 32

98 13 3
                                    

JIN

"ANO ba naman 'yan, ngumiti ka nga, Nathally, paparating na si Kia!" Bulong ni tita at bahagya pa akong siniko. Nasa loob kami ng bahay habang nakaatang sa harap ng pangharapang pintuan upang i-surpresa si Kia para sa isa dise-sais niyang kaarawan. Nakaakbay si Kai sa kapatid habang papalapit na sila mula sa labas habang ako naman ay ang may hawak ng cake at si tita naman ang may hawak sa party poopers.

"Ayan na, isa... Dalawa.... Tatlo!" Saktong pagbukas ng pinto ay pinaputok niya ang party poopers.

"Happy birthday, Queen Kianna!"

Sabay sabay naming sabi. Napangiti ako at dahan dahang lumapit sa kaniya upang hipan niya ang kandila. Bumadha ang gulat sa mga mata niya at natatawang sinuotan siya ng birthday cap ni Kaivin. "Happy birthday" sabi ko at ngumiti, napahawak siya sa dibdib niya habang gulat na gulat pa rin. "Make a wish" ngiti ni Kai at muli siyang inakbayan at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

Napakurap muna siya ng ilang beses at gulat na hinipan ang kadila. "Kain na!" Masayang sabi ni tita at inaya kami papunta sa mesa. "Sandali, Ki, hindi ka man lang nag imbita?" Saad ni Kai at umupo. Pinaghandaan ni tita si Kia ng pagkain. "Ah, meron naman" sabi niya at napatingin sa relo. "Huh? Sino? Nasaan siya?" Kumunot ang noo ni Kai habang kumukuha ng cupcake.

Biglang may nag doorbell kaya lahat kami napatingin doon. May doorbell kami, hindi lang halata. "Nandyan na siya" ngumisi na parang aso si Kianna at dali daling tinungo ang pinto.

"Happy birthday!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko nang bumukas ang pinto, napatingin ako kay Kaivin dahil bigla na lamang nahulog sa sahig ang tinidor nito. "Ma, si Dahlia, po, kaibigan ko" ngiti ni Kia at tinignan si Kaivin na parang nang-aasar. Tumingin ako kay Dahlia at mahinang napatango nang mapagtanto kong siya 'yong kapatid ni Third na nakita ko sa mansion nila at ang nautusang ibigay sa 'kin ang sulat nito.

"Hi, po"

Ngumiti ng matamis ang dalaga at hindi ko maitatanging napakaganda nito, kahawig niya ang kuya niya. Napairap ako sa kawalan. "Oh, hija, upo ka, kaninong anak ka nga ba?" Magiliw na sabi ni tita at binigyan siya ng silya patabi kay Kaivin, agad napatikhim si Kai at umusog ng kaunti. Ngumiti muna si Dahlia sa 'kin at kay Kai ngunit iba ang ngiti non, parang naang-aasar. Sumagot siya kay tita.

"Reyton and Thraniza, po"

Napatango naman si tita habang humila ng isang upuan pero agad ding napatigil at laki ang mga matang tumingin sa kaniya. "Why, po?" Biglang nagtaka ang awra nito. "R-Rey...T-Thraniza... Sandali, anak ni sir Reyton? Isang kang Laurente?" Napakurap na saad ni tita. Napatawa siya ng mahina at tumango. "Yes, po"

"Naku, kaibigan naman pala kayo ng anak ko, eh.. may boypren ka na ba, hija-- este Ma'am?"

Natahimik kami nang tumikhim ng malakas si Kai at nagsalita. "Kumain na lang kaya tayo, ma?" Seryosong saad niya pero nagsalita si Dahlia at hindi siya pinansin, bahagya pa siyang tumawa. "Nothing pa, po" ngiti niya at sandaling binalingan si Kai. Tumango tango si tita at nagpatuloy pa sila sa pakikipag-usap pero hindi ko maiwasang hindi siya suriin. Matangkad si Dahlia, mas matangkad pa siya kesa kay Kianna ng kaunti, medyo mature ang mukha nito at pormado na ang katawan ganon din naman si Kia.

Mukhang hindi naman 'to grade ten.

Isang oras siyang nagtagal sa bahay at naamoy kong may kakaibang namamagitan nila Kai at Dahlia. Nagtatawanan sila ni Kia nang biglang tumunog ang cellphone ni Dahlia.

"MAMA!" Tumitili si Kia habang tumatakbo dahil hinahabol siya ni Kai upang pahiran ng icing sa mukha, napatawa ako ng mahina habang tinignan silang dalawa, wala na si Dahlia, umuwi na siya.

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon