JIN
LUMIPAS ang ilang linggo ay walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin at sa bawat linggo na lumilipas ay papalapit ng papalapit ang kaarawan ni Third. Hindi na ako halos kumakain upang hintayin lang siyang mananghalian pero lagi din niyang sinasabi sa 'kin na tapos na siyang kumain kasama ang team nito. Palagi akong nandoon sa laro at training niya pero kahit isang tingin man lang ay hindi niya ako tinapunan.
Pagod na ako. Pagod na akong humahabol sa kaniya. Pagod na akong palagi siyang hinahabol, pagod na 'kong manghingi ng tawad sa kaniya pero ayaw kong sumuko. Hindi ako susuko dahil mahal ko siya. Napatingin ako sa kawalan. Totoo pala kapag narinig mo sa ibang tao na sinasabi nila na mahal nila ang isa't isa ay mandidiri ka at maki- cringe ka, pero pag ikaw naman ang magsabi iyon sa taong mahal mo, pakiramdam mo lumulutang ka na sa langit.
Paulit ulit ko nang binabasa ang mensahe niya na kagabi niya lang ibinigay.
third: im leaving
Bagsak ang mga balikat ko at walang gana na naglakad papunta sa music room. Hindi ako tanga at alam ko ang ibig sabihin noon bukod sa aalis na s'ya. Wala siya ngayon at nag training, hindi ko na s'ya halos nakikita na mas lalong ikinalungkot ko. Habang naglalakad ako kasama ang mga kaklase ko ay tumingin ako kay Eros. Wala naman siyang kasalanan. Sinubukan niya lang naman pasayahin ako.
Sinubukan niya akong kinausap pero palagi akong umiiwas sa kaniya para hindi madagdagan ang problema ko.
"Ate Pres!"
Napatigil ako sa paglakad ko at napatingin sa likod. May tumakbong junior high na papalapit sa akin. May bangs ito at may katangkaran, mataas ang kulay itim nitong buhok at lumitaw ang maputi nitong anit. Umayos siya ng tayo habang tumingin sa akin. "Oh?"
"P-pinapatawag ka po ni Mrs. Cordeza. Excuse ka na po daw sa subject mo ngayon, p-po." Tumingin ako sa lecturer at tinanguhan niya ako. Umalis na ako at natawa ako dahil sinamahan pa talaga ako ng junior high na maglakad, nakatungo siya at malayo sa 'kin na parang takot. "Anong pangalan mo?" Napakurap siya at tumingin sa akin, tumingin pa siya sa paligid upang kompermahing siya talaga ang tinutukoy ko. "A-ako, po? Ahh... Monique, p-po"
Ngumiti ako ng kaunti at nilapitan siya. Napahakbang naman siya dahilan upang matawa ako. "Takot ka ba?" Dali dali siyang umiling.
"Monique!!"
Sabay kaming napahinto nang may biglang sumigaw at ngayon ko pa lamang napagtantong nasa building na pala ako ng juniors high. Mula sa classroom ay may lumabas doon na babae at nagulat ako nang makita ko kung sino ito.
"E-Era..." Nagtama ang paningin namin at sandali siyang napatigil. Tumaas ang kilay nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Halika nga dito, ba't mo naman kasama 'yang dukhang 'yan?" Binangga niya ako at hinablot si Monique pagkatapos ay pinapasok niya ito sa classroom. Sandali muna akong nakatingin sa likod ng kapatid ni Eros.
Isang taon na ang lumipas at ngayon lamang kami nagkita. Wala paring nagbago sa kaniya. Pinadirian parin niya ako at hindi niya parin akong magawang respetuin. Umiling ako at naglakad papunta sa office nang makapasok ako doon bigla akong natutop nang maabutan ko si Aria na nakaupo sa isang mahabang sofa habang nanonood ng palabas.
Tinignan niya ako at dahan dahang umangat ang isa niyang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Biglang tumikhim si Mrs. Kaya tumingin ako sa kaniya. "Well good morning, too. Mrs. Berdera." Umayos siya ng upo at pinagsiklop ang mga palad niya. "Kailangan na nating magplano kung kailan ang opening ng intramural this year. Marami akong naisip na mga ganap, during our intrams, pwede ka ding magdagdag kung ano ang gusto mo. And please take a sit first" Tahimik akong umupo at humikab.
BINABASA MO ANG
I Wish
RomanceEveryone has a wish. They wish under the falling star, they wish under blue skies. But what if, you wished to be loved by the person you love? Jin Nathally is a cold hearted woman who hates everything including her cousins. She's not interested in w...